April 2006
Daine, Daine. tok.. tok.. tok.. tok.. sabi ni Ate Gema sa katabing pinto ng tinutuluyan naming kwarto. Anong nangyayari dyan? Buksan mo yung pinto.
Daine, Anthony, buksan nyo ang pinto. Maawtoridad na sigaw ni Kuya Gary na may-ari ng bahay.
Nagmamdali kong binuksan ang kwarto kasi kung hinde, baka matuluyan na ko sa bugbog na inabot ko.
Oh my gosh, Daine. Anong ginawa mong hudas ka, bulyaw ni Ate Gema kay Anthony.
Ang herodes, akala mong matinong tupa na nakatungo lang at tahimik.
Maya maya ay nagdatingan na ang taga baranggay na syang tinawag ni Nilo, ang bading na nakatira sa kabila pang kwarto. Dati ko syang room mate pero bumukod mula ng mgsama sila ng jowa nya.
Mister, ano naman ang pumasok sa isip mo at ginawa mo ito sa asawa mo? Ikaw na nga itong hinde nakakatulong eh nambubugbog ka pa. Halika sa baranggay, dun tayo mag-usap.
Hinde ako sasama sa inyo. Wala kayong karapatang manghimasok sa buhay namin. Matapang na sagot ni Anthony.
Ah ganon ha, sabay isang malakas na suntok ang inabot nya. Tapos nuon ay mabilis nang tumakbo si Anthony palayo.
Habulin nyo, sabi ni Kap sa mga tanod.
Hayaan nyo na po sya at sigurado po akong hinde na babalik yon. Mas mainam na din po yon. Pasensya na po kayo sa abala.
Halika nga rito, sabi ni Ate Gema habang umiiyak na yumakap sakin.
Ok lng ako ate. Sige po magpahinga na po tayo.
Iha, magpunta ka sa baranggay ha at magsampa ka ng kaso, sabi ni Kap. Kaganda mong bata eh, sinasayang mo ang buhay mo sa walang kwentang tao. Mauuna na kami.
Sige po, pasensya na po ulti sa abala.
Si Kuya Gary naman ay iiling -iling nalang na umalis.
Bakla, anu beh, bakit naman pumayag kang maging punching bag. Sasamahan kita magpatingin bukas.
Naku, wala akong budget eh, wag na lang. Tsaka may pasok ako bukas eh.
Eh my pera pa naman ako. Pahiramin kita patingnan natin ng magamot yan. Paano ka papasok sa dami ng pasa mo?
Ok lng ako bakla, itutulog ko na lang muna.
Hala sige, tara na Nilo at ng makapagpahinga siya, singit ni Ate Gema.
O sige aalis na kami, magpahinga ka na. Sayang ang ganda mo, wag ka ng papayag pabugbog ha. Magtawag ka kaagad ng resbak.
Salamat, salamat sa inyo.
Hinde ko alam, paano ako nakatulog ng gabing iyon. Ni di ko na makuhang umiyak kasi pakiramdam ko pagod na ako. Pagod na pagod sa pag-iintindi at pagpapasensya sa kanya.
Babaero, sugarol, manginginom, baka nga nagdadrugs pa. Hinde ko naman nasusubaybayan ang araw-araw nyang ginagawa lalo na ng mga panahong my trabaho sya. Basta lang uuwi kung kelan gusto, o di kaya magigising ako sa kalagitnaan ng gabi na wala sya sa tabi ko at minsan kinabukasan na nauuwi.
Minsan nag-iisip ako kung masama ba akong tao para maranasan ang ganito sa edad ko. Kahit na 25 na ako para sakin bata pa din yun.
Pero kailangan ko magpakatatag para sa akin anak na si Martin, 4 years old. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanya lalo at lumaki sya sa puder ng aking mga magulang dahil kailangan ko magtrabaho pra sa kinabukasan nya lalo pa at my ama syang napakairesponsable.
Hinde ko tuloy maiwasang magbalik tanaw sa araw na nakilala ko sya, parang gusto ko ng magsisi at sana'y hinde ko nalang sya inentertain. Madami naman akong manliligaw kahit mataba ako, actually, mas akma ang salitang chubby. Likas na cute, singkit na maputi, wavy ang natural hair, walang tyan kahit chubby at madaming nagsasabing maganda ako. Ligawin.