Once he's mad, he's trully mad "Once you didn't listen to me, you'll end up being me. In pain." Paulit ulit iyon sa utak ko. Hindi niya ako kinukulam pero anong tawag dito sa ginagawa niya sa akin? Ba't kaya naging desperada siyang makipagdeal sa akin? Ba't parang gusto niya nang angkinin ko si Sylver nang buo eh nung nakaraang araw lang ay gusto niyang layuan ko ang kababata niya? Nang araw na 'yon ay cold parin si Sylver sakin. Hindi na ako nakipagkita sa kanya pagkatapos ng klase. Nagpahatid na agad ako pauwi. Ang sinabi ko lang sa kanya ay pinauwi na ako ni Mommy. Ayokong makita niya na naman sa mga mata ko na umiyak ako. Ayokong gantihan niya na naman si Sky. Ngayon pa na naiintindihan ko na siya. Pero may iba paring parte sa sinabi niya ang hindi ko naiintindihan. Sa oras na hindi

