2

2611 Words
So bad Nagbihis nga ako katulad ng gusto ni Puti. Yan yung tawag ko sa kanya noon eh. Ang puti niya kasi tapos yung pangalan ko tinagalog niya naman. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon lalo na't nagkaroon ako ng kaibigan. Ang laking bagay nun para sakin. Isang slacks ang isinuot ko sa oras na 'to. Itong si Puti naman ay nanatili lang doon sa couch. Abala siya sa phone niya pero tinatapunan niya ako ng tingin minsan. Ngumingiti lang ako sa kanya pero yung ekspresyon ng mukha niya hindi naman nagbabago, seryso. Blangko. "Close pala kayo ni Sir Sylver, Snow? Swerte mo ah. Eh hindi yan mahilig kumausap ng iba. At ngayon nga lang yan napadpad dito sa ganitong oras. Gabi na kaya dapat nasa bahay na yan at natutulog." bulong sakin noong babaeng kaedad ko lang. Tiningnan ko ang name plate na nasa may dibdib niya. Stacy.  "Nakilala ko siya noong bata pa ako. Birthday yun eh." sabi ko. Tumango lang siya at itinikom rin ang bibig lalo na't naghatid narin siya ng order. Marami silang impleyado dito pero yung si Tracy lang ata itong kaedad ko. Yung iba nasa 20's na ata lalo't seryoso na sa mga trabaho nila. Palitan lang kami ng paghahatid ng order. Sinisigurado ko nang maingat ko na itong nagagawa hindi nung nagdaang araw na ang rami kong nahuhulog.  "Here's your order Sir. Enjoy your meal." Ngumiti ako ng matamis doon sa lalakeng costumer. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kanya lalo na't naiilang ako sa titig niya. Nang handa na akong tumalikod ay hindi ko inaasahang hahawakan niya ang kamay ko sanhi para mapahinto ako ulit sa harapan niya. "Sir? May kailangan pa po ba kayo?" Sinikap kong ngumiti kahit bumara na sa lalamuman ko ang laway na gusto ko sanang lunukin.  "Miss, ngayon lang ata kita napansin sa Restaurant na 'to. Hindi ko alam na may mas masarap pa pala sa dessert nila dito. Ano? Can I take you out." Kinindatan niya ako. Pasimple kong hinigit ang kamay ko sa kanya kaso mas humigpit ito. Nagsimula na akong kabahan. "S-Sir. Hindi po ako tinitake out. Waitress po ako." sagot ko. "Costumer is always right. Miss, costumer ako."  Biglang sumulpot ang imahe ni Sylver sa harapan namin at hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak nung lalake. Nakaigting ang panga niya at matalim na nakatingin doon sa lalakeng nabahiran na ng takot ang hitsura dahil sa titig ni Puti sa kanya. "May-ari ako. At hindi isang Bar ang pinasukan mo para maglabas ng babaeng maiuuwi mo. Wag mong hintayin na kaladkarin kita at sipain palabas. Isa..." Natataranta itong tumayo at mabilis na naglakad palabas. Maraming napatinging costumer doon pero ibinalik rin nila sa pagkain nila. Ako naman ay hindi maproseso sa utak ang ginawa niya. Doon lang ako nakabalik sa sarili ko nang hinila niya na ako at ipinasok doon sa liblib ng Restaurant nila. Ito yung kitchen.  "Sylver ano ba..." Hindi ko na naiwasang tawagin siya sa pangalan niya. Napasimangot akong tinatanggal ang kamay niyang nasa pulso parin ng kamay ko. "Ba't ka ba kasi nagtatrabaho dito?" Naiirita niyang sabi sa akin. "Kailangan kong tustusan ang sarili ko." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya lalo na't nagtatanong ang tingin na iyon at gusto akong basahin. "What? Naglayas ka ba? Halika na, iuuwi na kita." Kinaladkad niya na ako palabas kaya nagbabigat ako. Kaso hindi ko siya natinag. Binuksan niya yung pinto dito sa kitchen na palabas na ata.  "Teka, hindi mo naiintindihan... Please, a-ayaw kong umuwi." Napasinghot ako na kumuha ng atensyon niya. Natigilan siya at hinarap ako ng buo. "Why are you crying?" Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Halatang hindi ka sanay sa trabaho at nababastos ka rito Snow. Umuwi kana. Kung ano man ang napag-awayan mo ng magulang mo humingi ka ng tawad. Hindi yung ganito na maglalayas ka at magdedesisyon para sa sarili mo."  Nangilid sa mga mata ko ang luha lalo na't naalala ko naman ang rason kung ba't ako nahantong sa ganito. Buong buhay ko naging mabait akong anak. Hindi lubos maproseso ng utak ko kung ba't kailangang humantong sila sa ganitong desisyon.  "Snow." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nabahiran ng gulat ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang mga mata kong may ikinukubling luha.  "I-I can't. I'm engaged. Ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko kilala. Buong buhay ko itinago nila ako sa mundo Sylver. Naging mailap ako sa mga tao... naiintindihan ko kung ba't hindi nila ako pinapalabas at pinagho-homeschool lang p-pero yung ipakasal ako ay hindi ko ata maiintindihan. Oo naglayas ako, pero dahil kahit sa isang taon man lang ay maranasan kong maging malaya. Maranasan kong mabuhay sa mundo na hindi ako dinidiktahan ng magulang ko." Pumiyok ako. Tumulo ang mga luhang ikinukubli ko kanina pa. Ilang araw ko na itong ikinimkim.  "I didn't know." Nag-iwas siya ng tingin. Mabilis kong pinunasan ang luhang tumakas pero nang hinila ako ni Sylver at niyakap ako ng mahigpit ay sumabog na ang aking emosyon. Naiyak ako sa dibdib niya. Ibinuhos ko doon ang kinikimkim kong emosyon, ang hinanakit ko sa magulang ko. Ayaw kong magtanim ng galit pero di ko maiwasan. Hindi ko makuhang intindihin sila.  Nang mapatahan ko ang sarili ko ay kumalas rin ako sa pagkakayakap ni Puti sa akin. Nginitian ko ito.  "Thanks." daing ko. "Paano mo nakukuhang ngumiti sa kabila ng lahat?" Seryoso niyang tanong sa akin. Parang may kung ano sa ekspresyon niya ang hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung ano iyon. "If I let this problem swallow me edi talo ako. Sapat na 'yong umiyak ako." Sinikap kong ngumiti. "Ano? Balik na ako sa loob. Kailangan ko pang magtrabaho. Kailangan ko ng pera para may pangtustos sa sarili ko."  "Magtrabaho ka nalang sa akin. Maid ko sa bahay." Naweywang siya sa akin.  "Seryoso? Ayoko. B-Baka gahasain mo ako." Pagbibiro ko. "Feeling ka. Wala ka ngang dibdib oh. Flat. Palakihin mo muna 'yan."  Natatawa lang akong tiningnan ito. Hindi ko nalang pinansin ang pagsusuplado niya. Hinila ko siya sa loob at buti nalang ay nagpatianod sa akin. We're close. Simula noong hatdan niya ako ng cake sa kotse kung saan ako nagkulong dahil nahihiya ako sa kanina ay siya lang yung kumausap sa akin. Kahit ilang oras lang iyon naging magkaibigan na kaming dalawa. Kaya nga nang mapansin ko siya doon sa pinasukan ko at ang puti niya pa ay naghinala na agad ako. Hindi ko siya nakalimutan... "Hoy nyebe seryoso ako... wag kanang mag waitress. Nakakabanas kang panoorin na lakad nang lakad tapos pinagtitinginan ka pa ng mga costumer." Hinila niya ako kaya ako itong nabangga na naman sa dibdib niya. Kakapasok lang namin sa kitchen at ready na akong lumabas kaso siya itong ayaw. "Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. K-Kailangan ko 'to." Namumungay ang mga mata kong sinabi iyon sa kanya. "Dito ka nalang sa loob. Pwede kang maging assistant ng chef dito. Basta wag na doon sa labas. Boss ako. Ako yung sundin mo hindi yang pinapairal mo yang matigas mong bungo. Dapat nga sinisisante kana dahil sumasagot ka pa. Tss." Nayayamot niyang sabi. Tumawa lang ako dahil sa mukha niyang masyadong seryoso. Kaya lalo tuloy bumusangot. "Hindi ako nagbibiro. Itong babaeng to..." Naiiling siyang naglakad doon sa may chef na busy sa ginagawa. Nang bumaling sa kanya si Sylver ay hininto nito ang ginagawa at itinutok ang buo nitong atensyon sa kanya. Siya ba ang nagmamanage ng Restaurant nila?  Tumango tango yung chef na nilingon ako. Ilang sandali lang ay nilingon niya ako kaya ngumiti lang ako kaso nagawa akong irapan. Problema niya?  "Ganito, kung ano lang ang iuutos niya yun lang susundin mo..." sabi ni Sylver sa akin, nakapameywang na naman. Napatingin ako sa braso niyang may biceps na. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya. May tindig na siya. Manly posture.  "Nyebe nakikinig ka ba? Tigilan mo ang kakapantasya sakin, may trabaho ka pa. Kung makatitig ka sa katawan ko kulang nalang hubaran mo ako. Pambihirang babaeng 'to." Nahimas niya ang batok niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Humagalpak lang ako ng tawa. Parating nagtataray eh. "Assuming." Natatawa kong sabi. "Bakit hindi ba?" Mariin niya akong tiningnan, magkasalubong ang kilay. Umiling ako. "Hindi." Ngumiti ako at tumalikod narin. Nilapitan ko yung chef.  "May iuutos po ba kayo?" Nginitian ko ito.  "Ah, ano..." Lumingon lingon siya sa paligid. Nang may nakita siyang tatlong bowl na madumi ay ibinigay niya iyon sa akin. "Pakihugasan 'to." Tumango ako at nagpunta sa sink. Ilang sandali lang ay namalayan ko na si Puti sa gilid ko. Napanguso akong ibinaling ang atensyon ko sa kanya. "Ba't ka nandito? Umupo ka nalang doon." Marahan kong itinulak ang tiyan niya. Ang tigas.  "Ba't ka ganyan? Gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho? Ha babae? Ikaw itong utos nang utos sa akin. Sino bang amo dito?" Nayayamot niyang tinanggal ang kamay ko sa tiyan niyang itinutulak ko kanina. "Oo na. Ang suplado mo ah." Natatawa akong ibinaling ang atensyon ko sa hinuhugasan ko. Maingat ko itong sinabunan. Sa sobrang ingat ko ilang minuto rin ang kinain ko.  Yung lang ang pinaggagawa ko sa natitirang oras. Buti nalang at hindi ako nakabasag. Maliban doon sa baso na nasangga ko at nabasag. Ewan ko ba, dakilang tanga ata ako. Ipinalinis iyon ni Puti at pinalampas. Yung mga empleyado sa labas hindi na nagtaka na ako daw ang nakabasag.  "Nakakapagod pero exciting." Nakangiti kong sabi. Lumabas na kami sa Restaurant nila.  "Exciting eh uubusin mo ata lahat ng gamit namin sa Restaurant. Bukas iaassign na kita sa iba. Ba't di nalang kasi maging maid ko." Nagkasalubong ang kilay niya, iritado. "Maid? Baby sit? Ilang taon kana? You don't need a nanny Sylver."  "Yung kasama lang kita sapat na 'yon. Ilang taon rin ang nasayang. Hindi ko alam kung saan ka hahagilapin..." Naging seryoso ang mukha niya. Kumislap ang mga mata niyang puno ng kahulugan. Hindi ko lubos maisip kung ano ang ibig sabihin nun.  "Naghomeschool lang kasi ako. 'Tsaka di nila ako pinapalabas ng bahay." Napabuntong ako ng hininga. Kaya ako itong parang hayop na nakawala sa hawla at namamangha sa pinaggagawa ko. Everything is my first time. Meeting new faces everyday. Yun nga lang nahihiya akong makihalubilo sa iba.  "Tss." Naiinis niyang pinatunog ang kotse niya at binuksan ang front seat. Napahinto ako at tumitig doon. "Wag na. Magcocommute nalang ako. Ang rami mo nang ginawa para sa aki--"Get in Snow. Ang daldal mo. Simpleng pagpasok lang gagawin mo ang rami mo nang sinasabi. Wag mo akong dramahan." Magkasalubong ang kilay niyang seryosong nakatitig sa akin. Unti unting kumurba ang labi ko at sinunod siya. Sabagay, makakatipid rin naman ako.  "Thanks." Nakangiti kong sabi. Marahan niyang isinara ang pinto at umikot. Umupo siya sa driver's seat saka sinimulang magmaneho. Ang seryoso parin ng mukha niya. Nakatitig lang ako sa kanya lalo na't hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Mas lalo lang iyong lumulukot.  "Tigilan mong kakatitig sakin. Sa hospital bagsak natin nito pag ipinagpatuloy mo yan." Mariin niya akong tinapunan ng tingin at ibinalik ulit sa daan. "May period ka?" Humagalpak ako ng tawa. Mas lalong bumusangot ang mukha niya.  "Ikaw babae ka napakamahiyan mo sa iba pero sa akin ang hilig mong mang-asar. Anong meron sayo? Tss." "We're friends since I was a kid. Hindi na ako nahihiya sayo, 'tsaka komportable ako sayo." Sumandal ako sa upuan at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Napangiti ako. Magagawa ko na ang gusto ko. Susulitin ko ang mga araw na malaya ako. If only I can escape from reality. "Hindi ko kilala ang ipapakasal nila sa akin. Pwede ba 'yon? I don't even love him. Sagrado ang kasal. Dapat nagmamaha--" Kamuntik na akong masubsob sa harap ko nang bigla siyang prumeno. Buti nalang at may suot akong seatbelt. Mabilis kong iginala ang tingin ko sa harap. "May tumawid ba?" Natataranta kong sabi. "Wala. Sinadya ko 'yon para itikom yang bibig mo. Ang daldal eh. Wag mong sinasabi sakin ang bagay na 'yan." Napatingin ako sa napakaseryoso niyang ekspresyon. May kung ano doon na hindi ko lubos maintindihan. Mukha siyang nasasaktan. Naaawa ata siya sa akin. Sino bang gustong malagay sa posisyon ko?  Nagsimula ulit siyang magmaneho. Napatitig tuloy ulit ako sa kanya. Ilang taon narin ba ang lumipas? 8 years? Yet, he didn't changed. Siya parin yung bata noon.  "I missed you." Ngumiti ako sa kanya. Sa isang iglap ay napapreno na naman siya.  "s**t Snow! You're scaring the hell out of me. Itikom mo nga yang bibig mo. Di ako makaconcentrate..." His face is so fustrated right now. Natawa lang ako.  "Last nalang. Iduduct tape ko na yang bibig mo." Tinapunan niya ako ng matalim na tingin kaya itinikom ko agad ang bibig ko pero nakangiti parin ako.  "And eyes on the window. Damn girl." Naiiling ulit siyang nagmaneho. "Okay, okay." Natatawa akong napatingin ulit sa labas ng bintana. Ewan ko, ang suplado eh.  Naging tahimik na ako buong byahe. Ni hindi ko siya nilingon para lang makapagconcentrate siya. I don't even know why. Pagdating namin doon sa inupahan kong kwarto ay hindi na agad maipinta ang mukha niya. Ang arte ng puting 'to. Ang cute nga para sakin. "You lived here? Nakakahinga ka pa ba dito?" Naiirita niyang iginala ang tingin niya.  "Ako lang naman mag-isa. 'Tsaka buhay pa naman ako, kaya oo. Nakakahinga ako dito." Hinubad ko ang suot kong flat shoes at sinuot ang indoor slipper ko. Pakiramdam ko nasa sarili akong kwarto ko pag suot ko ito. Yun nga lang triple ata sa laki ang kwarto ko kaysa dito. "Pilosopong babaeng 'to. Doon ka nalang sa bahay. May guestroom doon hindi katulad nitong ang liit ng space. Ba't ka ba nagtitiis dito?" Sumandal siya sa pader at napatingin sakin ng seryoso. "Tigilan mo nga. Nasobrahan ka sa bait. Napansin ko." Humalakhak ako. "Hindi ako mabait. Sadyang gusto lang kitang makasama 'yon iyon." Bumaon sakin ang tingin niyang puno ng kahulugan na hindi ko naman lubos matukoy.  "Why? You're with me right now." Wala sa sarili kong sabi lalo na't nakatuon ang buo kong atensyon sa paghahanap ng maisusuot na pambahay dito sa bagahe ko. Hindi ko magawang iarrange pa. Wala akong walk in kaya kailangan ko itong ipasok doon sa drawer. Pero hindi ata kasya mga gamit ko. "I want to be with you 24/7. Every damn second Snow. Ilang taon ang nasayang. Ilang taon ang pinalampas ko." Naging malungkot ang boses na 'yon. Nahinto ako sa paghahanap at ibinaling sa kanya ang tingin ko. Seryoso parin ang ekspresyon ng mukha niya. Walang nagbabago. "Gusto mong matulog dito?" tanong ko na ikinalaglag ng panga niya. Anong meron? "Hindi ka ba nag-iisip diyan sa pinagsasabi mo? Hoy nyebe, saan mo naiwan ang utak mo at parang wala ka sa sarili?" Nabahiran ng iritasyon ang mukha niya. "H-Ha? Sabi mo gusto mo akong makasama 24/7. Kaya akala ko gusto mong matulog dito. Diyan ka nalang sa couch oh. Di tayo kasya sa kama ko eh." Kibit balikat ko. Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya. Hindi ko siya maintindihan. "Alam mong lalake ako diba?"  "Oo. Obviously, tapos?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.  Mariin siyang napapikit at parang hirap na buohin ang mga salita sa bibig niya para sabihin iyon. "Lalake ako. Tapos nasa iisang kwarto tayo. Gusto mong buntisin kita?" Mariin niya akong tiningnan. Napasinghap ako at namumulang umiling. Ba't siya napunta sa bagay na iyon?!  "Hindi ko naman sinabing yan. Ang sinabi ko lang matulog. Ba't napunta kana diyan." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko ito lubos maikubli sa loob ko. Ang init ng mukha ko kainis. "Nasa iisang kwarto tayo. Lalake ako, babae ka. It's inevitable not to fall on that thing." paliwanag niya. "Wala 'yon sa utak ko. Matutulog lang naman eh." May bumabara ata sa lalamunan ko dahil sa pinagsasabi ko. Ang alam ko kasi ginagawa iyon ng mag-asawa. Isa yan sa itinuro sa akin noong naghome school ako. Hindi na inilaborate. Tapos ang pinapanood pa namin ng kapatid ko puro disney princess. Puro fairytales. Hindi ko iyon naisip.  "You don't know how badly I want you right now Snow. So bad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD