Chapter- 3

2260 Words
Halos manlaki ang mga mata ni Brian at ni Aaliyah, nang pumasok sila sa malaking gate na napapalibutan ng mga gwardya. "Dude, dito ka ba talaga nakatira?" "Yeah," tipid na sagot niya sa itinuturing na niyang kaibigan. Nang marating ang harapan ng mansion ay bumaba sila at iniabot agad ni Brian, ang car key kay Niko. Agad namang ibinato nito iyon sa isang may edad na lalaki. "Please manong ikaw na po ang bahala dyan," sabay ngiti sa nakangiti ring ginoo. Ilang house maid ang sumalubong sa kanila. "Young master, what happen to you?" boses ng may edad na babae. Agad namang yumakap si Niko dito, "Yaya I'm fine mild lang po ito." malambing niyang sagot sa napakabait na yaya. “Ikaw talaga na bata ka." "Shhh," sabay bulong ni Niko, sa ginang na ikinatawa na lang nito at nagbaling sa dalawa niyang kasama. “Doon na kayo tumuloy sa kitchen at naka-ready na ang lunch, tamang tama ang dating ninyo.” "Si Mommy ko po?" "Nasa kwarto niya medyo masama yata ang pakiramdam." "Po?” agad na nag-alala siya sa narinig. "Pare, feel at home pupuntahan ko lang si Mommy ko." "Sige dude, take your time." “Halina kayong dalawa." "Brian po manang," paglalahad ng palad ng binata sa ginang at gano’n din ang dalaga. "Alliyah po," nahihiyang pahayag niya sa nakangiting babae. "Nice name iha," iginiya na sila nito sa malawak na dining room. Habang hinihintay si Niko, ay pasimple na nagmamasid ang dalawa sa kabuuan ng lugar. Sa fairytale lang nakikita ni Aaliyah, ang ganito kaganda na bahay. "Hello," boses ni Nicole, na agad nakapag patayo sa dalawa ni Brian at Alliyah. “Mommy ko this is my friend Brian and she is.." "Alliyah po Ma'am," nahihiyang sagot ng dalaga. Habang si Niko, ay titig na titig sa dalaga, talagang napaka ganda nito at bagay na bagay ang pangalan sa mala-dyosa nitong mukha. "You're so beautiful iha," nakangiting papuri ng ina ni Niko, na ikinapula ng mukha ng dalaga. After few minutes.... Matapos kumain ay dinala ni Niko, ang dalawa sa malawak na sala. "A-alliyah do you want to rest? I mean gusto mo bang mag linis ng katawan?" "Ah, eh h-hindi na," mabilis na sagot niya kay Niko. "Go ahead Ms. Aaliyah, upang kahit paano ay ma-relax ka.” segunda naman ni Brian. "Come honey," nakangiting panghihikayat ng ina ni Niko. "S-sige po, salamat." At sumama na siya sa mabait na senyora paakyat nang mataas na hagdan. "Dito na lang ako, dude." "Okay pare, saglit lang ako," at iniwan na si Brian, sa sala saka nagmamadaling sumunod sa dalawang babae. "Son bring her to the guest room, then puntahan mo ako sa room ko." "Yes, Mommy ko." "Dito tayo sa kabilang side, Ms. Aaliyah." "Sige, salamat." Nang makapasok sila sa loob ng guest room ay itinuro niya dito ang banyo. "Miss. Aaliyah, feel free para ma-relax ka," pupunta lang ako kay Mommy ko.” "T-thanks," tumalikod na si Niko, at nasundan na lang ni Alliyah, nang tingin ito. Ngayon lang siya nakapasok sa bahay ng lalaki. I mean sa ganitong lugar na pagmamay-ari ni Nikolai, at bagong kakilala pa lang na lalaki. Napakaganda ng kwarto para siyang isang prinsesa kaya naingganyong pumasok ng banyo. Halos mapanganga siya sa sobrang laki ng loob. Lalo na ang napaka-elegant na jacuzzi. At kahit saan pa siya lumingon ay puro karangyaan ang nakikita niya. Wala sa sariling hinubad lahat ng kasuotan at lumusong sa loob ng jacuzzi. Para siyang nakalutang sa ibang dimension at isinadal ang ulo pagkatapos ay pumikit. Samantala pagkatapos ibigay ng ina ang damit sa kaniya ay bumalik siya sa guest room nagpalingalinga sa loob ng silid pero hindi niya makita ang dalaga. Kaya inilatag niya sa malapad na kama ang bagong kasuotan na ibinigay ng kaniyang-ina. Para raw iyon sa dalaga pati na ang mga toiletries na gagamiting nito. Napatuon ang pansin niya sa nakaawang na pinto ng bathroom kaya agad na nagtungo siya doon. At napatakbo sa nadatnan, kitang kita niya ang katawang dalaga sa napakalinaw na tubig habang nakapikit ito at nakalubog sa kailaliman. "Aaliyah!" malakas ang boses na napasigaw si Niko, pagkatapos ay nagmamadaling lumusong sa loob ng jacuzzi at walang alinlangan binuhat ang katawan nito. Dinala sa ibabaw ng malaking kama at mabilis na binalot ang katawan nito ng comforter saka tinapik tapik ang pisngi ng dalaga. "Aaliyah! Aaliyah!” Ngunit hindi ito dumidilat kaya't nakaramdam na siya ng takot. "Babe! Sh*t! Open your eyes!" panay pa rin ang tapik niya sa mukha nito ngunit talagang hindi ito magising. Samantala ay naririnig ni Aaliyah, ang boses na tumatawag sa pangalan niya. Pero hindi niya magawang gumalaw o dumilat man lang. Kahit ang ginagawa ng kung sino sa kaniyang katawan ay gusto niyang tutulan dahil sa paglapat ng mga palad nito sa hubad niyang dibdib. Pero bakit hindi siya makapagsalita at ano bang nangyari sa kaniya? "Babe open your eyes please." Ilang beses na sinubokan I-revive ni Niko, si Aaliyah. Naka ilang beses din na ginamitan ng mouth to mouth ang dalaga pero walang nangyari. Kaya tumawag na siya ng ambulance at habang naghihintay ay binihisan na rin niya ng underwear ang dalaga saka isang pulang bathrobe ang cover ng katawan nito. Saktong bumukas ang pinto humahangos si Brian, at ang Mommy niya. Walang oras si Nikolai, para magpaliwanag kaya agad na binuhat ang dalaga. At itininakbo sa baba kung saan naghihintay ang ambulance. Sumunod naman agad si Brian, kay Niko, at sumakay din ng ambulance. "Dude what happened to her?" "I-don't know dude basta napasukan ko siyang nakalubog sa loob ng jacuzzi." Mangiyak ngiyak si Niko, habang hawak ang palad ng dalaga. Si Brian, ay nagtataka at palipat lipat ang tingin sa dalaga pati na kay Niko. Ayaw niyang mag isip ng hindi maganda sa bagong kaibigan. Pero ang nangyari kay Aaliyah ay nagbibigay ng kakaibang hinala para dito. Isang exclusive hospital ang pinag dalhan sa dalaga at ayon sa mga nababasa ni Brian sa paligid ay para lang sa mga mayayaman ang hospital na 'yon. Ganito ba talaga kakayaman ang kaibigan niya? Isang nurse ang lumapit kay Niko. "Young master doon na lang po kayo maghintay sa presidential suite room. At kagaya ng instruction niyo ay ready na ang room. "Salamat nurse, let's go pare." Malinaw na nabasa ni Brian, sa pintuan " Montemayor Presidential suite room. Agad na dinukot ni Brian, ang mobile phone niya at nag search dahil parang narinig na niya ang Family name Montemayor, sa pangmayamang magazine. At halos malula siya sa laki ng Montemayor asset ng mga, sobrang yaman pala talaga ng kaibigan niya. Nakita rin niya ang mga magulang ni Niko, ang Daddy nito na twins, nang biglang bumukas ang pinto. Ipinasok ang walang malay na dalaga at may nakakabit na oxygen at dextrose. Tatayo na sana si Brian, para lapitan ang dalaga ng matigilan sa nakita. Si Niko, tumutulo ang luha habang hawak ang palad ni Aaliyah at maya't maya rin ay hinahalikan iyon. "Thank God, you're okay now." Malinaw na narinig ni Brian, ang mahinang boses ng kaibigan si Niko. Puzzle siya kung anong relasyon ng dalawa bakit gano’n na lang ang reaksyon ni Niko. At ano ang totoong nangyari kay Aaliyah sa loob ng guestroom ng mga Montemayor? Hindi naman nagtagal ay dumating ang Mommy ni Niko. "Mommy ko," yakap ni Niko, sa ina at si Brian, ay tahimik na nakamasid lamang sa mga ito. Subrang attach ang kaibigan sa ina nito ayon sa kilos ng binata. Ngunit kakaiba ang pagka lambing ni Niko, hindi naman siya gano’n sa kaniyang ina ano bang meron kay Niko? "Son, don't be sad she's fine, ang sabi ng doctor wala namang gaanong pumasok na tubig sa katawan niya. Kaya okay lang si Aaliyah, at huwag kang masyadong nag-aalala." Bumukas ang pinto pumasok ang tatlong lalaki. "What happen, honey?" agad na niyakap ni Lander, ang asawang worried na worried. "Brother anong nangyari sa kaniya?" boses iyon ni JB. "H-hindi ko alam Kuya, dinala ko siya sa mansion guestroom. Pero nang balikan ko nakalubog na siya sa loob ng jacuzzi." "Who is she?" tanong ni Lander, ang ama ni Niko. "D-dad si Aaliyah po s-schoolmate ko saka si Brian po." Pagpapakilala ni Niko sa dalawa. Agad namang tumayo si Brian, at nagbigay galang sa ama ng kaibigan. Isa pang lalaki ang nakipag kamay kay Brian. "Hi, I'm Colt Nicholas, the youngest," nakangiti nitong pagpapakilala at pagkatapos ay bumaling kay Niko, "Kuya Nicolai, now i know kung bakit balisa ka nitong mga ilang araw. At tama nga si Kuya JB, she's so beautiful." "Stop bullying me huh!" reklamo ni Niko, sa kapatid na ikinatawa lang nito. Hindi naman nagtagal ay nagising na ang dalaga inilang hakbang lang ni Niko ito saka mahigpit na niyakap. "Thank God you're awake now," muling anas ni Nico, at malinaw na narinig iyon ng dalaga. Nagtataka din si Aaliyah, kung bakit siya nasa loob ng hospital. "W-what h-happened to me?" nalilitong tanong niya sa mga taong nasa paligid lalo na kay Niko. Ngunit ang nakangiting-ina ni Niko, ang sumagot, "Honey, your fine now iha, salamat sa Diyos.” Palipat lipat lang ang mata ni Aaliyah, sa mga tao sa loob. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na ito ang pamilya ni Niko. Ang ama nito na napaka gwapo kahit na may edad na ito. At ang dalawa pang lalaki na hindi niya kilala pero ayon sa aura ng mga ito ay mga kapatid ito ni Niko. Agad na ipinakilala ni Niko, ang dalaga sa mga ito. Isang kindat ni Nicholas, ang nagpa-pula ng mukha ni Aaliyah. "Don't do that again!" angil at seryosong boses ni Niko, sa ginawang iyon ni Nicholas. "Jealous brother, hindi ko siya aagawin sayo." saka malakas na tumawa pa sa kapatid. Naiwan sa hospital si Niko at Brian, para may makasama si Aaliyah. "Pare, if you want to go home, you can go at ako na ang bahala sa kaniya." "S-sigurado ka ba dude?" "Yeah, see you on Monday, pare." “Miss. Alliyah, pagaling ka kaagad okay?” ngiti nito sa dalaga at magalang na nagpaalam. Malalim na nag-iisip ang dalaga, ang huling natandaan niya ay nahalina siyang pumasok sa loob ng banyo. At para siyang nakalutang kung saan nang kasalukuyang nasa loob na siya. "O-okay ka lang ba?" napa dilat siya nang marinig ang boses ni Niko. "Yeah, and please tell me kung anong nangyari? "Ang sabi ng doctor wala naman daw gaanong tubig na nakapasok sa katawan mo. Ngunit bakit hindi ka magising kahit paulit ulit kong sinusubukan na I-revive ka?" "I don't know," saka ikinuwento ng dalaga kay Niko, ang lahat at kahit ang binata ay hindi makapaniwala. Napabangon si Alliyah, ng ma-realize na tanging underwear lang ang suot niya. "Ang mga damit ko s-sinong nagbihis sa akin at sino ang kumuha sa akin sa loob ng banyo?" sunod sunod na tanong niya habang malakas ang kaba sa kaniyang dibdib. "Babe, relax ang importante okay ka na ngayon. A-ako ang naka kita sayo kung yon ang gusto mong malaman.” Sobrang kahihiyan ang naramdaman ng dalaga sa kaalamang nakita ng binata ang kahubaran niya. Lumaki siya sa bahay ampunan at doon nagdadalaga. At lumabas lang siya doon ng mag college na. Kaya sa kaalamang may lalaking nakakita na sa kabuuan niya ay parang hindi niya kayang humarap sa binata. "P-pwede na ba akong umuwi baka nag aalala na sa akin ang Auntie ko." pagsisinungaling niya. "Hindi!" Nabigla na sagot ni Niko. Samantala ay nakitaan ng takot si Aaliyah, at agad naman na napansin iyon ng binata. "Oh, sorry babe, I mean hindi pa pwede ngayon pero bukas ay ihahatid kita sa inyo kaya kailangan mo munang magpahinga." May awtoridad na pahayag ng binata. Kaya pinili na lang ni Aaliyah, ang pumikit dahil ayaw muna niyang makipag usap pa kay Niko. Natatakot siya sa klase ng pananalita nito saka bakit gano’n ang tawag sa kaniya nito. At kahit malakas ang kaba ay pinilit na lang matulog kahit ang isipan ay gising na gising. Sino ang lalaking ito ano ang pagkatao ng binata. Hindi man niya pa na research ang totoong status nito. Pero sa klase ng kapaligiran ni Niko ay hindi ito basta mayaman lang hanggang nakatulugan niya ang gano'ng pag iisip. Nagising si Alliyah sa banayad na haplos sa buhok niya. Muntik nang mapasigaw ng madilatan niyang katabi ang binata. At nakaunan siya sa dibdib nito habang hinahaplos siya sa ulo. Gusto niyang lumayo pero hindi niya magawa, parang na-freeze ang katawan niya. Ang kaba niya at takot ay unti unting napalitan ng kakaibang pakiramdam. "Babe, hinding hindi na kita pakakawalan, babantayan, aalagaan, mamahalin at iingatan kita at walang sino man ang pwedeng manakit sayo." Gustong mangilabot ni Aaliyah, sa mga naririnig sa bibig ni Niko. Ngunit sa halip na lumayo sa binata ay nanatili na lang siya sa ganoong posisyon nila. Nagkunwaring tulog pa rin habang nakikiramdam sa maaring gawin pa nito sa kaniya. Subalit wala namang ibang move maliban sa patuloy na haplos nito sa kaniya. At kahit nakakaramdam ng takot ay tiniis na lang muna, siguro naman ay walang ibang gagawin na masama ito ngayon. Isa pang pinag taka niya sa sarili ay bakit nangyari sa kaniya ang gano’n hanggang hindi namalayan ni Aaliyah, ay muli siyang kinain ng kamalayan at tuluyang nakatulog. Si Niko, ay nakontento na lang sa ganoong pwesto nila. Kung maari lamang sana ay hindi na niya bibitiwan pa ito. Kahit sa sandaling panahon na nakilala niya ang dalaga ay minahal na niya ito. At pangako niya sa sarili na hindi na niya ito hahayaang makawala pa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD