CHAPTER SIX

1871 Words
Elizabeth still remembers clearly how Xander treat her at that time. Yes, he may not be the sweetest but she fell and never once catch...but that is fine with her. In the first place, she did not think that Xander will feel the same way. Xander is not the type of man that is serious about relationships or commitments. Hindi mo talaga matutukoy ang tao kung seryoso ba o nakikipagbiruan lang sa'yo. Xander did really change compare to now. Hindi niya alam kung bakit pero isang araw, bigla na lang itong hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya. "Eliza," napakurap kurap siya at deretsyo ulit itong tinignan sa mata. Nakatayo na mula sa kinauupuan at paakyat na kung nasa'n siya. "Xander, asan ako? What happen last night?" tanong niya ng makalapit ito. He simply massages his nostrils and looks at her. "You're in my resthouse. I brought you here after collapsing near your workplace. I also check you by my personal doctor and see that nothing is wrong with you." "Are we still in Manila?" masyadong malaki ang lupa na nakikita niya sa labas ng mga bintana at hindi niya matukoy kung saang lugar siya. Napabuntong hininga ito. Parang naiirita na sa kakatanong niya. "No. Nasa Rizal tayo. I cannot leave you behind from what happen kaya byinahe na kita pasama sa'kin. I also have a business to attend so," "'Yung trabaho ko!" naibulas niya. "Seriously?—" napakunot-noo ito at sumandal sa railing ng hagdan—"I can offer you a new job than that club. Better and higher salary." "I'm fine with my job. A job na binubuhay ako at ang pamilya ko. Mas pipiliin ko pa silang makasama kesa sa'yo." Straight forward niyang sabi pero mukhang hindi nito ininda iyon at nagkibit-balikat lamang at tinalikuran siya. "If you say so." sagot nito habang bumababa sa gitna ng grand staircase. Wala na itong ibang sinabi sa kanya. Mukhang hindi rin pinansin ang pangiinssulto niya rito na ikinairita niya. "Uuwi ako!" sigaw niya mula sa itaas. Paubo na ulit ito sa harap ng laptop niya. Hindi na nagabalang tignan siya. "Sige!" sagot nito. Iniripan niya ito bago mabigat na naglakad pabalik sa kwarto. Maligaw ligaw pa siya kung saan 'yon pero nakita niya rin nang makita ang pamilyar na double door. Inis niyang binalibag ang pinto at masamang tinignan ang bintana na parang may ginawa itong kasalanan sa kanya. Pumasok sa isip ang mukha ng ama at posibleng gawin pag nalaman na nasa bahay siya ng lalaki. "ibabalik kita sa sinapupunan ng nanay mo, Elizabeth pag nalaman kong may kasama kang lalaki sa iisang bubong!" Napapikit at bahagyang natawa sa paniguradong namumula na nitong mukha na makikita agad dahil sa kutis amerikano nitong balat kahit laking probinsya. "Sorry, pa. inuwi ako, e. inuwi agad 'tay, e." Kinaumagahan. Nando'on pa rin siya sa rest house ni Xander at hindi nakauwi dahil walang pamasahe. She have no choice to wait for Zander to came back from his work para makaalis na. Ngayon, naiwan siyang kasama ang bodyguard nito, isang kasambahay at kusinero. Wala siyang ginawa kung hindi ang tumunganga sa kwarto. Kung hindi pa siya tawagin ni Susan, ang kasambahay, ay hindi pa siya lalabas. "Miss Elizabeth, nagdala ako ng makakakain. Baka kasi gutumin ka dahil kanina ka pa hindi lumalabas." May hawak itong isang basket na puro chips, and juice na may kasama pang rosas sa gilid na mukhang bagong pitas dahil may tinik-tinik pa ang tangkay at sariwa pa. "Susan, balak mo pa yata akong sugatan sa rosas na dala mo." "Huh?" nagtataka nitong tinignan ang rosas. Natawa ng maunawaan ang sinabi. "Pasensya na po hehe. Hindi kasi talaga ako maalam sa halaman, dzai." Tinananggap pa rin ito at nagpasalamat. "Ay, Miss Beth!"—habol nito bago maisara ang pinto—"baka lang po na gusto niyo magikot ikot dito sa resthouse ni Sir Xander habang nandito pa kayo. Paniguradong hindi kayo mababagot hehe." Sinunod niya ang sinabi ni Susan nang mabagot na talaga sa kwarto kakanguya at kakahiga. Una niyang nilibot ang pangalawang palapag kung saan may nakita siyang display na Samurai sword, paintings and sculptures. She also find an open room with high-tech gadgets, machines and billiard table, na mukhang hindi alintana kung may mawala roon at talagang ready para pasukin ng magnanakaw. Parang sinabi na rin na, "Uy, may mahahalin dito, pasukin mo 'ko. Kuha ka lang, kaya ko naman bumili ng bago." Natawa na lang s'ya sa naiisip at umikot ulit. Karamihan sa nakita ay puro pang-entertainment. Talagang malalaman mo na resthouse ang lugar dahil sa mga ito. Walang gaanong appliances sa palapag na 'yon. Pwede kang tumakbo takbo sa buong second floor sa laki nito at paniguradong wala kang mababasag. Bumaba siya ng may makita ulit na hagdan. Iba ito grand staircase na nakita niya kanina. Gawa sa salamin ang isang ito at mas makipot na kakasya lamang ang dalawang tao. Pagbaba ay iba na naman ang nakita niya. Merong totoong puno katapat ng hagdan at pound na konektado sa labas ng garden. Sa YouTube lang siya nakakakita ng ganito. Mga house tour na talagang milyon milyon ang mahal, ngayon ay si Xander pala ang isa sa meron nito. "Hindi ko kinaya kayamanan nito. Baka pwedeng makahingi ako ng isang gold bar? Hindi naman s'ya siguro maghihirap nun." Dumeretsyo siya ng lakad at doon niya lang nakita ang main living room kung nasa'n si Xander kahapon. Nakita n'ya si Susan na may kasamang bodyguard, tinutulunga siyang tanggalin ang malaking kurtina. Mukhang nagkakaasaran pa ang dalawa bago siya dumating. "Miss Beth!" umalis na ito sa tabi ng bodyguard at patakbong pumunta sa kanya. "Nanggaling kayo sa garden?" "Hindi. Inikot ko lang 'yung itaas tapos galing ako sa likod-hagdan." "Ahh," tumango tango ito. Pasimpling tinignan ni Elizabeth ang bodyguard na kasama nito kanina, paalis na at mukhang babalik na sa mga kasamahan niya. Tumingin ulit siya kay Susan at nginitian. Mukhang may namumuong suyuan ang dalawa. "Anong gagawin mo sa kurtina?" "Gagawing kumot, Miss." Pilya nitong sabi. "Huh?" "Joke lang hehe. Lalabhan ko na, Miss Beth. Malinis pa kasi." "Sira." Natatawa itong lumigkis sa kanya at hinatak papalakad habang hawak ang basket na may kurtina sa isang kamay. "Maraming laruan si Sir sa itaas, Miss Beth. Pwede mong laruin 'yun kung mabagot ka ulit hehe. Pinapagamit talaga ni Sir 'yun pag may bisita s'ya." "Matagal ka na nagtra-trabaho kay Xander?" sinulyapan n'ya ito bago binalik ang tingin sa dinadaan nila. Tinulak ni Susan ang glass door para makalabas sa garahe ng resthouse. Mukhang doon s'ya naglalaba dahil sa sampayan na naroroon. "Hmm, nasa isang taon na rin. Hindi naman ako hirap magtrabaho rito, Miss Beth. Bibihira rin naman may tao dito. Pirme lang dapat malinis at maayos dahil parang kabuti 'yang si Sir Xander. Susulpot na lang bigla tapos gusto may pa redcarpet pa ang eksena, dzai." Natatawa na lang si Elizabeth sa kadaldalan nito at way ng pagsasalita. May facial reaction pangkasama at kalabit sa balikat n'ya. "Buti hindi ka pa nasisita Susan sa kadaldalana mo." Napatakip ito ng bibig na parang nahihiya pa pero pinalo s'ya nito na parang close sila. "Nasita na nga ako. Buti na lang talaga minsan napipigilan kong ichika 'yung mga hindi pwedeng sabihin. Kung hindi baka matagal na akong wala dito, dzai." Humarap ito sa malaking kahon na may mga sabon at kumura ng tatlong sachet at perfume soap habang tuloy pa rin ang salita nito. "Katulad ng ano?" bahagya siyang lumayo dahil sa sinag ng araw habang nakaharang ang braso sa mata para hindi masilaw. Humarap ito sa kanya at hinila para sumilong. "Naku, kung anu-ano. Hindi nga pwedeng sabihin, Miss. Hinuhuli mo naman ako dzai." Akala niya makakakuha s'ya ng maski kahit ilang impormasyon dito pero pati sila ay pinagbabawalang magsalita. Mukhang masyadong malaki ang imahe ni Xander Barcelon na kailangan pagtakpan at protektahan ng ibang taong malalapit dito. Pagkatapos ng usapan nila ni Susan ay bumalik na siya para matapos na nito ang iba pang gagawin. Nakaupo sa solo couch habang hawak ang cellphone. May dalawang missed call galing sa tatay nito ilang minute na ang nakakalipas. May text din ito at mukhang nagaalala na. To: Papa Okay lang ako, pa. Naiwan ko 'yung cellphone ko kaya hindi ako agad nakasagot...Kumusta na kayo diyan, pa? si Maria Elizabeth pa, maayos ba pag-aaral niya? Tatawag na lang po ako ulit pag tapos ng trabaho ko. Kinausap din niya ang ibang katrabaho na hindi siya makakabalalik agad dahil na sa ibang lugar siya. Tinanong ng mga ito kung na sa'n s'ya. Ang iba ay tinukso na tinanan na s'ya ng gwapong lalaki nakita raw nilang kasama nito no'ng gabi. Paniguradong si Xander ang tinutukoy nila. She turned off her phone to stop their nosy selves from questioning about what happened to her and to that man. They will not stop until hearing what they want. Elizabeth went down to get a glass of water. In the middle of the staircase, she noticed someone that Susan and the bodyguard were in. She did not recognize it first because of the distance. "Elizabeth," he called. "Adam!" she happily yelled and run straight to him. "I did not know you're here. What are you doin' here?" Bigla siyang nahiya ditto at hindi alam ang sasabihin. Mukhang nahalata nito ang reaksyon n'ya. He smiled and raise his hand holding sa suitcase. "I'm here for Xander. Business...Hindi ko akalaing magkakilala pala kayo." "Ohh, not really. We are not that close. Sinima n'ya lang din ako for business." Tanging naging dahilan n'ya para hindi na s'ya tanungin pa nito. Mukhang naniwala naman ito sa kanya. "I just need to..." He raises his other hand with a phone and excuses himself. "Sure!" lumayo ito sa kanya. Napatingin s'ya sa bodyguard na galing kusina na may dalang juice at pagkain. Ito 'yung bodyguard na kausap kanina ni Susan. Napatingin ito sa kanya kaya ngitian niya ito. Mukhang nagulat pa sa inakto niya nagawa na lang nitong yumuko sa kanya at nagmamadaling umalis. Bumalik na ulit sa harapan niya si Adam na hindi na maipinta ang mukha pagkatapos ng katawagan nito. "Juice?" "Ahh, yes, thank you." Kinuha nito ang baso mula sa kamay niya at inisang inum ito na parang uhaw na uhaw. "Got tired from work?" "Not really"—binaba nito ang hawak na baso at umupo sila pareho sa malaking sofa—"more like mentally drained than physical." Sumandal ito at sinarado ang mata. Mukhang pagod na pagod ito at kulang sa tulog mula sa huli nilang kita. Kahit gan'on ay hindi pa rin nawawala ang gandang lalaki nito. Na gugustuhin mong makita at alagan sa oras na meron ka. "You're rich, Adam. So bakit ka pa magpapakapagod ng sobra sobra. Mukhang hindi naman mauubos ang pera mo kung hindi ka magtra-trabaho ng ilang buwan, hindi ba?" "Hmm," he hammed and look at her. Still leaning on the couch. "I work to distract myself from falling for you." He teases, yet she blushed and look away. Natawa ito at pumikit muli. Pasimple niyang kinuha ang unan na katabi at ginamit 'yun pantakip sa namumula niyang mukha. "Oh please don't fall for me. I don't want to die a virgin." "We all know that's a lie, Morgan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD