ARCHANGEL POV
"Ang blooming natin ngayon ah, anong meron?" mapanuksong tanong sakin ni Seraphina.
"A-Ah wala ah, maganda lang gising ko" pagsi-sinungaling ko. Tinignan naman ako nito ng mariin, sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"Talaga lang ha!" singit ni Rabia.
Bigla naman ako nakaramdam ng kaba. Nahuli niya kami ni Mahal kaninang madaling araw na umuwi. Hindi ko alam kung bakit gising pa siya naku, mukhang ilalaglag pa ako ng isang 'toh.
"Anong ibig mong sabihin Rabia?" napangisi naman siya sa tanong ng katabi ko.
"Well nakita ko lang naman silang dalawa magkasama ni Circe kaninang madaling araw na umuwi, mukhang nadiligan ang kaibigan natin!" masayang sabi niya at umakbay pa samin.
Lihim naman ako napamura. Talagang ginawa niya, nakakainis at nakakahiya!
"Uyyyy ikaw Angel hindi ka nagsasabi samin ha, may gusto ka pala kay Circe eh" panunukso ni Parisa, napa ikot naman ang mata ko.
"Tumigil ka pandak baka hindi kita matantya naku!" at umastang hahampasin siya pero mabilis na nawala. Takot talaga.
"Huwag naman kayong gan'yan kay Arch, baka ma-bad trip 'yan at paliparin kayo" biglang dating ni Circe, mas lumapad naman ang ngiti ko.
Nakangiting lumapit ito sakin at hinalikan ako sa labi dahilan ng pamumula ng aking mga pisngi. Kaya mas lalong tinukso kami ng aking mga kaibigan habang siya ay natatawa naman tuwing pinag susungitan ang mga ito.
Sabay-sabay na rin kami pumasok sa room habang wala pa ang professor sa first sub namin. Magka-tabi kami ngayon ni Mahal habang magka-hawak kamay at wala ni isa man samin ang gustong bumitaw o humiwalay sa isa't isa. Pakiramdam ko ligtas ako at walang problema kapag kasama ko siya.
"Thank you and Sorry Mahal" masuyong saad nito at inihiga ang ulo sa aking balikat.
"Para saan?"
"Thank you dahil hindi ka naghanap ng iba at hindi nawala ang pagmamahal mo sakin. Sorry dahil hindi ko man lang kayo nagawang iligtas noon ng anak natin at nawalan pa ako ng alaala" niyakap ko naman ito.
"Wala ka namang kasalanan Mahal, ang importante buhay ka at mag-kasama ngayon. Mag kasama tayong hahanapin at babawiin sa kanila ang anak natin" saad ko bago hinalikan ang ulo nito.
Lumipas ang tatlong oras at tanghalian na. Nauna sila Seraphina sa cafeteria para maka-order at maka hanap ng mauupuan namin doon. Naglalakad kami sa hallway ng humarang sa daraanan namin si Medusa kasama ang mga kaibigan nitong na mga namang si Joker sa kapal ng make-up at lapad ng ngisi nila.
"Well, well tignan mo nga naman. May tinatago ka din pa lang landi sa katawan ano?" nang uuyam na saad nito habang nilalaro ang dulo ng buhok niya.
"Ano bang kailangan mo sa asawa ko Medusa?" dinig kong malamig na tanong ni Circe.
Napasinghap naman sila at hindi makapaniwalang nakatingin saming dalawa. Kulay itim ang mga mata nito at umaapoy ang tingin sa harap namin. Hinawakan niti ang kamay ko at pinag saklop.
"W-Wala kinakamusta lang namim s-si ano uhmm si Angel hehehe, sige mauuna na kami" nabubulol na saad nito at naglaho bigla kasama ang mga kaibigan nito.
"Ayos ka lang? May ginawa ba sila sayo?" nag-aalalang tanong nito. Umiling lang ako.
"Wala naman sila ginawa dahil dumating ka naman agad eh. Huwag ka nang mag-alala mahal" nakangiting sambit ko at sabay namin tinungo ang cafeteria.
"Mabuti naman at nandito na kayo kanina pa ako nagugutom" saad ni Lucifer habang nakahawak sa tiyan.
Katabi nito si Lilith sa kanan at si Amendaniel sa kaliwa nito.
"Bakit kasi hindi ka pumunta samin kaninang umaga o kaya sa kuya mo para hindi ka nagugutuman sa dorm niyo" tatawang-tawang saad ni Circe at ginulo pa ang buhok ng huli.
"Circe naman ilang oras ko kaya inayos itong buhok ko tapos guguluhin mo lang, humph!" parang batang saad nito na nakanguso na.
Nginisian lang siya nito at tumabi na sakin. Sabay-sabay kami kumain ng tanghalian. Kaunting kwentuhan at asaran lang ang ginawa namin at nag kanya-kanya na ng alis dahil may mga lakad pa ang iba samin.
"Saan tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad Mahal" kanina pa kami nagpapa-lipat-lipat ng realm.
"Sandali na lang Mahal. May nakapag sabi kasi sakin na may isang matandang babae ang makakatulong satin mahanap ang anak natin" hindi naka-tinging sagot nito.
"Saan ba siya nakatira para matulungan din kita mag hanap" hiwakan ko ang kamay nito at tinitigan siya sa mukha.
"Sa isang kwebang may dragon, pitong ulo meroon ito. Maliit lang ang kweba at nakahanay sa mga punong nagsasalita kaya hindi natim agad makikita" saad nito.
Nag simula kami maglakad-lakad sa kakahuyan. Nag madali ako maglakad ng may makitang isang kweba sa pagitan ng mag-asawang puno. Hinila ko naman palapit ang kasama ko upang makita niya rin ang nakita ko.
"Mawalang galang na ho pwede ho bang malaman nandito ba sa loob ng kwebang ito ang dragon na may pitong ulo pati na rin ang isang matandang babaeng seer?" tanong ko sa mag asawa.
Umatras kami ng bahagya ng gumalaw ang mga sang nito at lumabas ang kanilang mga mukha.
"Oo diyaan nga ngunit kayo'y mag iingat dahil mapanganib ang dragong iyon. Lahat ng magta-tangkang pumasok diyan ay hindi na nakakalabas pa ng buhay" sagot ng may katandaang babae samin bago muli sila natulog.
"Okay mag handa kang mabuti Mahal baka mapa'no tayo sa loob" saad ng katabi ko at ginamit ang demon form nito. Nag angel form naman ako para mas lumakas ang kapangyarihang meron ako.
Sabay kami pumasok sa loob at nanatiling alerto at tahimik. Natutulog ang dragon sa gitna ng aming daraanan at sa likod naman nila ang isang pintong gawa sa bato. Kailangan naming maka-daan dito ng hindi sila nagigising.
Mabilis ngunit walang ingay kami lumakad ni Circe ng biglang namatay ang apoy kaya hindi namin makita ang aming daraanan. Ayos lang kahit madilim nakaka-kita pa rin kami ng maayos. Mas naging maingat kami sa bawat hakbang hanggang sa may naapakan kaming likidong malagkit sa paa.
Nakakadiri at ang baho rin ng amoy. Parang anytime ay masusuka ako pero pinigilan ko at hindi pwede. Maya-maya ay gumalaw ang isang ulo ng dragon at suminghot singhot pa. Inaamoy kung meroon silang ibang kasama. Nagising na rin ang iba pa kasabay nito ang pagliwanag ng buong paligid, lagot.
Sabay-sabay silang humarap sa pwesto namin. Itinago namin ang aming presensya at amoy mula sa kanila upang hindi mabugahan ng apoy. Hindi ko alam na bawal pala apakan ang laway nila, damn! Hindi kami kumilos o kumurap, pinigilan din namin huminga ng ilang minuto hanggang sa binugahan kami ng apoy.
Papa'nong naramdaman pa rin nila kami? Mabilis naman kami naglaho sa kanilang harapan, inilabas ko mula sa aking kamay ang espado ko bago tumalon at hiniwa ang ulo ng isa sa kanilang sumugod sakin. Gano'n din ang ginawa ni Circe kaya mas lalo silang nagwala at umungol sa sakit sa bawat pag pugot ng kanilang ulo.
Nagsisimula na rin masira ang kweba sa likot nila at lakas ng pagyanig ng kanilang pag papadyak. Ginamit ni Circe ang kanyang makapang-yarihang tali at ipinulupot sa kanilang katawan ngunit sadyang malakas ang dragon at nakakawala sila.
Naglabas ako ng isang mahabang laso na puno ng pampatulog bago iwinasiwas sa kanilang ilong. Hindi nagtagal ay nakatulog sila ngunit hindi rin iyon magtatagal. Nagma-madaling binuksan namin ang pinto kahit na sobrang bigat nito at may mahikang nakapalibot ay nakaya naming pumasok.
Hindi ko alam kung ano ang naghihintay samin kaya nanatiling hawak namin ang aming mga sandata.
"Mabuti naman at nakarating kayo ng buhay dito" saad ng matand— wait hindi siya mukhang matanda.
Base sa itsura niya ay isa itong vampira at mangkukulam kaya ang bata pa rin ng itsura nito. Maganda, makinis, balingkinitan ang katawan at malakas pa rin ang s*x appeal nito. Teka, teka, teka bakit parang naaakit ako sa kanya. Ah hindi gawa-gawa lang ito ng isip ko mamaya magalit pa sakin ang asawa ko.
"Maupo muna kayo kukuha lang ako ng makakain natin" saad nito bago nagtungo sa maliit nitong kusina.
Tutal walang upuan dito ay sa kama na lamang kami naupo. Sana alam niya kung nasaan ang anak namin, masakit sakin na mawalay sa anak. Sinong ina ang hindi masasaktan kung kinuha at inilayo sayo ang anak mo, syempre wala.
Bumalik ang babae na may dalang alak at tinapay. Naupo ito sa harap ng kanyang malaking palanggana na may tubig at usok na lumalabas mula rito. Mukhang ito ang ginagamit niya para makita ang nasa labas at makita ang isang tao.
"Alam kong nagpunta kayo dito para sa malaman kung nasaan ngayon ang anak niyo pero bago ang lahat gusto kong patakan niyo ng dugo ang papel na ito, indikasyon na papayag rin kayo sa kapalit na gusto ko" saad niya bago ibinigay ang isang kulay pulang papel na blangko.
Wala kaming ibang pagpipilian kung hindi gawin ang nais nito para na rin sa anak namin. Gamit ang patalim na dala ko sinugatan ko ang aking pulsuhan at pinatakan ito ng isang beses, agad din naman naghilom ito at sumunod na nagpatak naman si Circe.
Napangiti naman ang babae nang matapos kami. Hindi ko gusto ang ngiting 'yun, parang may binabalak na hindi maganda eh.
"Huwag ka mag-alala hindi naman mahirap ang ipagagawa ko sa inyo ng asawa mo mamaya, baka nga mag-enjoy ka pa eh" makahulugang saad nito habang nakangisi.
Hindi dapat niya binabasa ang isip ko nakakainis, kung bakit ba naman kasi hayss. Kumain muna kami bago ito nagsalita tungkol sa kanyang mga nalalaman.
"Naiinip na ako baka pwedeng sabihin mo na kung nasaan ang aming anak para mailigtas namin siya mula sa mga taong kumuha sa kanya" nauubusang pasensya ng katabi ko.
Hinawakan ko ito sa kamay upang pakalmahin. Mukhang umepekto naman agad at pinag siklop pa niya ito. Nagpunas muna ang babae ng kanyang bibig bago nagsalita.
"Ako nga pala si Umbra kalahating vampira, kalahating mangkukulam at kalahating demonyo. Morticia, Morticia ang pangalan ng inyong anak, sa ngayon ay nasa kamay ito ni Draven at Hades. Nakakulong lang ito sa kanyang kwarto sa pinakang tuktok ng palasyo na binuo nila. Meroon lamang kayong tatlong pagpipilian, ang sumanib ka sa pwersa nila Circe kapalit ng kalayaan ng anak niyo o ibibigay niyong dalawa ang inyong ikalawang buhay o ang maghanda para sa digmaang magaganap walong buwan mula ngayon" nakahalukipkip na saad niya.
"Wala na bang pwedeng gawin para mailigtas ang anak ko na walang nagbubuwis ng buhay?" tanong ng katabi ko.
Umiling lamang si Umbra. "Hindi maiiwasan mag sakripisyo ng buhay sa labanan Circe, kung walang mag-bubuwis at mag-papaka-hirap para sa isang bagay para ka lang nandaya sa laban. Mas masarap sa pakiramdam na nalampasan niyo ito kung may mag-sasakripisyo at mag-hihirap"
Tama naman siya. Hindi maiiwasang walang mag sasakripisyo. Hindi ganoon kadali ang buhay, mapa tao man o anghel kahit magkaka-iba man ang ating uri hindi ito mag-babago.
Napahinga naman kami ng malalim. Ang hirap mag desisyon lalo na kung ganito ang sitwasyon. It's between life and death. Nakuha na namin ang ikalawang buhay kaya hindi maaring mamatay kami muli, hindi na pwede at hindi ko hahayaan iyong mangyari.
"Ano nga pala 'yung kapalit na gusto mong gawin namin?" tanong ko. Na-ccurious talaga ako. Ngumisi naman ito na para bang may balak gawin at masama ang kutob ko.
"Gusto kong mag talik kayo ng asawa mo ngayon din mismo, diyan sa inyong inuupuang kama" nalaglag naman ang aming panga sa sinabi nito. WHAT THE HELL!?