Kabanata 16 | Magulo

1103 Words
Hindi ko alam kung paano kong nakatulugan ang pag iinarte ni Zoren. Basta ay nagising na lamang ako na wala na siya sa suite niya at tanging sticky note na lang na nakadikit sa ref ang naabutan ko. Melissa, May conference akong dadaluhan sa Boracay. It's a 1 week conference so... Just see you after one week. You take care here. Napabuga ako ng hangin. Nilukot ko ang sticky note at saka ko itinapon sa trash can na malapit. “Tss... Hindi man lang nagpaalam ng personal.” Kumuha ako sa ref ng gatas at agad na nagsalin sa isang baso. Habang umiinom ay inaliw ko ang mga mata ko sa kabuuan ng suite ni Zoren. Parang bahay niya na talaga ito. Wala ba siyang sariling bahay at bakit dito siya tumitira? Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kong naibaba ang baso na hawak ko. “A-anong...” Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba paalis siya papuntang Boracay? “I forgot something. Gising ka na pala. Good morning.” May tipid na ngiti sa labi at naka-corporate attire na pumasok si Zoren sa suite niya. Sobrang linis at sobrang gwapo tingnan. Napatitig ako sa kanya. Hindi halatang fuckboy. Hmp! Tumango-tango ako kahit pa nakaawang ang bibig at nakatitig pa rin sa kanya. “A-akala ko kanina ka pa nakaalis.” “Have you eaten your breakfast?” tanong niya at may kinuha sa drawer na nasa malapit sa tv. “Hindi pa. Kakain pa lang. Nag breakfast ka na?” Tuwid siyang tumayo at ngumiti na naman ulit sa akin. Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari sa akin? Bakit parang nanghihipnotismo ang mga tingin at ngiti niya? Oh god! Inaantok pa yata ako. “Tapos na akong mag breakfast. I gonna go, Mel. Mag ingat ka dito. I want you safe and in tact pagkabalik ko. Id-date pa kita. 10 dates remember?” aniya. Tumango-tango ako. Oh my god, Melissa! Earth to you! Napayuko ako. Pumikit ng mariin at umiling-iling. Tama na ang paninitig sa kanya! “Hindi nga kasi ako makikipag-date sa 'yo! Ayaw ko nga sa fuckboy!” Unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay. “What if I can change for you? Paano kung maging loyal ako sa 'yo?” Napangisi ako. What if hindi niya kaya? Paano kung hindi niya mapanindigan at titikim pa rin siya ng ibang putahi kahit na andito na ako? Paano kung hindi pa rin siya makuntento. Nalukot ang mukha ko. Bakit ko pa ba iniisip? Walang what if at paano na mangyayari. Hindi ako papatol sa kanya dahil kailanman hindi na siya magbabago. Just like playboys, once a fuckboy always a fuckboy and will always give a f**k. “I will never be your fuckbuddy, Zoren. Kaya huwag mo na akong pag aksayahan ng panahon.” Ngumuso siya at napatingin sandali sa suot niyang mamahaling relo bago muling nag angat ng tingin sa akin. “I'm gonna be late so... Let's talk about this when I'm back. Don't worry I will take care of myself. Uuwi akong buo sa 'yo at ikaw pa rin ang gusto,” sabay kindat niya sa akin. “Don't worry, hindi ako mag aalala sa 'yo. Ingat sila sa 'yo,” sarkastiko ang boses na tugon ko. Ngumuso siya. “Wala man lang bang pabaon na kiss?” Umiling ako. “Wala... Kahit kailan.” He just chuckled. “I'll be missing you, Mel,” aniya at tuluyan nang lumabas ng suite. Doon lang yata ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan niyang naisarado ang pintuan. Muli kong ininom ang gatas ko at inisang lagok 'yon. Hiningal ako pagkatapos. Lecheng Zoren 'yon ah? Anong ginawa niya sa akin at bakit parang ang tingin ko sa kanya'y malayong-malayo siya sa Zoren na alam ko? At bakit parang extra sweet siya? May pa-I'll be missing you, I'll be missing you pa siyang nalalaman. “Aminin mo, nagugustuhan mo na no?” Agad kong inirapan si Cathy at saka ko siya inilangan. Pinagtawanan niya lang ako. Ikinwento ko sa kanya ang mga naging akto sa akin ni Zoren kaninang umaga at aba'y ako pa ngayon ang pinagdududahan niyang may feelings sa fuckboy na 'yon. “Hindi nga kasi. Nagulat lang siguro ako at napakapormal niyang tingnan. Parang walang kabulastugang ginagawa.” “Alam mo kasi, Mel... He's a business tycoon. He may be a fuckboy pero hayop 'yon sa business kapag nag seryoso. Malay mo naman, seryosohin ka rin niya na parang business. Naku! Patulan mo na 'yan, girl.” “Paano kong papatulan kung hindi ko nga gusto?” “Ang importante gusto ka niya. Magugustuhan mo rin siya ng paunti-unti kaya ibigay mo na 'yong hinihiling niyang 10 dates. Wala namang masama sa pagbibigay ng chance, Mel! Ikaw talaga! Kaya ka single, e. Kasi hindi ka marunong magbigay ng chance!” Merong masama sa pagbibigay ng chance. Iyon 'yong ikaw ang naiiwan sa ere at nasasaktan sa huli. Paano kung laro lang pala ang lahat? Paano kung magpapadala ako sa matatamis niyang salita at mauuwi sa pait ang buhay ko? Inaasikaso ko pa si mama. Kailangan niya ako kaya hindi ako pwedeng magkaroon ng mga bagay na makakapagpawala sa focus ko sa kanya. Kaya huwag na lang! “Marami akong priorities sa buhay. Ayaw ko nang magdagdag.” “What's holding you back to being happy, Mel? Ayan na nga ang oportunidad na maging masaya, inaayawan mo pa.” Umiling ako. “I can't risk it. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na hindi ako sigurado.” Ngumuso si Cathy sa naging sagot ko. “Hindi ka talaga marunong tumanggap ng suggestion no? Napakatigas talaga ng ulo mo! Bahala ka nga sa buhay mo. Basta ako masaya sa buhay may asawa,” sabay ngiti niya ng matamis. Napangiti na lamang din ako habang nakatingin kay Cathy. Gusto ko rin ng buhay na mayroon siya. Kita ko kung gaano siya kasaya sa buhay niya. May asawa at may anak siyang inuuwian. May pamilyang nagpapasaya't nagpapasigla sa kanya sa tuwing umuuwi siyang pagod. Minsan naiinggit ako sa buhay ng iba. Nakikita ko kasing parang mas sinwerte sila sa mga buhay nila. Habang ako'y ito at tila na-stuck na dahil kay mama. Pero kailanman hindi ako nagreklamo. Nainggit man ako, pero hindi ako nagreklamo. Mahal ko si mama at siya na lang ang natitira kong pamilya. Kaya hangga't kaya ko'y lahat gagawin ko para sa kanya. Kahit pa ang makasama sa iisang bubong si Zoren na nagpapagulo ngayon sa isip ko. Sana lang huwag umabot sa point na pati puso ko magulo dahil sa kanya. Dahil kapag nagkataon... Magugulo talaga ang buong buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD