CHAPTER SEVEN

2200 Words
Napatayo s'ya bigla ng makita si Xander sa pintuan na nagtatanggal ng sapatos at necktie n'ya. Matalim ang tingin nito sa katabi niyang prente pa rin sa pagkakaupo na parang sanay na ito doon. "Your here, already? Ms. Elizabeth and I is having a good conversation before you butt in," He scoffed and look at her with dagger eyes. She pouted and rolled her eyes at him. Hindi n'ya na nakita ang pag-awang ng labi nito sa kanya bago tumingin kay Morgan na nakangisi dito. "May paguusapan ata kayo. I'll just prepare snacks." "Thanks, Elizabeth." Tumayo si Adam at kinindatan s'ya. Napatingin s'ya kay Xander na masama na ang tingin kay Morgan. She look away and went straight to the kitchen. Tinignan niya pabalik kung saan nagpunta ang dalawa para maidala niya roon ang pagkain. Pumasok sila sa pinakahuling pintuan sa dulo ng hallway. Mukhang doon ang office ni Xander. She prepare what she saw on the kitchen na pwedeng kainin. A biscuit, cake and coffee. Tinawag niya si Susan para itanong kung na saan ang tray na pwede niyang paglagyan. Once all done, binuhat niya ito at dumeretsyo sa opisina. Sinipa niya ang ilalim ng pinto dahil parehong may hawak ang kamay niya. Narinig niya ang pagtunog ng handle ng pinto na binuksan ni Xander para sa kanya. Nagkatinginan sila habang patuloy pa rin ang pagsasalita nito. "... stop negotiating with them and close their deal, and take the other companies offer. " Dinala niya ang tray sa pinakamalapit na lamesa at nilagay ang mga dala roon. "It will be a big lost if we do that--" "No. They play dirty and I don't want the company get involve with their business. Call Phaxton to tightened the security." "Oh, about him," Xander drinks his coffee kaya natagalan pa ito bago makasagot. "What about him?" "That bastard gotten into fight yesterday and he is unconscious right now," napakibit balikat na lang si Adam at nag-diquatrong upo. Napakunot noo si Xander at napatingala sa inis. Napaiwas siya ng tingin dito nang kita sa anggulo niya ang maugat nitong leeg at malaking Adam's apple. She instantly got curious kung anong pakiramdam nito sa mga palad niya. "Where is he?" "One of his resorts in Baguio. Alam mo namang init na init ang loko rito sa manila kaya malamang nandoon 'yun," "Kelan magigising? How about his cousins?" "On baguio. Baka bukas o sa susunod pa magigising sabi ng doktor niya." Tumayo si Adam at binunot ang cellphone mula sa bulsa ng pants niya. Naglakad na siya paalis para makapagusap ng maayos ang dalawa. Ayaw niya ng pakielaman ang ginagawa ng dalawa kahit umiiral ang pagiging chismosa niya. "Let's go visit, Phaxton. Elizabeth, your coming with us?" "Ha?" Napaharap siya agad. Napatintin naman si Adam mula sa cellphone papunta kay Xander na nagtatakang mukha. "What? Bakit natin isasama si Ms. Elizabeth?" "She's my secretary." "Kelan pa?" Adam asked. Gulong gulo na sa sinasabi ni Xander. "I'm not!" "Yes you are, Elizabeth. I called your bosses and sent your resignation letters, you are now working for me," "How dare you! You are being rude! Wala kang karapatang gawin 'yun dahil hindi naman kita kaano ano at hindi ikaw ang nagt-trabaho doon!" Umakyat lahat ng dugo sa ulo niya at namula siya ng husto sa inasal nito sa kanya. How dare him do that?! He is not even a friend of hers or a family to decided what best for her. Maayos ang trabaho niya sa bar ar convenient store, siya lang ang bukod tanging issue roon. "Barcelon, you are being to hard to her. Let her be kung ayaw niya," napabuntong hininga ito at tinignan siya. Iniwas niya agad ang tingin dito ng maramamdamang pamulahan ng mukha. Naging balisa siya bigla at hindi mapakali sa kinatatayuan. Shit. Tinignan lang naman pero bakit ganito? "Okay, then." Napaangat siya ng tingin. Nabigla sa sinabi nito. "Bakit?" Nausal niya bigla. Taka namang tumingin ang dalawang lalaki sa kanya. Tanga! Bakit nadismaya ka pa?! "Anong bakit?" "Ha? W-wala. A-alis muna ako." Agad siyang lumabas at tinakbo ang hagdan paakyat. Shit. s**t. s**t. Ano 'yun, Elizabeth?! Pabagsak siyang nahiga sa kama at nagtitili tili sa kahihiyan. Napabangon siya bigla at inayos ang sarili ng maisip na baka may makita sa kanya. Baliw ka na, amp. Kinuha niya sa phone sa desk malapit sa kama niya at binuksan ito. Agad na pumasok ang notification sa phone niya nang makasagap ng signal. Una niyang binasa ang text ni Ally. From: Ally-alingaling Sis, nag-resigned ka raw sabi ni Auntie Bethel? Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang? Asan ka ngayon? Sis, wag kang pupunta rito! Umalis ka rin kung na sa bahay ka! Nandito 'yung matandang business man na kinukulit ka noong nakaraang linggo, hinahanap ka! Gusto ka atang i-table at nagpupumilit ngayon kay Auntie! Kadiring 'yun, feeling may asim pa! Nangilabot s'ya bigla sa nabasa. 'Yun yung business man na matanda na pilit siyang yinayang lumabas pero ayaw niya. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin pala siya nitong tigilan kahit pinatapon na s'ya ng kanyang manager sa bar. Napanguso s'ya at naisip ang offer sa kanya ni Xander bilang secretary nito at pagsama sa Baguio. "Sasama ako." Napaangat ng tingin si Xander at Adam sa kanya. Na sa kitchen counter ang dalawa at may hawak na papeles. Binaba niya ang tingin at naglakad palapit para mas marinig s'ya. "Payag na akong maging secretary mo. Kelan ba tayo aalis?" Hindi niya na nakita ang pagngisi ni Adam sa kanya at ang pagsipa nito kay Xander na ngingisi na rin. Napakagat labi si Elizabeth para pigilan ang nagbabandyang ngiti sa labi. "I'll ready our documents then. We can leave by tomorrow evening...Susan?" Sumilip si Susan mula sa kusina na ngumunguya nguya pa. Napatingin ito sa kanya pabalik kay Xander. "Samahan mo si Elizabeth bukas mag shopping para sa isususot niya pagalis namin papuntang Baguio." "Yes, Sir! 'Yun lang po ba?" "Oo." Tumingin s'ya kay Xander. Nagkatinginan sila habang sumisipsip ito sa natirang kape niya. Gwapong gwapo siya sa ayos nitong business suit at nakabukas na butones sa dibdib. She is lucky to be with a good looking man with her. Kung sa ibang babae ay baka ingit na ingit na ito sa kanya. Sorry girls. May nauna na. Nakaayos na lahat kinabukasan. Tapos na rin silang mamili ng damit at pagimpake. Inaabangan na lang nila sa sala si Xander para makaalis na sila. She is wearing a white long sleeves, white long coat, pants and boots that makes her like a fashionista. Si Susan lahat ang namili ng damit niya at masasabi niyang maganda ang taste nito sa pananamit. Nakatali ang buhok niya dahil mainit init pa pero ibaba rin pagdating ng Baguio para hindi lamigan ang leeg niya. Hinawi n'ya ang takas na buhok at nilagay sa likod ng tenga n'ya. "Let's go." Napatingin s'ya sa pababang Xander na naka plain white shirt, black fitted pants at may hawak na jacket sa isang kamay. Hindi agad siya nito nakita dahil abala ito sa pagaayos ng kanyang relo. "Sir, nasa sasakyan na po lahat ng gamit niyo." Lumapit siya dito. Tuluyan siya nitong napansin at natitignan ng matagal. She cutely smiles and angle herself para makita ang suot niya. Umiwas ito ng tingin sa kanya pero nahuli niya ang pagsulyap sulyap nito. Napangit siya lalo. "Nauna na si Morgan sa atin. We should go ahead before it gets darker," tanging sabi nito na bahagya niyang ikinadismaya. She is accepting him to praise her by her looks now pero iba ang natanggap niya. "Yeah..." "Susan, Mark. Mauna na kami." "Ingat sa byahe, Sir! Miss Beth!" Tumango lang ang bodyguard na katabi ni Beth, na Mark pala ang pangalan, at tinanaw na lamang sila ng tingin hanggang sa makasakay ng Van. Naupo sa likod ng driver's seat si Elizabeth, tumabi sa kabilang side naman si Xander at sinarado na ang pintuan. She feel comfortable dahil one seat apart sila at nakakagalaw siya ng maayos aa damit na suot. Tumungin ito sa kanya. "We will travel for 4 hours. You can rest if you want." Umiling siya, "Para deretsyo na ang tulog ko mamaya. Hindi rin naman ako inaantok." Wala itong sinabi kaya gan'on din siya at itinuon na lang ang atensyon sa labas ng bintana. Ilang minuto rin silang tahimik ng basig nito iyon. "You should dress like that more... I'll go to sleep. Wake me when we arrived." "Okay." Bulong niya. Tinignan niya ang mukha nitong nakatagilid sa kanya. She smiles and look away. Realizing how he not says it directly that she looks great right now makes her woman heart feels at heat and excited. Nakangiti lang siya sa buong byahe at kung anu-anong iniisip. Napaptingin pa minsan sa kanya ang driver kaya kukunin niya ang phone niya at magkukunwaring may ka-text para hindi siya pagkamalang baliw nito. When she got bored, tinignan niya ang loob ng van. Sa pagkakaalam niya, ang ganitong design ng van ay custumed made. Meron itong mini refrigirator, comfort room na ka siya lang ang isang taong kasing laki ni Xander, microwave naman sa itaas at may katabi itong sliding cabinet na may lamang cup noodles and chips. Sa likod naman ay may makita siyang one seater chair at 22 inch. Television sa harapan nito. Umupo siya roon at hinanap ang remote control na nasa gilid lamang ng upuan. She is impress ng malamang smart t.v ito. Meron itong Netflix and YouTube. Hininaan niya ang volume at sinilip si Xander sa harapan niya. Mahimbing pa rin ang tulog nito at bahagyang nakaawang ang labi. Naghanap siya ng neck pillow at inayos ito sa leeg ni Xander nang mahulog hulog na ang ulo nito sa pagkakapatong sa kamay niya. Dahang dahan kinuha ang jacket sa lap nito para ibalabal dito kasi tumataas na sila at lumalamig na. Bukas din ang aircon ng van kaya mas lalong malamig. "Asawa ko, bakit gising ka pa? Asa byahe ako." Napalingon s'ya sa driver. May mausap ito sa telepono. Naupo na lamang siya ulit at tahimik na nakinig sa usapan nila. "Sa susunod na linggo pa ang uwi ko. Papuntang Baguio kami ngayon ni Sir Xander, may lakad ata roon...Oo, dalhan kitang pasalubong. Ano bang gusto mo? Oo, sige na. Matulog ka na diyan...Oo, pagdating namin doon matutulog na rin ako. Bye, I love you." "Asawa niyo po?" Binaba na nito ang tawag at tumingin sa kanya mula sa dash mirror. "Oho, ma'am. Hinahanap ako, bakit daw gabi na wala pa ako," "Hindi ho kayo nakapagpaalam?" "Hindi. Biglaan kasi, e ako lang ang driver doon na available," "Naku, buti hindi po nagalit sainyo si Misis." "Nagalit nga e"--natawa siya roon--"buti naintindihan naman. Basta wag ko raw kalimutan pasalubong niya, magagalit lalo sakin 'yun." "Ano ho pangalan ni misis? May anak ho kayo?" Kung titignan kasi ay mukhang mas bata ito sa tatay niya. "Annette. Annette Salvador. Wala kaming anak. 'Yung una at huli namin ay namatay pa," "Naku, bakit ho?" Tumingin siya dito. Deretsyo lang ang tingin nito sa daanan. "Premature. Kulang sa buwan ang anak namin. Kailangan ilagay sa incubator, e ang kaso, wala kaming pambahay. Cesarean pa ang misis ko kaya tumaas ang bill namin. Ayun, wala kaming nagawa at binawian na lang din ng buhay pagkapanganak pa lang." Nalungkot siya para rito. Mukhang mabait pa naman ito at mapagmahal. "Hindi niyo na ho naisipang gumawa ulit?" "Natatakot ako para sa misis ko. Maselan ang pagbubuntis niya. Binalaan na rin ako ng doktor na mahihirapan ito, kaya ako na ang umayaw. Kaya naman namin ng asawa ko kahit kami lang dalawa. Ayoko naman na pati misis ko mawal sa'kin," Malungkot niya itong tinignan. Damang dama niya ang pagmamahal sa asawa nito. Napaisip siya na, sana ganyan din ang mahanap niyang lalaki. "Ikaw ma'am?" "Ano po?" "Kelan kayo nagkakilala ni Sir? Ngayon lang kita nakita." Sumulyap ito sa kanya. Napatango tango siya at humarap sa bintana. "Nitong buwan lang kami nagkakilala, manong. Inalok niya ako bilang secretary niya." Iyon na lamang ang sinabi niya. Baka kung anong isipin nito pag nalamang sa bar sila nagkakilala at may nangyari na agad sakanila. Ngumuso siya at pinagmulahan ng mukha. "Mabuti na rin at pumayag ka. Alam ko, walang sekretarya yan si Sir. Naku, ayaw kumuha kaya subsob sa trabaho. May inaabangan daw ata siya at iyun ang kukunin na sekretarya niya," Nagbago bigla ang ekspresyon sa mukha niya. Sinulyapan niya ang natutulog na Xander bago nilapit ng bagya ang mukha at hininaan ang boses. "Inaabangan, manong? Sino raw ho?" Bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan. "Hindi ko alam, ma'am. Hindi ho mahilig magsabi si Sir, e." "Kelan...kelan niya ho sinabi 'yan?" Mas hininaan pa niya ang boses niya at tumingin na lang kay Xander. Baka bigla itong magising at marinig ang pinaguusapan nila. "Nitong nakaraang buwan lang." Natahimik siya buong byahe ng malaman iyon. Hindi siya matahimik at lalong dumami ang tanong niya patungkol kay Xander. Sino 'yung inaabangan niya? Bakit niya ako inalok na maging secretary niya kung may ibang tao naman siyang inaabangan? Ano ba ang gusto ni Xander sa'kin at bakit ayaw niya akong tigilan? - Few chapters more bago ko ibalik sa present time. (◍•ᴗ•◍)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD