Kabanata 1 | Namboso

1149 Words
“Ikaw na ba ang midnight snack ko ngayon?” Malalim ang boses na tanong niya sa akin. Nag angat ako ng tingin sa kanya at mabilis na dumapo ang isang palad ko sa kanyang pisngi. Ang bastos niya! Ang bastos bastos niya! “Bastos!” sigaw ko sa kanya saka ako nagmamadaling lumabas at tumakbo palayo sa presidential suite na iyon. Humahangos ako at napahawak pa sa aking dibdib pagkapasok ko sa loob ng elevator. Napakamanyakis! Sinong matinong lalake ang lalabas para sa room service ng nakaganoon lang? Siyempre wala! Walang matinong lalake ang gagawa no’n! Hindi siya matinong lalake! Nagdadabog ako papuntang kitchen at agad na hinanap si Ate Cherry. Putcha! Nawala tuloy iyong antok ko dahil doon. Wala si Ate Cherry sa kusina kaya nagpunta ako sa front desk at doon naglabas ng loob kay Cathy. “Hindi ko alam na may ganoon!” “Edi nakita mo talaga iyong ano ng lalake? Malaki ba?” Agad na kumunot lalo ang noo ko. “Gaga ka talaga!” “Kasimpleng tanong, Mel! Malaki ba? Sa tingin mo, mga ano kayang size?” Humagikhik siya pagkatapos iyon itanong sa akin. Nagbuga ako ng hangin. Kailangan kong sagutin ang tanong niya dahil kapag hindi ay siguradong paulit ulit lang niya akong kukulitin. “Ano na?” Tila nababagot sa sagot kong sabi niya. Nagawa pa niyang hampas-hampasin ng mahina ang countertop. “Hindi ko alam kung anong size, pero mahaba, matambok, at… mamula-mula,” sabi ko at agad na nag iwas ng tingin sa kanya. Agad siyang humalakhak pagkatapos kong sabihin iyon. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay nangamatis na ang pisngi ko sa sobrang pula. “Talagang natitigan niya!” Nagpatuloy si Cathy sa pagtawa. Ako naman ay napapailing iling na lang na tinalikuran siya. “Oy, oy, oy, oy, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!” “Uuwi na. Gusto ko nang matulog. Bye!” Dinaanan ko lang ang mga gamit ko sa locker saka ako nagmadali palabas ng hotel. Paglabas ko ay ang pangmadaling araw na hangin ang agad na sumalubong sa akin. Sinabog nito ang hanggang bewang at natural na wavy kong buhok. Pumara ako ng taxi at agad na nagpahatid sa bahay. Pagkarating ko’y tahimik na at siguradong tulog na si Lumina sa kwarto niya kaya hindi na ako nag abala pang gisingin siya. Nagdiretso ako sa kwarto upang makaligo at makapagpahinga na. Pero habang nakahiga ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nakita kong mahaba kanina. Para iyong larawan na paulit-ulit na nag f-flash sa isipan ko. “Aish! Bakit mo pa ba iniisip iyon, Mel?” sabay gulo ko sa buhok ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng alaga. Madalas ay iyong maliliit na pangbata ang nakikita ko. At ngayong nakakita ako ng pangmalaki ay halos hindi na ako patulugin niyon kakaisip. Napabuga ako ng hangin at saka ako lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina para sa isang basong tubig. Bumalik ako sa kwarto para subukang matulog ulit at mukhang epektibo naman ang ginawa kong pag inom at nakatulog agad ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng agahan namin ni Lumina. Pero pagkarating ko sa kusina ay naroroon na siya at naghahanda na ng almusal naming dalawa. “Ang aga mo naman yatang nagising?” tanong ko sa kanya habang humihikab pa. “Late kang nagising,” aniya. Naupo ako sa upuang nasa harap ng lamesa saka ako muling humikab. “Antok na antok? Alam mo bang alas otso na?” aniya. Inilapag niya sa lamesa ang nilutong piniritong itlog na may sibuyas at kamatis. Natakam pa ako saglit doon bago nagawang i-proseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. “s**t! Ano?” naibulalas ko at agad na napatayo. Nagpigil siya ng tawa at halos mamura ko siya nang pakawalan niya iyon. Pero wala na akong oras para makipagbangayan sa kanya. Kailangan ko nang maligo. Mabilisang ligo ang ginawa ko at saka ako agad na nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Lumina na nakaabang na sa akin sa sala, bitbit ang isang maliit na tupperware na may pagkain sa loob. “Salamat,” sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi at kaagad na akong umalis. Pagkarating sa hotel ay naabutan ko si Cathy na nakabusangot na. “Bakit ang tagal mo?” bungad niya sa akin. “Sorry. Late na kasi ako nakatulog kagabi kaya matagal rin akong nagising.” Inismiran niya ako. “Late ka nakatulog kagabi kasi iniisip mo pa iyong nakita mo. Jusko, Mel! Dalaga ka na talaga! Hindi na virgin ang mga mata mo!” natatawang sabi niya. “Loka-loka ka talaga, Cathy! Punta lang ako ng locker room sandali!” Dahan-dahan siyang napapikit. “Bilisan mo lang, ah?” “Oo na!” “Bilisan mo kasi nandito si Mr. Buenaventura. Pinapatawag ka!” Agad akong natigilan sa akmang pag alis. Oh god! Napaisip agad ako kung anong mga nagawa kong mali para ipatawag ako. “B-bakit daw?” Nagkibit-balikat si Cathy. “Hindi ko alam. Bilisan mo na lang.” Alanganin pa akong umalis at nanatili pa ang mga tingin ko kay Cathy bago ako tuluyang nagtungo sa locker. Habang nagsasalansan ng gamit ay agad akong natigilan nang naalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mga mata ko’t napatakip ako ng bibig. Lagot na! Nasampal ko pala ang guest sa presidential suite kagabi. “Got ya!” agad akong napalingon sa b****a ng locker room nang nakarinig ako roon ng baritono ng isang lalaki. Sandali akong natulala at natigilan nang nakita ang matikas na lalaki na nakasuot ng puting v neck shirt na sobrang hapit sa kanyang katawan. Napataas ang dalawang kilay ko nang napansin ang pagkakabakat ng kanyang abs. Totoo pala talaga ang six-pack abs! Bababa na sana ang tingin ko pero agad kong pinigilan ang aking sarili. Napalunok ako at nagbalik ng tingin sa kanyang mukha. Namamanghang ngisi ang naroroon sa kanyang labi nang datnan ng aking tingin. Nakataas rin ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at saka pinagkrus ang mga braso. “Bumababa talaga ang tingin mo sa tuwing nakikita mo ako no? Am I that hot?” Napasinghap ako. Grabe sa yabang! “Anong ginagawa mo dito? Gusto mong masampal ulit?!” singhal ko. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nagtaas ng dalawang kamay. “Easy! Wala naman akong ginagawa masama sa iyo ah? Ikaw nga 'yong nanampal kahit na ikaw naman 'yong namboso kagabi.” “What?!” Halos maputol ang mga litid ko sa sigaw ko na iyon. “Oh? Bakit? Ako naman talaga 'yong nakitaan mo hindi ba? Tapos ikaw pa iyong nagpasarap sa panonood at ako pa iyong sinampal mo! Ibang klaseng babae!” Ibang klase rin siyang lalaki! Saan niya kinukuha ang kakapalan niya ng mukha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD