Without Sky Wala akong ganang pumasok pero napilitan rin ako. Hindi rin naman kasi umiikot ang mundo ko sa aming dalawa ni Sylver. May mga bagay na kailangan ko paring gawin kahit na alam kong wala siya doon. Late ako lalo na sa traffic at sa pagiging lamya ko. Nang makapasok ako sa loob ng classroom nagulat ako dahil kompleto na silang lahat. Mabilis na lumipad ang tingin ko kay Sylver at natagpuan ang mga mata niyang direkta na palang nakatingin sa akin. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya kaso masyado iyong obvious kaya kikimkimin ko nalang ang umaapaw kong emosyon ss oras na 'to. Nagsorry ako sa prof saka rin pumunta sa upuan ko. Pinagalitan ako pero hindi ko na iyon naiproseso sa utak ko dahil okyupado ako ng imahe niya. Ang sabi niya lang sa akin kanina pumasok na daw si Abbegail

