7

1216 Words
CIRCE POV Huwebes ngayon at nandito ako sa rooftop ng building. Hanggang ngayon kase naalala ko pa ang ginawa naming pag tatalik sa harap ng babaeng 'yun. Sabihin na nating nagustuhan namin 'yun pero ang may nanunuod samin? Hindi makatarungan 'yun. Hindi ba niya alam ang salitang privacy? Ang inosente ng kanyang mukha pero may tinatagong ka manyakan din pala. Pagkatapos ng gabing 'yun ay hindi na kami muling bumalik pa at mabilis na umalis sa lugar na 'yun, mamaya may ipadagdag pa siyang gawain na hindi naka nais-nais. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap" napalingon ako sa nag salita. "Nag papa-hangin lang ako para makapag isip ng maayos na ideya" saad ko at ti-nap ang gilid para paupuin siya. "Sabihin mo sakin kapag may problema ka o gusto mo ng tulong, handa ako" saad niya bago inihilig ang ulo sa balikat ko. Napahinga ako ng malalim. Morticia napaka gandang pangalan ng aming anak ngunit nasa kamay ito nina Draeven at Hades. Si Draeven naiintindihan ko pa dahil ito ang unang rebeldeng demonyo pero si Hades? Hindi ko alam kung ano ang naisipan niya at sumanib siya sa kanila gayong isa itong Goddess kaya bakit? Gustong gusto ko makita ang aming anak baka sakaling maka-salubong o makita ko siya habang hinahanao namin ito. Hinawakan ko ang kamay ni Arch at pinagsaklop bago pumikit para makita ang hinaharap. Isang magandang dilag ang aming nakita. Nakakulong ito sa kanyang silid habang naka dungaw sa bintana. Mahaba ang pula nitong buhok na lalampas sa kanyang talampakan, makinis ang balat, matangkad, mahahabang pilik ng mata, natural na mapupulang labi, balingkinitang katawan, maliit ngunit matangos na ilong pero ang mga mata nitong pula ay malungkot. Tahimik itong umiiyak habang naka-tulala sa kawalan. Kasabay ng pagmulat namin ng mga mata ay siyang pagkawala ng imahe nito. May sinabi pa ito ngunit hindi na nila naintindihan dahil dumating bigla si Hades na may dalang pagkain sa anak namin. Naiiyak ang katabi ko sa buhay na meron ang anak namin, miski ako ay naawa ngunit kailangan ko maging matatag. "Tumahan ka na Mahal bukas na bukas sisimulan natin siya hanapin, kung nasaan man siya" masuyong bulong ko bago halikan ang noo nito. "Mabuti pa mag pahinga na tayo para magkaroon ng lakas bukas. Isasama pa ba natin sila?" nagkibit balikat lamang ako. Pag-iisipan ko muna kung isasama namin sila gayong alam ko din na may mga pasok sila. Dadaan na muna ako sa opisina ng may-ari ng university'ng ito. "Mauna ka na sa kwarto may dadaanan lang ako" tumango lamang ito bago naglaho. Siya namang sulpot ni Medusa sa aking harap, malungkot ang itsura nito at namumugto ang mga mata nito kahit naka shades pa, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. "Anong ginagawa mo dito?" "G-Gusto kong sumama sa pag-hahanap sa anak niyo, gusto ko rin makita ang pamangkin ko" napa tango ako. Malaki ang maitutulong niya samin lalo na sa makakaharap naming kalaban. "May iba ring gustong sumama na makaka tulong satin ng malaki" napakunot naman ang noo ko. Magsa-salita pa sana ako kaso bigla na lang ito nawala. Nagpunta naman ako sa loob ng opisina ni Aurora. Napa angat naman ang tingin niya at nagta-tanong ang mga mata. "Gusto kong ipag-paalam sila Lucifer, Arch, Medusa kasama ng kanilang mga kaibigan na hindi muna makaka-pasok sa susunod na araw. Hahanapin at babawiin namin si Morticia" deretsong saad ko. "Morticia? Anak niyo?" tumango ako. "Kung ganoon pumapayag ako ngunit hayaan mong tulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya, maliwanag ba Circe?" naka taas ang isang kilay nito, napa-ikot na lamang ang aking mata. "Fine, pero ayokong makikisali kayo sa pagitan namin nina Hades at Draeven" tumango ito bilang pag sang-ayon. Kinabukasan hindi na namin inantay pumutok ang araw at nag simula na mag lakbay sa realm namin. Lahat nasa kanya-kanyang form. May mga kasama din kaming vampira, lobo, mangkukulam at ibang mga anghel at nilalang. Tumigil kami sa paglalakad ng bumuhos ang malakas na ulan na mula sa bulkan. Ka-agad na sumilong ang halos lahat samin, hindi sila pwedeng maulanan kung hindi ay mag-lalaho sila o magiging abo. "Mabuti pa kumain muna tayonat dito magpalipas ng oras habang inaantay tumila ang pag-ulan" saad ni Lucifer na sinang ayunan naman ng lahat. Naupo ako sa malaking bato sa loob ng kweba. Madilim ang kalangitan at lahat ay nagiging abo kung kaya't walang kahit anong bagay o nilalang ang nabubuhay dito bukod sa mga naka tira dito. "Matulog ka muna Mahal, siguradong inaantok ka pa" saad ko bago isinandal sa aking dibdib si Arch. "Bakit hindi natin gamitin ang pananggala ng mga anghel para makapag lakbay pa tayo ng malayo?" tanong ni Kira, isang luna sa pack nila. "Hindi kakayanin ng mga anghel ang init na mula sa bulkan baka maging abo na lang kayo at mamatay. Pero kung gusto talaga natin pwede naman siguro gumamit si Circe ng pananggala" agad sinamaan ko ng tingin si Lucifer. Kitang nagpapa hinga si Arch tapos mag susuggest siya ng ganiyan ibang klase. Bakit hindi na lang siya dumiskarte kay Lilith, naninira pa ng moment eh. Napatingin sakin ang lahat kaya walang nagawang tumango ako bago binuhat patayo si Arch na ngayo'y mahimbing natutulog. Gumawa ako ng pananggala na kayang protektahan ang lahat. Siguradong mauubos ang lakas ko nito. Palihim naman tumulong sakin si Lucifer kaya hindi agad mauubos ang mana ko. "Saan naman natin hahanapin ang kaharian nila?" tanong ni Medusa sakin. Pumikit ako at nakita ko ang kaharian nila sa gitna ng mainit na lava. Nakapalibot ang mga tauhan nila sa buong lugar. "Sa isla Carlotta sa gitna ng mainit na lava naka tayo ang kaharian nila, napapalibutan ng mga rebelde ang buong lugar. May mga kakaibang nilalang din na naninirahan sa lava kaya kailangan natin mag doble ingat" napa tango naman ang iba. Habang ang mga mangkukulam ay gumawa ng spell para protektahan ang sarili pati na rin ang ibang kasama namin para hindi masunog. Napatigil ako ng may marinig na kaluskus. Ganoon din ang mga vampira at lobo na nakarinig at nakikiramdam sa paligid. Nagtataka naman ang iba at naging alerto. "May mga kalaban!" sigaw ng isang kasama namin bago nakipag laban sa malalaking alimango. Ang iba sa kanila ay naagnas ang mga balat. Tinusok ko sa tiyan ang isang sumugod sakin at lumabas ang likidong itim dito. Sinaksak ko ito ng paulit-ulit bago pugutan ng ulo. Sinaksak ko sa mata ang isang alimango na kamuntikan nang kumain kay Lilith bago pinugutan ito sa ulo. "S-Salamat" aniya Lilith, tumango lamang ako. "Bilisan na ninyo aabutin na tayo ng dilim!" Sigaw ni Medusa kaya wala kaming nagawa kung hindi mag teleport sa isang bahay na gawa sa bato. Napa hinga ako ng malalim ng kumirot ang sugat ko sa braso, may kulay itim na kumakalat sa braso ko, unti-unti na rin namamanhid ang katawan ko at dumidilim ang paligid. Bago ako mawalan ng malay ay nasalo ka-agad ako ni Arch, narinig ko pa ang isang tinig na pamilyar. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata, kahit nanlalabo ay nakita ko pa rin ang anak namin na nag-aalalang nakatingin sakin at hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD