1

2421 Words
Offensive "Snow Alvarez!" Nawala ang antok sa kabuuan ng imahe ko nang marinig ko ang sigaw ng prof. Namulat ako sa katotohanang nasa paaralan ako. Ang talim nitong titig ang mas nagtulak sa mga mata kong manatiling gising. Napalunok ako ng laway nang wala sa oras lalo na't nakatingin na silang lahat sa akin. Nahihiya kong iniwas ang tingin ko at napayuko. Kinapa ko pa ang bibig ko baka tulo laway ako. Nakakahiya! Masanay kanang nag-aaral kana sa isang paaralan Snow at hindi na sa bahay niyo! "If you're just here to sleep then get out!" Itinuro niya yung pinto. Hindi nawawala ang galit sa kanyang mukha kaya mas lalo akong ginapangan ng kaba. Napapitlag ako sa kinauupuan ko at napatayo. Kinuha ko ang purse ko at nagmadaling lumabas lalo na't galit na galit na ang mukha nito. "I'm sorry." Yumuko ako ng marahan saka lumabas ng classroom. Napabuntong ako ng hininga. Ilang oras lang ba ang tulog ko? 8 hours akong nagtrabaho doon kagabi sa Restaurant at pumalpak pa ako. Paniguradong bawas sweldo 'yon. Hindi ko alam na marami palang tao doon kaya napakabusy. Pero sabi nung isa sa mga empleyado doon mas marami daw costumer tuwing hapon lalo na't nandoon daw ang magpipinsan. Hindi ko alam kung sino 'yong tinutukoy niya. Gumala nalang muna ako sa kabuuan ng eskwelahan para maghanap ng maiidlipan. 2 hours ata 'yong vacant ko. First day na first day of school ganito na. Snow Alvarez! Baka nakakalimutan mong scholar ka! Nakakainis. Dapat ata magkape na ako nitong tuwing umaga para labanan ang antok sa klase. Naglibot libot ako hanggang sa makarating ako sa isang lugar na walang tao. Naaninag ko ang fountain sa loob. May mga halaman rin. May garden pala dito? Mukhang nakahanap na ako ng maiidlipan ko. Pumasok ako sa loob nang mapansin ko ang isang lalakeng nakahiga sa isang malaking mesa. Kunot noo akong lumapit sa kanya hanggang maaninag ko ang kabuuan nitong hitsura. Napatitig ako sa maamo nitong mukha na natutulog. Ang pula ng labi niya, matangos ang ilong at napakaputi niya bilang isang lalake... T-Teka? Napakaputing lalake? Hindi kaya? Yung batang 'yon? Nagulat ako nang bigla niyang idinilat ang mga mata niya. Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakatitig sa mukha niya. "May balak ka bang halikan ako?" blangkong ekspresyon na sabi niya. Agad kong inilayo ang sarili ko sa kanya at nagmadaling umalis. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil narin sa sinabi niya. May naalala lang kasi ako kaya ko siya natitigan ng matagal. May isa pang lalakeng pumasok kaya hindi na ako nag-abala pang huminto. Nakakahiya! Ba't ko ba kasi tinitigan? Akala ko naman natutulog. Napaupo ako sa bench at napabuntong hininga ulit. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng eskwelahan. Noon sa mga movie ko lang napapanood ang ganito pero ngayon ay nakakapasok na ako at estudyante pa ako dito. Buong buhay ko ikinulong ako sa bahay na 'yon. Para akong isang preso na ngayon lang nakalaya at naninibago kung paano mumuhay mag-isa. Inubos ko nalang ang oras ko sa pag-upo. Ayoko nang maglakad lakad lalo na't nakakapagod. Hindi rin naman pwedeng sumuko nalang ako at umuwi. May isang taon ako para maging malaya. Kung pwede ko lang takasan ang kasunduan na iyon habang buhay ay gagawin ko. Nakuha ng bell ang atensyon ko hudyat na magsisimula na ang second subject. Nagtungo rin ako sa room ko kaso natagalan ako sa paghahanap. Hindi ko pa kabisado ang pasikot sikot dito. Mabuti nalang at first day kaya pinapalampas nila pag nalate ka. Pagdating ko doon ay tama nga ang hinala kong late ako. Humingi nalang ako ng tawad at naghanap ng bakante. Umupo ako doon sa tabi ng lalakeng nakaub-ob lang ang mukha sa desk niya. Tulog ata. Ba't ganon? Hindi man lang siya pinapagalitan ng prof. Matulog rin kaya ako? No Snow! You need to concentrate! Scholar ka pa naman. "Hey, Snow." Naibaling ko sa harap ang atensyon ko. Nakita ko ang mukha nung nagpapasok sakin sa Restaurant. Kung hindi ako nagkakamali Brancen ang pangalan niya. "H-Hey." Namumula ang pisngi kong ngumiti sa kanya ng konte. Dito pala siya nag-aaral? "Mukha ka namang hindi maingay kaya pwede kang umupo diyan. Gawin mo ang lahat maliban lang ang gisingin ang lalaking yan." Tiningnan niya yung lalaking nakaub-ob ang mukha kaya napatingin narin ako dito. "Bakit? Hindi ba siya mapapagalitan ng prof dahil sa ginagawa niya?" tanong ko. "Ang prof ang mapapagalitan niya pag ginising siya." Marahan siyang tumawa. Hindi ko na ibinuka ang bibig ko at pinagmasdan siyang tumatawa. Ang gwapo niya. 'Tsaka halatang napakamasiyahin. Buong klase ay nakaub-ob lang ang mukha nung katabi ko na kilala ata ni Brancen habang siya naman ay nakatuon ang pansin sa pagcecellphone. Hindi ko alam kung hindi ba iyon napapansin ng prof o wala talaga itong pakialam. Nagdiscuss lang yung prof para sa magiging topic niya sa buong sem. Natutukso narin ang iub-ob ang mukha ko sa desk at umidlip pero sinikap kong gisingin ang buo kong diwa. Hanggang 2pm lang naman ang klase ko kaya pwede akong matulog ng 3pm hanggang 7pm. Tapos 8hours akong magtatrabaho doon sa-- "Miss? May dalawang tenga ka naman. Ba't hindi mo ako naririnig?" Napakurap ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan dahan kong ibinaling ang tingin ko sa pinanggagalingan ng seryosong boses na iyon at nakita ang mukhang tinitigan ko kanina doon sa garden. Siya ang seatmate ko?! Gusto kong ibuka ang bibig ko para magsalita pero itinikom ko rin lalo na't wala akong mahagilap na salita. Ni hindi ko maialis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Ang gwapo ng kapatid ko diba?" Nakuha ng boses ni Brancen ang atensyon ko na sinundan rin ng isang halakhak. Napakurap ako at nag-iwas ng tingin. "Tumahimik ka ungas. Teka, ikaw yung pumasok kanina doon sa tambayan namin ah? Alam mo bang bawal ka doong pumasok? Hindi mo ba alam kung ano ang lugar na 'yon?" Seryoso ang kanyang mukha at mariing nakatingin sa akin. Kumpara kay Bracen walang kabuhay buhay ang ekspresyong ng mukha niya. Magkasalubong ang kilay at hindi ata marunong ngumiti. Ibig sabihin ay anak rin ito ng pinagtatrabahuan kong Restaurant? Hindi rin naman kasi nagkakalayo ang imahe ng dalawa. "S-Sorry. Hindi ko alam na bawal pala ang scholar doon. Wala kasing nakapaskil sa labas. Pasensya na." Marahan akong yumuko. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Si Brancen napangiti lang sa akin. Bago pa ito mas lalong magalit sa akin ay nagmadali na akong umalis. Ano ba yan Snow! First day na first day ang rami mo nang nagagawan ng atraso! Magtino ka nga! Apat na subject lang ang meron ako ngayong araw. Buti nalang sa dalawang subject ko ay hindi ko na naging kaklase yung supladong kapatid ni Brancen. Pamilyar talaga siya sa akin. Hindi ko alam kung siya ba ang bata na iyon. Nagmamadali akong pumunta sa panghuli kong subject na P.E. Halos tumakbo ako. Hindi ko kasi kabisado kaya natatagalan akong hanapin ang classroom ko. "Miss Alvarez, you're late." sabi ng prof sa akin. Napatingin silang lahat kaya nahihiya akong yumuko at humingi ng tawad. Iginala ko agad ang tingin ko. Nakita ko pa si Jame Brancen na kaklase ko rin sa subject na ito. Napahinto ang paggala ng mga mata ko sa bakanteng upuan. Nagulat ako nang makita doon yung maputing lalake. Iblinangko ko yung mukha ko at walang nagawa kundi doon umupo. Tahimik lang ako sa tabi niya. May napapatingin sakin kaya iniwas ko ang tingin ko. Nakayuko lang ako at walang sinasalubong na tingin sa kanila. Nang mapagod siya sa kakacellphone niya at nakaheadset pa ay natulog rin siya. Buong klase ay nakaub-ob lang yung mukha niya sa desk niya at hindi man lang siya sinita. Ang unfair talaga. Pagod akong umuwi sa inupahan kong apartment. Inupahan ko lang ito. 2000 a month. Ngayon ko lang napagtanto na napakahalaga ng pera. Hindi ko naranasang humawak ng pera lalo na't yung mga magulang ko naman ang nagwawaldas ng pera nila para bilihin ang mga luho ko. Buti nalang at may ipon ako nang umalis ako ng bahay kaya hindi ako gaanong nahihirapan. Maliit yung space pero mapagtitiisan ko naman. 'Tsaka mag-isa lang naman ako. Nagtatalo sa kaloob-looban ko ang pagod, pagkagutom at antok. Napahikab ako at wala sa sariling ibinagsak ang sarili ko sa maliit na kama pero kasya naman ako. Ilang sandali lang ay dinalaw rin ako ng antok. Nagising ako dahil sa alarm ko. Nakatulog pa pala ako nang nakauniporme. Kumain muna ako bago pumunta doon sa tinatrabahuan ko. Laman ng utak ko yung lalakeng napakaputi. Posible kayang siya 'yon? Nagbihis ako at pumunta rin doon sa Yoonmined. Binati ko ang ilang empleyado doon. Mababait sila kaya madali ko silang naging close. Hindi na ako gaanong nahihiya. Pag yumuyuko kasi ako kinakantyawan agad ako nung nasa 20's na na babae na tigilan ko daw ang kakayuko. Lalo na't naghahatid ako ng order. Kailangan daw masanay akong tumingin ng direkta hindi yung itinatago ko yung mukha ko. Kaya nga noong una ko ay palpak lahat ng trabaho ko. Hindi ko mapigilang yumuko. Naiilang ako. "Uy Snow, akala namin nagback-out kana." Humagikhik yung babae na sinabayan agad ng iba. "Hindi pwede. Kailangan ko ng pera." Sabi ko habang kinukuha na doon sa locker ko ang damit ko dito. Combination ito ng black and white. Para akong cosplayer dahil sa outfit nila. "Mukha ka namang mayaman ah. Yung kutis mo napakaporselana. Natural na mamula mula pa yang pisngi mo. Tapos halatang hindi ka sanay sa trabaho. Naglayas ka ba Snow?" Natuon ang atensyon nilang lahat sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Kung sasabihin kong oo magtatanong sila kung anong dahilan. Maiintindihan ba nila ako? "s**t nandito si Sir Sylver! Tama na yang daldal. Bilisan niyo ang mga kilos niyo. Snow, magbihis kana. Napakasuplado pa naman nun. Kabaliktaran iyon ni Brancen." sabi nung nasa 20's na yung edad na babae at natataranta na sa kilos niya. Halos silang lahat itong natataranta eh. "Himala. Napadpad siya dito. Lagot tayo niyan. Hala! Kilos ng mabilis!" sabi nung isa pa na hindi na magkandaugaga sa pagmamadali niya. Sylver? Teka... yang pangalang yan! "Kung si Sir Jame Brancen makalaglag panty, yang si Sir Sylver naman nakakaputol ng lace ng bra." Humagikhik itong kaedad ko. "Talaga? Patingin ng lace ng bra mo." Kapwa kaming natigilan nang marinig ang boses na 'yon sa likuran namin. Namutla ang mukha niya na parang mawawalan siya ng trabaho ano mang oras. "A-Ah. N-Nagbibiro lang po ako Sir. S-Sorry po." Napayuko siya at nagpaalam rin para pumwesto na sa lugar niya. Ako naman ay naiwan dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko na inabalang lumingon pa lalo na't alam ko namang babandera lang sa paningin ko ang suplado niyang mukha. Hahakbang na sana ako paalis nang bigla niyang hawakan ang braso ko kaya natigilan ako sa paghakbang. Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam pero sa isang iglap ay kinabahan ako bigla. Ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Iniharap niya ako sa kanya. Nakita ko rin ang kabuuan niyang ayaw kong lingunin kanina. Mariing nakatingin sakin ang mga mata niyang hindi ko lubos maaninag ang kislap. Ang isa niya namang kamay ay nakabulsa. Nakasuot lang siya ng puting tshirt at isang faded jeans. "S-Sir." Nauutal kong sabi. Siya si Sylver? Nagkataon lang bang pangalan niya 'yon at maputi siya? "Sir? Seriously? Magkaedad lang tayo." Hindi niya iniwas ang tingin niya sa akin. Ni hindi niya binibitiwan ang pagkakahawak sa braso ko. Ang higpit nun. Parang ayaw niya akong bitawan. "H-Hindi ko po alam." Napayuko ako. Nakakapanghina ang titig na 'yon. Para niyang kinakabisado ang buo kong hitsura. Hindi kaya parehas kami ng iniisip? Ayoko naman siyang pangunahan baka nagkakamali lang ako. Parati rin kasi akong late kaya hindi ko naaabutan pag nagtatawag ng attendance. Kung hindi pa nila binanggit na siya si Suga ay hindi madadagdagan ang hinala ko. "Sinungaling. Ang bata mo pa para maging ulyanin. Imposibleng hindi mo na ako natatandaan, Nyebe." Napasinghap ako dahil sa pagbanggit niya sa huling salita. Siya lang ang tumatawag sa akin nang ganoon! Hindi nga ako nagkakamali! Siya si puti! Yung batang lalaking nagbigay sakin ng cake noong bata pa ako! Ilang minuto ko iyong prinoseso sa utak ko. Gusto ko nalang siyang yakapin sa isang iglap. Siya lang itong naging kaibigan ko noong bata pa ako. Paano niya ako naalala? "Ano? Tititig ka lang? Hindi mo ako yayakapin?" Napanguso siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko at nakangiting niyakap siya. Nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko. Para akong nakahanap ng kakilala sa isang malaking isla. "Puti." Napakalapad ng ngiti ko habang niyayakap siya ng mahigpit. Eh halos hindi ko na siya gustong bitawan. "Aray Nyebe. Ang higpit. Papatayin mo ba ako?" Natatawa akong kumalas dahil sa daing niya. Hindi ko inaasahang makikita ko siya! "I really knew it! Ikaw nga 'yon. How can I forget your pale skin! Eh ikaw lang ang nagmamay-ari niyan!" Natatawa kong kinurot ang dalawa niyang pisngi kaso naiirita niya iyong hinawi. Kahit kailan hindi siya marunong ngumiti eh. "At ikaw napakamahiyain parin. Kung hindi binanggit ng kapatid ko ang pangalan mong Snow hindi ko pa malalaman. Kaya pala pamilyar." sabi niya. Blangko man lang ang ekspresyon. "Di talaga ako makapaniwala." Niyakap ko ulit siya. Naiiyak ako sa sobrang saya ko. Ilang sigundo ko rin iyong ginawa saka kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. "Sorry. Nadala lang sa emosyon ko." Nakangiti kong sabi. "Okay lang. Gusto ko rin naman. Ba't ka nagtatrabaho dito?" Naibulsa niya ang dalawa niyang kamay. Napasinghap naman ako nang mapagtanto kong lagpas 5minutes na ang late ko. Ano ba yan Snow! Sayang yung pera! Bawas sweldo yan panigurado. "Maya na lang Puti. I need to work." Nagmadali akong umalis sa harapan niya. Hindi ako makapaniwalang nandito siya. Ang lalaking kaunaunahan kong naging kaibigan ay makikita ko pala dito. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas rin ako. Nagtungo ako sa posisyon ko dito. Ako yung taga serve kaya sa counter ang lugar ko. Napatingin ako sa isang couch at nakita doon ang imahe ni Puti na nakahalukipkip at mariing nakatingin sa akin. Napangiti ako at kinawayan siya kaso inirapan ako. Suplado parin. Walang nagbago sa kanya. "Snow, table 3." Ibinigay sakin ang isang tray kaya inihatid ko rin ito doon. Pagbalik ko sa counter ay kumunot ang noo ko nang nandoon na si Puti. Nakabusangot ang mukha. "Take that off." salubong niya sakin nang tuluyan akong makalapit sa kanya. "H-Ha? Ang alin?" Tiningnan ko ang sarili ko pero ibinalik ko rin sa kanya lalo na't hindi ko makuha ang pinupunto niya. "Your outfit." Mariin niya akong pinasadahan ng tingin. "Ha? Bakit? Hindi pwede.--"Gusto mong masisante? Boss mo ako kaya sundin mo ako." putol niya sakin. Natikom ko ang bibig ko dahil sa seryoso niyang mukha. Hindi ko namalayang nakatingin narin pala ang ibang impleyado sa akin. Para nila akong kinukumbinsi sa mga titig nila. Bumuntong ako ng hininga. "Oo na. Ang ganda kaya ng outfit." Napanguso akong tiningnan ang suot ko. 'Tsaka kaonting balat lang naman ng legs ko ang nakikita lalo na't skirt ang ibaba nito. "It's offensive. Take that off. Hindi ko gusto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD