Sumobra Hindi ako nagpaapekto sa sinabi ni Scarlet Gail. Hindi ko kayang layuan si Sylver dahil lang sinabi niya. Ayaw niya sakin at wala na akong magagawa sa bagay na 'yon. Ayaw niya ako para sa kababata niya. Malinaw sakin ang bagay na 'yon. Araw araw ramdam ko ang pagsulyap ni Scarlet Gail sa akin sa tuwing katabi ko si Sylver. O kaya sa tuwing nag-uusap kaming dalawa. Hindi ko sinabi kay Sylver at Jiro ang tungkol sa sinabi niya. Ang sinabi ko lang kay Sylver ay nag-usap kami pero nagtanong lang ako sa magiging topic namin. Hindi ko alam kung pinapaniwalaan niya ba iyon lalo na't halatang hindi ko siya nakumbinsi tapos titig na titig pa siya sakin. Yung tipong kahit hindi ko sabihin sa kanya ang lahat ay nababasa niya iyon sa mga mata ko. Pero nawala narin ata iyon sa utak n

