Hindi na ako nakipagtalo sa kanya nang sabihin niyang dapat ay kasabay ko siyang kakain palagi. Tahimik ko na lang na pinanood ang nagtataasang mga building sa labas ng aking bintana.
Hindi ko alam kung tama bang sumabay ako sa kanya sa tuwing kakain siya. Ayon kasi sa mga teleserye na napapanood ko ay dapat na naroroon ang mga maid at nagsisilbi sa mga amo nila kapag kakain ang mga ito. Hihintayin dapat nilang matapos ito bago sila kakain.
“A-ayos lang ba?” Pagkatapos ng ilang sandali na pananahimik ay nilingon ko siya.
“Ang alin?” tanong niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
“Iyong ano... Iyong sasabay ako sa iyo na kumain.”
Doon lang niya ako nilingon. Bahagya pa niyang naitagilid ang ulo niya habang nakatingin siya sa akin.
“Sasabayan mo ako kasi gusto kong dalawa tayong kakain ng pagkaing ihahanda mo para sa akin...”
Nag iwas agad ako ng tingin. Ayaw kong kiligin! Wala namang nakakakilig sa mga sinabi niya. Pero bakit ganito na lang mag react ang puso ko?
“Para kapag naisipan mong lasunin ako ay dalawa pa rin tayong mamamatay,” dagdag niya na nagpahalakhak sa akin.
“Sa tingin mo lalasunin kita?” sabay lingon ko sa kanya.
Kinilig na sana ako, e. Pero iniisip niya palang may masama akong balak sa kanya kaya niya gustong magkasabay kaming kakain.
“Sa tingin mo talaga pag aaksayahan kita ng panahon?” dagdag tanong ko pa.
Nagkibit balikat lamang siya at hindi na sumagot pa sa akin. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. He really thinks that way. Shocks!
“For your information, hindi ako mamamatay tao!” singhal ko sa kanya na hindi na rin niya pinatulan.
Inihinto niya ang sasakyan sa isang Filipino cuisine restaurant at agad siyang bumaba. Naunahan niya agad ako na magbukas ng pintuan ng passenger seat. Pahamak kasi itong seatbelt ko at ayaw matanggal.
“Bakit ayaw?” naiinis ko ng bulong.
Narinig ko ang pagngisi ni Zoren. Marahil ay napansin ang ginagawa kong paghila sa seatbelt. Alam ko kung paano itong tanggalin. Napapanood ko sa mga kdrama na madali lang nila itong tinatanggal.
“First time mong sumakay ng kotse?”
Napaangat agad ang tingin ko sa kanya. Nakaplaster pa rin sa kanyang labi ang ngisi niya habang mangha siyang nakatingin sa akin.
“First time ko. Pero alam ko kung paano itong tanggalin no!” pagmamayabang ko pa bago muling hinila ang seatbelt.
Bakit ayaw makalas? Damn!
“Hindi kasi ganyan ang pagtanggal niyan, Mel,” aniya at may pinindot sabay hila niya dahilan upang kumalas iyon.
Alam ko kung paano iyon isinuot kanina. Bakit ang tanga ko at hindi ko iyon pinindot? O baka natataranta lang ako kaya hindi ko na alam ang gagawin ko? Oh my! Bakit naman ako matataranta?
“Virgin ka talaga sa kahit anong bagay no?” aniya at umalis na sa harapan ko para makadaan ako.
Pagkasarado niya ng pintuan ng sasakyan ay agad siyang naunang maglakad papasok ng restaurant. Sumunod na lang din ako. Siguro naman ay ililibre niya ako no? Wala pa akong sahod, e.
Nga pala, hindi ko pa naitatanong sa kanya kung ano ang araw ng sahod ko.
Nakapili agad si Zoren ng table at ipinaghila niya lang ako ng upuan bago siya naupo sa harapan nito.
Ganyan din ba siya sa mga babaeng kasiping niya? Gentleman? Napailing ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko naman iniisip na babae niya ako. O baka ganyan lang talaga siya sa lahat ng babae? Be it his mother o sa babaeng kapatid kung meron man.
“Aren’t you going to sit?”
“Ha? Uhh...” Natataranta akong tumango at agad nang naupo.
Nilapitan agad kami ng isang waiter at agad nitong inibigay ang menu card.
“We’re going to make it heavy so...” bulong bulong ni Zoren habang nakatingin sa menu na hawak niya.
Naningkit ang mga mata ko. Napansin ko naman talaga kagabi na gwapo siya. Pero talaga palang napakagwapo niya. Napakaitim at napakakapal ng kilay niya. Mahaba at medyo wavy ang kanyang pilikmata. Napangisi ako ng konti. Parang babae lang. Nagsalubong ang mga kilay niyang kanina ko pa tinititigan kaya bumaba ang mga tingin ko sa kanyang mga mata. And damn!
Napaiwas agad ako ng tingin at itinuon iyon sa bakanteng table na nasa aking gilid.
“Oorder pa ba tayo? Pakiramdam ko busog ka na, e.”
“Gutom ako. Feeling mo lang iyan.”
Humalakhak siya kaya doon ako nagbalik ng tingin sa kanya.
“Ito na lang. Itong isang linyang ito.” sabi niya sa waiter sabay hagod ng kanyang hintuturo sa menu mula taas paibaba.
“Po?” Hindi makapaniwala ang waiter kaya bahagya pa itong yumuko kay Zoren.
“Lahat ng iyan ang order namin.” Muli niyang itinuro ang menu.
“Oh. Okay po! Pahintay na lang po, sir,” sabi ng waiter saka tuluyang umalis.
The whole waiting time ay nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga mata ni Zoren na nakatutok sa akin. Makailang ulit akong napalunok at pilit na iniiwasan ang mga titig niya.
“Uhh... B-bakit?” Nilingon ko siya. Umasa akong bibigyan niya ako ng sagot. Pero tipid lamang na ngiti ang sumilay sa labi niya saka niya ako inilingan.
Nag iwas na lamang akong muli ng tingin. Akala ko ay mag iiwas na rin siya ng tingin pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin.
What’s wrong with this guy? Hindi naman siya nagsasalita at nakatitig lang sa akin. Pero... Bakit? Anong mayroon at ginaganito niya ako? Jusko! Akala niya ba okay iyan? Nakakailang kaya! Matagal din bago bumalik iyong waiter at sinerve ang mga pagkaing in-order ni Zoren. Doon niya lan din naiwala ang paningin sa akin nang nagsimula kaming kumain.
“You don’t have to make it fast, Mel,” sa kalagitnaan ng pagkain ay nagsalita si Zoren. Marahil ay napansin ang bilis ko at sunod-sunod kong pagsubo.
“Uh... Sorry... Gutom lang talaga,” sabi ko at hindi na nahiya sa kanya. Basta sa pagkain aba'y hindi ako mahihiya!
He nodded. “I understand. Kaya nga marami ang in-order ko. Just make it slow. Baka mabilaukan ka.”
Concern ba siya? Char, Melissa! As-if naman! Baka takot lang iyang mamatay ka at siya ang pagbintangan kaya ganyan.