Kabanata 2 | Deal

1080 Words
“Ang kapal naman talaga ng mukha mong pagbintangan akong namboso no? Excuse me lang ah! Ikaw kaya itong bastos at walanghiyang lumabas ng kwarto mo na nakahubad!” An amused grin escaped from his mouth. Naku naman at hindi pa yata ako sineseryoso. “Oh! Hindi ba ay pabor pa 'yon sa iyo? Or…” Nangunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. “Miss…” “Ano?!” “Virgin ka pa no?” Agad na nalaglag ang aking panga. Ang bastos niya, grabe! “Anyway, nandito pala ako para sunduin ka. Kanina pa kitang hinahanap, e,” aniya sabay kamot ng kanyang batok. Nangunot ang aking noo. At bakit naman daw niya ako hahanapin? “Bakit?! Wala naman akong atraso sa iyo ah?!” “Ang cute mo kapag nagagalit,” natatawang komento niya. Damn! Napairap ako’t mabilis na nag iwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong binibiro ako ng ganyan. Jusko! Mabilis pa naman akong kiligin! “Bilisan mo na d’yan at magtungo ka na sa opisina ng boss niyo.” Nangunot agad noo ko kasabay ng paglaki ng aking mga mata. Oh my gosh! May kinalaman ba siya kaya ako pinapatawag? Dahil ba doon sa pagsampal ko sa kanya? Tatanggalin na ba ako sa trabaho? Jusko naman! Kung saan kailangan na kailangan ko ng pera, e! Lumingon ako sa gawi niya upang sana ay magtanong pero wala na pala siya roon sa pintuan kung saan siya nakatayo kanina. Napabuntonghininga ako at agad na lamang nagmadali para makapunta na sa office ni Mr. Buenaventura. Tatlong katok ang iginawad ko sa pintuan ng office ni Mr. Buenaventura bago ako tuluyang pumasok. Agad na tumama sa akin ang matalim niyang mga mata pagkapasok ko. Ang madilim na ekspresyon ng kanyang mukha ay nagsasabi sa aking may nagawa nga akong mali kaya niya ako pinatawag. At isa pa hindi naman siya laging nandito. Paminsan-minsan lang talaga iyang napupunta dito sa office niya. Madalas ay sa conference room ang kanyang tungo kapag may meeting siya na dito gaganapin sa hotel. Mas busy si Mr. Buenaventura sa ibang kompanya niya kaya hindi talaga siya naglalagi dito. Sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang kaibigan kong si Lumina. Ngayon na lang ulit. At mukhang ako pa yata ang magiging dahilan. Nang lumingon ako sa kaliwang parte kung nasaan ang mga couch ay nakita ko ang bastos na lalake na nakaupo roon. Nakasandal at nakaakbay ang kanyang dalawang kamay sa sandalan. Agad siyang ngumisi nang nagtagpo ang aming mga mata. “G-good morning, M-mr. Buenaventura…” Nauutal ako. Ghad! “Good morning, Ms. Loyola. I have received a complaint from one of our guests. Nanampal ka raw kagabi.” Nanlaki agad ang aking mga mata. Nakapagsumbong na nga siya agad! Humanda sa akin iyang lalakeng iyan kapag natanggal ako. Mas masakit pa sa sampal ang ibibigay ko sa kanya. “S-sir… Hindi ko naman po iyon sinasadya. Nagulat lang po ako kasi—” “Shh!” pagpuputol sa akin ni Mr. Buenaventura. Nagawa niya pang itaas ang isang hintuturo niya. “Ang lalakeng sinampal mo, Miss Loyola ay isa sa board member ng kompanya kung saan ka nagtatrabaho. Aware ka ba doon?” Napasinghap ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa tingin ko naman ay wala akong nagawang mali. Sinampal ko siya kasi nakita ko siyang nakahubad sa harapan ko. Pambabastos iyon para sa akin. Pero dahil trabahante lang ako dito at amo sila. Anong magagawa ko? Ang hirap talaga kapag mahirap. “M-mr. Buenaventura, h-huwag niyo po akong tanggalin. Kailangan na kailangan ko po itong trabahong ito.” Inilingan ako ni Mr. Buenaventura habang nakatingin siya sa akin. “Wala na sa akin ang desisyon, Ms. Loyola. Nasa kay Mr. Zoren Russell na,” sabay lahad niya ng palad niya sa kung saan ang direksyon no'ng manyak na lalake na nagngangalang Zoren. Napabuntonghininga ako bago ko kinagat ng mariin ang aking labi. Saka ako lumingon sa gawi ni Zoren. Pinagtaasan niya agad ako ng kilay. Tuloy ay agad ang aking naging pag irap. “You know what, I can sue you by slapping me so hard last night. Harassment iyon. At pwede ka ngang matanggal dito. Pero dahil mabait naman ako kaya hindi na kita bibigyan pa ng parusa,” aniya. At duda ako doon. Sa ngising aso pa lang na nakaplaster sa mukha niya ay malakas na ang kutob kong may iba siyang nais ipagawa sa akin. “Ipapatanggal kita as receptionist dito sa hotel. But… I want you to be my personal maid.” “Ano?!” agad na naibulalas ako. “Promotion,” kibit-balikat niya. “Mag i-improve ang salary mo.” Pasinghal at sarkastiko akong natawa. “At sa tingin mo makukuha mo ako sa paganyan mo?” “Dwayne…” agad na tawag ni Zoren kay Mr. Buenaventura. “Ms. Loyola…” sabi naman ng amo kong mukhang sunod-sunuran na yata sa board member na ito. “Mr. Buenaventura, ayaw ko po—” “How about 35k a month?” singit ni Zoren. “Excuse me! 30k ang buwanang sahod ko dito tapos limang libo lang ang idadagdag mo? Huwag na lang.” Mabilis na humagalpak ng tawa si Zoren. “Zoren, why can’t you just tell her that you like her,” sabi naman ni Mr. Buenaventura sa matigas na englis. Ano raw? Like? Me? Zoren like me? Tumigil agad si Zoren sa pagtawa at agad na tumayo. Diretso ang titig sa akin. “I don’t like her. I was just amused at gusto ko siyang parusahan sa ginawa niyang pagsampal sa akin kagabi. I have never slapped by anyone before. Kailangan niyang magbayad. So, Ms. Loyola 70k a month, take it or you leave the Bluestone Hotel,” sabi niya at muling sumalampak sa couch. Seventy— 70k a month? Hindi na rin masama. Hinding-hindi talaga masama! Gosh! Sa isang taon ko magkakaroon ako ng… Seventy times twelve… 840k. Malapit na iyon sa isang milyon. “May 13th month pay at bunos ba iyang offer mo?” diretsong tanong ko. Halos magkasabay sila ni Mr. Buenaventura na humagalpak ng tawa. “13th month pay and 100k bunos then,” aniya. Malawak ang naging pagngisi ko. Isang milyon sa isang taon! “Deal!” nakangiting sabi ko. Sarkastiko akong nginitian ni Zoren. “Deal.” “Babae lang pala uubos sa yaman mo,” sabi ni Mr. Buenaventura at agad nang tumayo. “Aalis na ako. Marami pa akong trabaho sa Pubhouse.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD