Out Pasukan narin. Tumatalbog ang puso ko habang nandito na ako sa loob ng kotse katabi ang kapatid ko para ihatid kami sa school. Laman ng utak ko ang imahe niya. Makikita ko na naman siya. Kaso itong traffic na 'to nang-aasar rin. Nakakainip na tuloy. Nangibabaw ang kantang Disney Princess sa loob ng kotse kaya 'yon ang sinasabayan namin ng kanta ni Phoebe. Pampalipas oras sa traffic. Gusto ko tuloy lumabas ng kotse at takbuhin ang natitirang kalayuan ng school. I really want to see him right now. Pagdating sa school ay late ako. Nagsisimula na pala 'yong klase. Sanay na akong malate pero nakakailang parin 'yong matutuon sayo lahat ng atensyon nila. "Miss Alvarez, you're late." sabi sakin ng prof. "Pasensya na po prof, traffic kasi." Yumuko ako ng marahan.

