Give a damn Dumating ang pasko. Yung mga katulong yung sobrang busy sa bahay habang ang parents ko naman ay mamayang nochebuena pa uuwi. Sanay na kami ni Phoebe sa ganyan. Nagtipa ako ng mensahe kay Sylver. Nandoon silang lahat sa bahay nila. Doon ata balak ng magpipinsan na icelebrate ang pasko. Merry Christmas :) Napatingin ako sa kapatid ko na panay ang silip doon sa mga nakahelerang regalo sa tapat ng malaking Christmas Tree. Mamaya dadating rin sina lolo at lola eh. Marami kami dito. Wala akong mga pinsan dito. Nandoon sila sa States. Merry Christmas. Ako: Ano wish mo kay Santa? :) Sylver: Santa? Naniniwala ka sa huklubang matabang matanda na 'yon? Ako: Kunwari lang naman. Nakatira nga siya sa north pole. Sylver: Saan ka nakakita ng

