Kabanata 7 | Ginagago

1114 Words
Ilang oras rin ang itinagal ko sa kitchen. Nagawa ko pang tumulong doon para makipag-chikahan lang sa kanila. Bumalik ako sa suite ni Zoren nang sumapit ang gabi. Kailangan ko siyang tanungin kung gusto ba niya ng pagkain mula dito sa hotel o kung gusto niyang ipagluto ko siya. Pagkarating ko sa suite ay naabutan ko siyang nanonood ng tv. Hindi niya ako nilingon. Kahit pa aware naman siya sa pagdating ko. Dahan dahan at tahimik akong naglakad papunta sa kanya at tahimik akong naupo sa tabi niya. “Ipagluluto ba kita ng dinner? O gusto mong bumaba para kumain sa restaurant?” Ilang sandaling nanatili ang mga titig niya sa pinapanood bago niya ako nilingon. “You can cook, right?” Agad akong tumango. “Of course!” taas noo at nagmamalaki ko pang sabi sa kanya. Sa aming dalawa ni Lumina ay ako ang mas masarap at magaling magluto. “Gusto kitang matikman,” malalim ang mga tinging sabi niya. Natulala ako ng ilang saglit sa kanya bago ko nagawang intindihin ang mga sinabi niya. Nangunot agad ang noo ko. “Ha?” Pinagtaasan niya ako ng kilay. Maging siya ay lutang. Mukhang hindi niya alam ang mga sinabi niya kanina. “A-anong…” Nag iwas siya ng tingin. “Anyway, I’m done organizing your things. Don’t worry, I arranged it well.” “Ha? Anong organize?” “Mga damit mo.” Nilingon niya ako. “Nasa walk in closet ko na.” Tumayo ako at agad na tinungo ang kwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang wala na nga sa kaninang pwesto ang mga maleta ko. Binuksan ko ang pintuan papunta sa walk in closet at bumungad sa akin ang mga gamit niya na ngayon ay may gamit ko na. ”B-bakit?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit ako nakakatanggap ng ganitong treatment mula sa kanya? E, personal maid niya lang naman ako. ”Anong bakit?” Napatalon ako sa gulat at agad na napalingon sa pintuan ng walk in closet. Nakita ko siyang nakatayo at nakasandal doon habang magkalingkis ang kanyang mga braso. Naitagilid ko ang ulo ko habang ako'y nakatingin sa kanya. “Bakit mo inilagay dito ang mga gamit ko? Hindi naman na kailangan,” sabi ko. Imbis na sagutin ay tinalikuran niya ako kaya agad ko siyang hinabol. “Bakit parang hindi naman maid ang trato mo sa akin?” sabi ko nang naabutan ko siya sa kwarto. Nakahawak pa ako sa braso niya na agad ko namang inalis nang tingnan niya ang kamay ko roon. “How do you want me to treat you then?” Natigilan ako. Napalunok at hindi na alam kung anong sasabihin sa kanya. Okay naman maging mabait siya sa akin. Pero iyong ganito na pati mga gamit ko ay siya mismo ang nag ayos ay parang may mali na. “Utusan mo lang... Huwag na iyong feeling ko may special treatment.” Naglipat siya ng tingin sa akin at saka sumilay ang tipid na ngisi sa kanyang labi. “If you wish,” aniya at tuluyan na akong iniwan sa kwarto. Nahugot ko ang hininga ko. Saka ko iyon marahang ibinuga. Ilang sandali akong nanatili sa kwarto habang nakatingin sa pintong nilabasan niya bago ako sumunod at lumabas na rin. Bumalik siya sa harap ng tv at ngayo'y nakasandal na ang buong katawan niya sa sandalan ng sofa. Nagdiretso naman ako sa kusina para magluto. Menudo ang niluto ko para sa hapunan. Inihanda ko agad ang lamesa at kinumpleto ang kubyertos bago ko siya tinawag. “Handa na ang lamesa,” tawag ko sa kanya mula sa dining table. Ang pwesto niya ngayon ay katulad pa rin sa pwesto niya kanina. Inaasahan kong tatayo siya bilang tugon sa pagtawag ko pero hindi siya gumalaw. Kaya napilitan akong lumapit sa kinaroroonan niya. “Zoren...” Bumagsak agad ang balikat ko pagkakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at siya'y nakanganga. Himbing na himbing siya sa kanyang pagkakatulog. Marahan kong niyugyog ang kanyang tuhod. Pero hindi siya nagising. Impit na ungol ang lumabas sa kanyang bibig na nagpakunot sa aking noo. “Nag w-wet dreams ba siya?” Napailing ako at pinatay na lamang ang TV. Doon pa lang siya nagising nang tumahimik na ang paligid. “Tapos na akong magluto,” sabi ko sa kanya. Tamad siyang bumangon at nagdiretso sa lamesa. Naupo siya roon at agad na natuon ang buong atensyon sa mga niluto ko. “Menudo?” he asked. Sumunod ako sa kanya at pumaroon sa kanyang tabi. Kinuha ko ang pitsel ng pineapple juice at saka ako nagsalin sa kanyang baso. “Oo. Bakit? Ayaw mo sa menudo?” Nag iwas siya ng tingin sa ulam na 'yon at saka siya nag angat ng tingin sa akin. “Sigurado ka bang masarap 'yan?” Napataas ang gilid ng labi ko. “Siyempre! Ako ang nagluto, e!” Pasiring niyang inialis ang tingin niya sa akin. Kumuha siya ng kutsara at agad na tinikman ang menudo. Natulala siya saglit pagkatapos iyon malasahan. Ha! I knew it! “Ano? Masarap 'di ba?” “Hindi masarap. Cook something else.” “Ha?” Iniwan niya ako sa lamesa. Pumasok siya sa kwarto at padabog na isinara ang pinto. “Anong problema no'n?” Wala akong nagawa kung 'di ang sundin na lamang ang iniuutos niya. Nagluto ulit ako ng ibang putahe. “Nagsasayang lamang siya ng ingredients!” Pagdadabog ko habang naghihiwa ng carrots para sa caldereta.” Kung sabagay ay puno naman ang ref niya. At saka mayaman naman siya kaya siguro ay ayos lang na magsayang siya ng pagkain. “Pero kahit na no! Ang dami kayang namamatay sa gutom.” Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya natahimik ako. Bakit kaya dito siya tumitira sa hotel? Wala ba siyang bahay? “Anong niluluto mo?” Kunot noo niyang tanong habang naglalakad palapit sa akin. “Uh… Kaldereta sana.” Naging magalaw ang mga mata ko. Nakatitig siya sa akin. At sa paraan ng pagtitig niya ay nakikita kong wala siya sa mood. Masama yata gising niya. “Huwag ka ng magluto. Magpa-room service ka na lang.” Natulala ako saglit sa bugnutin niyang mukha bago ako nagbaba ng tingin sa mga ingredients na katatapos ko lang ihanda. Pinaglalaruan ba niya ako? Sinasayang niya lang effort ko, e! “Sige. Ayusin ko lang 'to saka ako bababa. Ako na ang kukuha. A-ano bang gusto mong kainin?” “Kahit ano,” sabi niya at muling pumasok sa kwarto. Bumagsak ang balikat ko at marahas akong napabuga ng hangin. Ginagago niya yata ako! Gusto niyang kumain ng kahit ano pero ayaw niya sa kaldereta at menudo ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD