Chapter- 4

1739 Words
Maaga siyang pumasok upang kausapin ang itinuturing niyang kaibigan na si Brian. Ngunit hindi niya mahanap marahil ay wala pa ito at hindi pa dumarating ng school. Kaya nagpasyang maupo na lamang sa bench upang hintayin ang pagdating nito at hindi nagtagal ay natanawan niyang naglalakad na ito palapit sa kinaroroonan niya. "Pare, may mahalaga akong kailangan at alam kong matutulungan mo ako. I need four people dahil alam kung marami kang kaibigan dito sa loob ng campus." "Para saan? I mean dito lang ba at hindi pwede ang outsider? "Yeah, kung pwede ay taga iba't-ibang department at ‘yong maaasahan, kayang mag protect at handa akong magbayad kahit magkano.” "Ano ba ang plano mo dude, bakit kailangan mo sila?" "Later, sasabihin ko sa’yo, paano mauna na muna ako dahil mukhang late na.” at tumakbo na siyang palayo. Habang naglalakad si Brian ay naguguluhan siya kay Niko, bakit kailangan ng mga tao eh kayang kaya naman nitong lumaban? Samantala sa classroom ni Niko, kakaupo pa lamang ay may tumawag agad sa kaniya. "Mr. Montemayor, you can go to the guidance office," narinig niyang tinawag siya ng may edad na lalaki na nakatayo sa may pintuan nang kanilang class room. Marahil ay narinig ng mga estudyante kaya tumutok ang mga mata sa kaniya ng lahat pati ang kanilang professor. Kaya naman walang imik na tumayo siya, missed na naman niya ang isang subject at siguradong matatagalan siya sa loob ng guidance office. Hindi naman iyon kalayuan kaya mabilis lang niyang narating ang lugar. Naabutan niya sa loob ang mga magulang ng kalalakihang nakalaban niya last Saturday. At sa kabilang side ay nakaupo si Brian pati na si Aaliyah. "Dude, may problema," bulong nito sa kaniya ngunit napabaling ang kaniyang tingin nang magsalita ang isang officer. "Call your parents," utos ng guidance officer sa kanilang tatlo. Lahat ng mata nang mga magulang na naroon ay nakatutok ang tingin sa kaniya. Kaya tumayo siya at nag-excuse para tawagan ang ina, gano’n din si Brian at Aaliyah ay sumunod ang mga ito palabas ng classroom. At matapos makausap ang ang kaniyang Mommy ay hinarap ang dalawa para sabihing parating na ang parents niya. "Dude, mga anak pala ng congressman at senador ang tatlo sa kanila." Imporma ni Brian sa kaniya. "Who cares and don't worry sila ang may kasalanan, may mga CCTV naman na maka pagpapatunay na sila ang nagsimula ng gulo." Samantala, si Aaliyah ay tahimik na umiiyak habang hindi alam ang gagawin at hindi iyon lingid sa kaniya. Kaya nilapitan niya ito at kinausap dahil nagkakaramdam siya ng pag-alaala dito. "Babe…. I mean Ms. Aaliyah, you can tell them the truth." "Pero baka hindi nila ako paniwalaan, isa pa wala akong parents na maaaring makapunta dito." Nakita niya ang mabilis na ginawang pag yuko nito upang itago ang sunod sunod na patak ng luha. Ngunit hindi iyon nakaligtas sa kaniyang paningin kaya naman mas lalo pang nadagdagan ang alalahanin niya para sa dalaga. "What do you mean?” Worried na tanong niya sa nakayukong babae. S-sa bahay ampunan ako lumaki at paaral lang ako ng mga madre kaya hindi ko sila maaaring tawagan upang papuntahin dito sa eskwelahan." Kitang kita niya ang kawalang pag-asa nito at sa hindi malamang dahilan ay umangat ang kaniyang palad upang pahiran ng luha ang pisngi nito. Hindi niya kayang makita na umiiyak o nasasaktan ito at ang tangi niyang nagawa ay yakapin na lamang upang bigyan ng moral support. "Shhh… enough, huwag ka nang umiyak and i will help you at pangako hindi kita pababayaan." Si Brian ay may kaya lang ang pamilya at hindi sila maituturing na mayaman. Wala nga siyang kotse at kaya nakapasok siya sa school na ‘yon ay dahil sa taglay na katalinuhan. “Dude, sorry pero gano’n din ako walang pupunta na parents upang ayusin ang problema ko.” “Stop worrying, naririto ako upang tulungan kayong dalawa.” Hindi nagtagal ay dumating ang mommy at daddy ni Niko, hindi na rin kailangan na ipakilala pa ang dalawa sa mga magulang dahil kilala na naman ang mga ito. At nang pumasok na sila sa loob ng guidance office ay tahimik na naupo ang mga magulang ni Niko. Gano’n din silang tatlo, agad na sumunod sa mga ito. "How about you, Mr. dela Cruz and Ms. de Lion, where are your parents?" Hindi makasagot ang dalawa at nagtungo na lang nang ulo ang mga ito, agad namang ginagap ni Niko ang palad ng dalaga. "We are here para sa kanilang tatlo, upang tumayong guardian nila," narinig kong pahayag ni Daddy. “Few minutes later… Lahat nang binitiwang salita ng mga magulang ng kanilang kalaban ay puro mabigat na akusasyon laban sa kanilang tatlo. At ang paliwanag ni Aaliyah ay nabalewala, obvious na ginamit ang koneksyon pati ang kapangyarihan ng mga kalaban upang sila ang lumabas na may kasalanan. "Kailangan kong makita ang kopya ng CCTV, para mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng totoo," matigas ang boses na pahayag nang ama ni Niko. "For what? Obviously na kasalanan ng anak mo at nang dalawang ‘yan ang mga nangyari!" "I'm not talking to you Mister!" Kuyom ang kamao na pagayag pang muli ni Daddy. "Baka hindi mo ako kilala! Kayang kaya kitang ipatapon pati na ang anak mo at dalawa pang ‘yan, I'm a congressman!” pagpapakilala pa ng isang may edad na lalaki? "Who cares! And don't you threaten me, Mr. Congressman! I'm warning you! Don't you dare touch them! Hindi ako natatakot sayo! Bahala na ang lawyer ko dito! Let's go!" Makalipas ang ilang oras ay nag ring ang phone ni Niko, "yes Kuya Lath?" Habang nakikinig siya sa sinasabi ng pinsang si Lath ay nakamasid siya sa dalaga. "Copy, Kuya, we are still in the university." Matapos magpasalamat ay ini-end call na niya at bumaling sa ama. "Dad, Kuya Lath said “it's done." "Good!” Seryosong sagot ng ama sa kaniya. May pagtataka siyang nakatingin lang sa kaniyang daddy, gustuhin mang magtanong ay mas pinili na lamang ang manahimik. “Sir Lander and Ma’am Nicole, maraming salamat po.” Wika ng nahihiyang kaibigan niya. “Walang anuman hijo, paano maiwan ko na kayo Niko.” “Sige po, salamat dad.” Ngunit lumapit ang kaniyang-ina kay Aaliyah at may sinabi ito sa dalaga, hindi niya alam kung ano iyon ngunit kapansin pansin ang pamumula ng mukha nito. At matapos ay kumaway na silang tatlo sa papalayong mga magulang. “Ihahatid na kita sa classroom mo.” Akmang hahawakan niya ang dalaga nang bahagya itong umiwas at nagmadali nang umalis. “Halika na dude at baka ma-late na tayo sa huling subject natin.” tawag sa kaniya ng kaibigan na si Brian. “Okay,” alanganin niyang sagot kay Brian, habang nakatanaw pa rin sa likuran ni Aaliyah. Pagdating nila sa kanilang susunod na subject ay halos wala siya sa sarili dahil ang laman ng kaniyang isipan ay ang dalaga, sobra ang pag alaala niya para dito. Sa buong klase ay wala siyang naunawaan hanggang natapos at nag alisan na ang mga kaklase ay nananatili siya sa pagkaka-upo. Kundi pa siya tinawag ng kanilang professor ay nananatili siyang nakatitig sa kawalan. Saka pa lamang siya tumayo at kinapa ang kaniyang cellphone upang tawagan si Brian. "Pare, anong balita? Magkita tayo sa likod ng campus mamaya, three in the afternoon." "Sige, dude." Sinilip ang orasang pambisig at may ilang minuto pa siya kaya habang naghihintay ng oras ay na-upo muna siya sa ilalim ng isang puno, naglagay ng headset sa taenga at nakinig ng music. Subalit hindi rin nagtagal ay umalis at nagtungo sa likurang bahagi ng campus. Nagpasyang doon na siya maghintay habang nakasandal doon at hindi naman nagtagal ay dumating ang kaibigan na may mga kasama. "Dude, sila ang kailangan mo,” matapos magpakilala ay ipinaliwanag niya ang magiging responsibilidad ng mga ito at si Brian ay halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. “Dude, sigurado ka ba diyan sa plano mo?" "Yeah, I will protect her no matter what!" "Baka naman matakot sa gagawin mo si Aaliyah? Diba dapat ipaalam muna natin sa kaniya?" "No! Pare, hindi niya dapat malaman ang tungkol dito mahalaga lang ay masiguro ko na ligtas siya." "Are you in love with her? Or are you guys in a relationship?" natigilan siya sa tanong ng kaibigan kaya minabuting manahimik at nag-iisip kung dapat niyang sabihin sa kaibigan ang kaniyang totoong nararamdaman kay Aaliyah. Ngunit sa bandang huli ay nag desisyon siyang sabihin ang nilalaman ng isipan. "No! Wala kaming relasyon ni Aaliyah, pero she is mine! Pare, walang sino man ang pwedeng makalapit o manakit sa kaniya!" Samantala ay muntik nang mapa halakhak si Brian, kundi napigilan, masyadong seryoso si Niko sa mga sinasabi nito at pinaplano kahit alam niyang hindi ito nag bibiro. Lumipas ang mga araw at every Sunday ay nasa private gym sila para turuan ni Niko ng martial arts kasama ang mga estudyante na kailangan nito at mahigpit ang rules na ibinigay nang kaibigan sa kanilang lahat. “Kasama ba ako sa rules na ‘yon dude?” “Yes, pare upang masiguro kong walang ibang makakalapit sa kaniya.” Kaya si Brian ay kasali din sa martial arts at kahit hindi ito isa sa mga protektor ni Aaliyah, ngunit may ibang plano siya para sa kaibigan. Rules: 1- Hindi maaaring hawakan at kausapin nila ang dalaga. 2- Hindi dapat malaman ng dalaga na may protector ito. 3- Hindi pwedeng lapitan ng 50-meters ang dalaga unless nasa panganib ito. 4- Walang betrayal sa grupo or else...? (Siya lang nakaka alam nang magiging parusa ng sino mang lalabag sa batas na ginawa niya.) 5- Bawal mag usap at magkita ng walang instruction mula sa pinuno. Matapos nilang mag sign ay ibinigay niya ang mga pa-unang bayad sa mga ito habang napapa-iling na lang si Brian sa lakas tamang kaibigan. Few days later… Kahit nagtataka si Aaliyah ay hindi naman niya magawang magtanong, everytime na nagkakasabay silang kumain sa school canteen ay halos hindi siya kinakausap ni Brian. Bihira na din siyang kausapin ni Niko, kaya hanggang ngitian na lang sila. Hindi din alam ng dalaga kung coincidence lang ang pagkikita nila sa canteen. Naninibago rin siya sa tuwina ay naglalakad dahil pakiramdam niya’y may mga matang sumusunod sa kaniya. At magmula din ng mangyari ang pangbabastos sa kaniya ng grupong ‘yon ay hindi na naulit pa kaya naman nag concentrate na siya sa pag-aaral..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD