Kabanata 4 | Always

1073 Words
“What the f**k?!” pagmumura niya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Alam ko namang boss ko siya at dapat ay nire-respeto ko siya at hindi basta-bastang sinasampal. Pero hindi naman yata tamang bastusin niya ako. Alam kong may karapatan din naman ako. And I stand for my rights! “Kapag ako binastos mo ulit... Hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin,” sabi ko at mabilis na naglakad palabas ng suite niya. “Saan ka pupunta, Melissa?” Tila kulog ang naging boses niya nang isigaw niya iyon kaya naging agaran ang pagtigil ko sa padabog na paglalakad at nanlilisik ang mga mata ko nang lingunin ko siya. Anong akala niya? Matatakot niya ako sa pasigaw-sigaw niya? No way! “Uuwi. Mag iimpake ako ng gamit. Alangan namang wala akong gamit dito. Paano ako magbibihis kung walang pamalit?!” sarkastiko kong tugon. “You don’t have to—” “Gusto mong masampal ulit?” Agad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay senyales ng pagsuko. “Easy. You don’t have to be rude. Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang amo mo. Maid kita.” “Tss!” Pasiring kong inalis ang mga mata ko sa kanya saka ako tuluyang lumabas ng suite. Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ay agaran ang naging pagbuga ko ng hangin. Pigil pigil ko pala ang hininga ko habang nasa loob ako. Bumaba ako sa reception at naabutan ko si Julia at Rina roon. “Si Cathy nakaalis na?” agad na tanong ko. “Kanina pa. Mami-miss ka namin dito, Mel,” ani Rina. Umabot agad sa kanila ang balita? Ang bilis naman. “Nandito pa rin naman ako. Nasa iisang hotel pa rin naman tayo.” “Sa laki ng hotel na ito?” ani Julia. “Kayo naman! Kung ang mag ex nga pinagtatagpo kahit na nag abroad iyong isa. Tayo pa kaya? Hindi naman isang buong bansa itong Bluestone Hotel! Ano ba kayo? Ang ne-nega niyo!” “Paanong hindi mane-nega? E, aalis ka na at iiwan mo kami! Tapos alam mo ba kung sinong kapalit mo? Si Erica!” sabi naman ni Rina. Nangunot ang noo ko. Matagal na iyong wala dito ah? “E, hindi ba ay tinanggal na iyon ni—” “Kinuha ulit ni Mr. Buenaventura,” si Julia. Napabuga na lamang ako ng hangin. “Mr. Buenaventura niyo, walang isang salita!” dagdag pa niya. “Grabe naman kayo! Baka rin kailangan na kailangan ni Erica ng trabaho,” sabi ko. “Kailangan nga raw. Naghiwalay na sila ng asawa niya at kailangan niyang buhayin ang tatlo nilang anak kaya ayon!” si Rina. “Iyon naman pala.” “Ah basta! Hindi ko talaga siya gustong makasama dito sa reception. Masyadong pabida!” sabi pa ni Rina. Ilang sandali pa kaming nag usap roon bago ako tuluyang nagpaalam. Ayaw ko rin namang magtagal dahil marami pa akong kailangang i-impake sa bahay. Pagkauwi, as usual tahimik ang bahay. Malamang ay nasa trabaho na si Lumina. Agad akong nag impake at medyo marami-rami din naman ang mga damit ko kaya dalawang maleta agad ang napuno. Naligo ako at nagbihis bago nagpasyang babalik na ng hotel. Mag a-alas dos na at hindi pa ako nagla-lunch. Tulak-tulak ko ang dalawang maleta ko habang palabas ako ng bahay. Habol-habol ko na agad ang hininga ko nang bitawan ko ang mga ito. Tumingala ako upang huminga sana ng malalim pero agad akong natigilan nang dumapo ang mga mata ko sa asul na magarang sasakyan na naka park sa labas ng gate. Feeling ko ay may bumara sa aking lalamunan kaya napaubo ako. Lalo pa nang nakangising lumabas si Zoren doon. Naka itim na tshirt na siya this time, hindi tulad kaninang umaga. Maliban doon ay may dumagdag ng dogtag at shades sa outfit niya. Shit! Paano niya natunton ang bahay ko? Stalker ba siya? “B-b-bakit ka nandito?” “Ang tagal mo namang lumabas. Kanina pa akong naghihintay sa iyo dito, e!” aniya. Napailing na lamang ako at saka siya tinalikuran. Ini-lock ko ang pintuan. Pagkalingon kong muli ay nasa harapan ko na siya. Halos mapatalon ako sa gulat at agad na napaatras. “Sorry,” nakangising sabi niya saka kinuha ang dalawa kong maleta. “Paano mo natunton ang bahay ko?” “Anong laman nito? Bakit sobrang bigat?” reklamo niya pero kung titingnan ay parang hindi naman siya nabibigatan habang binibitbit ang mga iyon papunta sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Nakasunod naman ako sa kanya. Umawang ang labi ko habang pinapanood kung paanong nag flex ang mga muscles niya sa braso. Bahagya ko pang naitagilid ang ulo ko habang magkalingkis ang dalawa kong braso. “You’re drooling,” aniya at nakapamaywang na habang nakatingin sa akin. Agad na lumipad ang isang palad ko sa bibig ko. “No! I’m not!” sabi ko at nauna na sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Hinabol niya ako at agad na pinigilan sa akma kong pagbubukas sa pintuan. He opened it for me. Nangunot agad ang noo ko. Bakit niya ginagawa ito? Pwede ba iyon? He’s being a gentleman sa maid niya? Come on! Masyado naman yata siyang mabait. “Hop in,” aniya. Tahimik akong pumasok at agad na nag seatbelt. This is not a kdrama! Hindi ko na siya kailangang hintayin para ikabit ang sarili kong seatbelt. Sa seatbelt ko agad dumapo ang kanyang mga mata pagkapasok niya sa driver’s seat. Nagpigil agad siya ng ngiti at paulit-ulit na binasa ang kanyang labi nang nag iwas siya ng tingin at itinuon iyon sa kalsada. Tumikhim pa muna siya bago tuluyang binuhay ang makina. “Have you eaten your lunch?” tanong niya nang sinimulan niyang patakbuhin ang sasakyan. Nilingon ko siya. “Hindi pa. Pero sa hotel na lang. Balak ko kasi sanang mag lunch muna bago bumalik sa suite mo at magsimula sa trabaho. Uhh... Paano nga pala ang pagkain ko? Pwede ba akong lumabas at sa kitchen na lang makikain o 'di kaya ay sa mga karenderyang nakapila malapit sa Bluestone hotel?” Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang sandaling pag igting ng kanyang panga. “Bakit ka naman kakain sa karenderya?” “Bakit? Sanay naman ako doon.” He shook his head. Ilang sandali pa ang hinintay ko bago niya ako nilingon. “You’re not going to eat anywhere, Mel. You’ll eat with me... Always.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD