Kabanata 8 | Hirap Kumita

1012 Words
“Ipinagluto ko siya ng menudo kaso hindi nasarapan, e.” “Ha? Paano namang hindi nasarapan? E ang galing mo kayang magluto! Kung pwede ka nga lang i-hire na chef dito ay matagal ko ng ginawa.” “Iyon na nga Ate Cherry, e. Baka hindi niya lang talaga bet 'yong mga gano'n kasarap na klase ng pagluluto,” natatawa kong sabi habang isa-isang isinasalansan ang mga pagkaing madalas raw na ipinapahatid ni Zoren sa kwarto niya. “Iba din taste ng guests na 'yan, e. Pero, Mel ingat ingat ka d'yan kasi fuckboy daw 'yan. Iba-iba 'yong mga putaheng kinakain,” sabay tawa ni Ate Cherry. Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pag irap ko. “I know. Kaya nga ako napunta sa posisyon kong 'to 'di ba? Kasi nasampal ko siya no'ng gabing may kachukchakan siya.” Isa-isa kong inilagay sa trolley ang mga pagkain namin ni Zoren para sa dinner. “Bakit mo naman kasi sinampal?” “Hindi ko rin alam. Adrenaline rush yata 'yong nangyari. Nagulat ako sa nakita kong ano kaya ko siya nasampal.” “Anong ano?” sabay tawa ni Fidel na iniharang pa ang mukha niya sa harapan ko kaya imbis na si Ate Cherry ay siya ang nakita ko. Nagtaas ako ng isang kilay. “Iyong ano nga! Kailangan pa bang sabihin ko? E, gets niyo naman na 'yon.” “Malaki ba 'yong ano?” natatawa na ring sabi ni Ate Cherry. “Sinabi ko na 'di ba? Malaki.” Hinawakan ko na ang trolley at iniikot 'yon para pumosisyon patungong pintuan ng kitchen. “Gaano kalaki?” si Fidel. Kumunot ang noo ko. “Bakit gusto mong malaman? Bakla ka ba?” “Ico-compare ko lang sa akin,” sabay halakhak niya. Nagsipaghalakhakan kaming lahat habang napapailing iling ako. “Alis na nga ako. Baka lumiit pa 'yon kapag nagtagal ako dito,” sabi ko at umalis na habang tulak tulak ang trolley. “Eat well, Mel!” pahabol pang biro ni Ate Cherry. “Pagkain ang kakainin, Mel. Hindi 'yong ano. Good luck sa first night mo!” si Fidel. Napailing na lamang akong muli saka napabuga ng hangin. Napakapalabiro talaga ng mga taga-kitchen. Pagkarating ko sa suite ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Zoren pagkabukas ko ng pintuan. Dumiretso ako sa dining table habang tulak-tulak pa rin ang trolley. “What did you get?” tanong niya saka tumayo at naglakad palapit sa akin. “Salad and stake,” agad kong tugon. Isa-isa kong inayos sa lamesa ang mga pagkain pati na rin ang mga kubyertos. Naupo naman si Zoren sa kabisera habang hinihintay akong matapos. “Maupo ka na,” aniya nang natapos ako. Tumango ako at naupo na rin. Tahimik kaming nagsimulang kumain. “I want you to stop cooking, Melissa,” sabi niya matapos ang ilang sandali. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nahinto ako sa pagkain. “B-bakit? Para sa akin kasi... Masarap naman ang mga luto ko.” Alam kong masarap ang mga luto ko. Bata pa lang ako ay naturuan na ako ng isa sa mga kilala kong magaling sa larangan ng pagluluto. Kaya sigurado akong sobrang sarap ng mga luto ko. “Hindi ako nasasarapan sa luto mo. Just clean the suite, do the dishes, and your laundry.” “Wala na ba akong ibang gagawin? Paano 'yong mga labahin mo? Isali mo na lang din sa trabaho ko. Huwag kang mag alala, hindi kita aasarin sa ano mo.” Agad na nagpang abot ang kanyang mga kilay. “Anong ano ang sinasabi mo d'yan?” “Iyong ano... Iyong brief na—” “Oh! Shut up!” agad na pigil niya sa akin. Pinigilan ko agad ang paglabas ng tawa ko. Sa mukha niya kasi ay halata ang pagkairita. Natahimik kaming muli at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali ay nagsalita siya ulit. “It's my mom's memory...” “Ang alin?” “The hello kitty.” Nag angat siya ng tingin sa akin. Kita ko kung gaano kalungkot ang kanyang mga mata. May bigla akong naalala sa mga matang iyon. Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Masyadong malungkot. Masyadong mapanakit. “Sorry,” I whispered. Naging matunog ang pag ngiti niya. “You don't have to say sorry. Hindi mo naman kasalanan kung bakit niya ako iniwan.” Nakagat ko ang labi ko. Mas lalo pa akong yumuko. Sobrang na-guilty ako dahil sa pang-aasar ko sa kanya kanina. Dapat pala hindi natin pinagtatawanan 'yong mga gano'ng bagay lalo pa't hindi naman natin alam kung anong estorya sa likod no'n. “Continue your food,” utos niya. “Ah! Oo...” Napaangat ako ng tingin sa kanya at agad rin akong yumukong muli sa plato ko. Pagkatapos ng dinner ay umalis si Zoren. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Pero pinili ko pa rin siyang hintayin kahit pa hindi ako sigurado kung anong oras siyang uuwi. Naburyo ako kakanood ng kung ano sa tv kaya ang ending nakatulog ako sa sofa. Nagising akong maliwanag na ang buong suite dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa malaking bintana. Umaga na at may unan at kumot ng nakayakap sa akin. Agad akong bumangon at nagtungo sa kwarto. Since bukas iyon at hindi maayos ang pagkakasarado ay sumilip na lamang ako. Nakita kong nakadapang natutulog si Zoren sa kama niya habang nakayakap ang kumot sa ibabang parte ng kanyang katawan. Isang paa at ang hubad niyang pang itaas ang nakikita ko. Nakagat ko pa ang labi ko bago ako nagdesisyong isarado ang pinto ng kwarto. Nasa loob ng kwarto ang bathroom kaya pinagkasya ko na lamang sa repleksiyon ng tv ang mukha kong nililinisan ko. Ayaw ko namang bumaba na may muta pa't may panis na laway pero wala akong choice. Kailangan ko ng ihanda ang umagahan ni Zoren. Napabuntonghininga ako habang lulan ng elevator. Kung kumakain lang sana siya ng mga luto ko. Eh 'di sana'y hindi na ako bumababa pa. Minsan talagang ang hirap kumita ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD