Malawak pa ang naging pagngiti ko habang sinusundan ng tingin si Mr. Buenaventura palabas ng kanyang opisina. Nang tuluyan siyang makaalis at nang naiwan na lamang ako kasama si Zoren ay doon lang ako nagbigay ng buong atensyon sa kanya.
Nagtagpo agad ang aming mga mata. May tipid na ngiting nakasilay sa kanyang labi habang pailalim siyang nakatitig sa akin. Sandali akong nag iwas ng tingin para makahinga. Mukhang kanina pa niya ako tinititigan at nang lingunin ko siya ay hindi man lang siya nag abalang mag iwas ng tingin.
"Melissa... Loyola..." dahan-dahan niyang banggit sa buo kong pangalan kaya napalingon akong muli sa kanya.
"K-Kailan nga pala ako magsisimula?"
"Po," aniya at tumayo.
"Po... Kailan nga PO pala ako magsisimula?"
"Ngayon na."
"Ha? Agad-agad?"
"Ano bang gusto mo? Pagpahingahin muna kita bago ang bakbakan? Well..." sabi niya saka tumingala at umaktong nag iisip.
Agad na nangunot ang noo ko. Anong bakbakan?
"Bakbakan?"
Nagbaba siya ng tingin sa akin saka natawa pagkatapos ay umiling.
"Virgin," natatawang sabi niya saka naglakad na palabas ng opisina ni Mr. Buenaventura.
"Wait... Ilang oras ba ang trabaho ko sa iyo?" habol ko sa kanya.
"24/7," tugon niya saka pumasok na sa elevator. Sumunod din naman agad ako.
"Ha? E, paano pa ako uuwi sa bahay ko niyan?"
Pagkasarado ng pintuan ng elevator ay agad niya akong nilingon.
"At sino namang nagsabi sa iyong uuwi ka pa? You'll stay on my suite, Ms. virgin," sabay ngisi niya.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at laglag ang panga ko siyang tinitigan.
"You mean, titira ako kasama ka?"
Tumango siya na parang wala lang sa kanya ang lahat. Habang ako dito ay halos mahimatay na. Paano ako titira sa suite kasama siya? Gayung alam ko sa sarili ko na hindi ko siya dapat na pagkatiwalaan. Lumalabas nga siya at humaharap sa room service ng nakahubad. Ano na lang kung titira pa akong kasama siya? Baka magpalakad-lakad lang siya sa buong suite ng nakahubad. OMG!
Tumunog ang elevator senyales na bumukas na ito. Dire-diretso ang hakbang ni Zoren palabas. Habang ako ay naiwan ang mga mata sa kung saan siya nakatayo kanina.
"Come on, Ms. Virgin!" tawag niya sa akin kaya ako napalingon.
Doon ko lang din napansin na sa presidential suite pala niya ang tungo namin. Tahimik na lamang akong sumunod.
I'm still on my receptionist's uniform. Hindi man lang ba niya ako pagpapalitin?
"Teka... Kailan ang day off ko?" tanong ko nang nakahabol sa kanya. Hinawakan ko pa siya sa braso para pigilan siya sa pagpasok sa suite.
Nilingon niya ako at agad na dumapo ang paningin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.
"Chansing," he commented.
Tila napapaso kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya. Saka ako nag iwas ng tingin.
Humalakhak siya dahilan upang mapairap ako.
"Pasok na tayo, Ms. Virgin," aniya at natatawa pa rin nang pumasok sa suite.
Kagat labi akong sumunod sa kanya. Gumala agad ang paningin ko pagkapasok. Saang parte kaya ng suite na ito sila nag chukchakan kagabi?
Hinaplos ko ang sandalan ng couch. Siguro ay dito kasi klaro iyon sa pandinig ko kagabi, e. Siguradong nasa malapit lang sa akin.
"Oops!" Yumuko si Zoren at may pinulot sa carpet. Napatingin ako doon at nakitang manipis na tela iyon na kulay itim.
"Naiwan niya," natatawang sabi niya at bahagyang itinaas ang hawak. Nag iwas agad ako ng tingin.
Confirmed! Dito nga ang pwesto nila kagabi. May naiwang bakas, e.
"Malinis naman na ang suite mo. Ano pang gagawin ko dito?"
Agad siyang ngumisi sa akin matapos niyang itapon sa trash can ang panty ng babaeng kasiping niya kagabi.
"Personal maid kita kaya siyempre maliban sa paglilinis ay pagsisilbihan mo rin ako. Pagluluto, paglalaba, lahat, Melissa. Lahat ay gagawin mo para sa kaligayahan ko... Stay in ka para kapag kailangan kita lagi kang nandyan. Doon ang magiging kwarto mo," sabi niya sabay turo niya sa nag iisang sliding door sa kaliwang bahagi ng suite.
Nangunot ang noo ko.
"Isa lang ang kwarto dito, Zoren!" I protested.
"Mismo," he spat as he snap his fingers right in front of my eyes.
"What?!"
"Anong what? Ano ba kasing iniisip mo? Siyempre ay doon ka matutulog sa kwarto."
"Oh! edi saan ka matutulog?"
"Sa kwarto rin, alangan namang dito sa sala mo ako patulugin. Ano ka, prinsesa? Siniswerte?"
Nakaawang ang labi ko siyang inilingan saka ako nagtungo sa kwarto.
"Isa lang ang kama dito, Zoren!" reklamo ko.
"So? King sized bed naman iyan, Melissa. Kasya naman tayong dalawa dyan. Kung tutuusin hindi naman natin kailangan ng malaking kama. Single bed is fine actually... Well, kapag magkapatong tayo-" Huminto agad siya sa pagsasalita nang sa nanlilisik na mga mata ay nilingon ko siya.
"Dito na lang ako sa sala matutulog," sabi ko at bumalik na sa couch.
"Ayaw mo sa kama kasama ko?" habol niya sa akin.
"Ugh!" I groaned in frustration. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito?
"Ungol agad?" natatawa na namang sabi niya. Nakatayo na siya sa harapan ko at nakapamaywang pa.
"What if umuwi na lang ako every night? Kailangan mo rin naman ng privacy 'di ba? Lalo na kapag gabi," sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Nag m-midnight snack ako every night. Mas doon kita kailangan."
Nalukot ang mukha ko. Right! Midnight snack niya iyong hinatid ko kagabi kaya ako napasubo sa sitwasyong ito.
"Pero paano naman kapag... Ano..." Hindi ko masabi-sabi. Feeling ko ang awkward sabihin niyon. Hindi naman kasi talaga bastos ang bibig ko kaya hindi sanay ang dila ko sa mga salitang bastos.
"Ano?"
"Kapag ano... Uhh... Tulad kagabi..."
"What? Midnight snack?"
Marahan akong tumango. Alanganin pa. "Noong ginagawa mo kagabi no'ng naghatid ako ng midnight snack mo."
"Oh! Bakit? Anong mayroon?"
"What if ganoon? Anong gagawin ko? I mean..."
"Edi aalis ka sa harapan namin. Unless manonood ka? Or..." Itinataas baba niya ang kanyang mga kilay habang nakangising aso sa akin.
"Ang bastos mo talaga!" sabi ko at sa ikalawang pagkakataon ay nasampal ko siya.