May 2000, Sunday afternoon...
Paluwas ako sa Sta Mesa dahil nag-aaral ako sa PUP Polytechnic University of the Philippines. 3rd year college na ako nuon sa kursong Bachelor of Banking and Finance. Nangarap kami ng mga friends ko maging schoolmate at housemate pero ako lang ang nakapasa kaya mag-isa ako, sayang kasi kung hinde ako tutuloy.
Sumukay ako ng Sierra Madre Bus pa Monumento at di ko alintana ang pagsakay ng isang lalaki sa tabi ko, hilig ko kasi ang sumakay sa unahan ng bus. At dahil ngtalo kami ng daddy ko, malalim ang iniisip ko, nakashades ako para maitago ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak. Di ko akalain sya pala ang magiging tadhana ko.
Hi, malumanay na sabi ng lalaking tumabi sa akin sa bus pero hinde ko makuhang humarap dahil hinde ako sure kung ako ba ang kinakausap nya,
Hi miss, heto ang panyo oh.
Marahan kong syang tiningnan, pero hinde ko tinanggap yung panyong iniaabot nya at tahimik lang na nagpunas ng aking luha.
Okey lang ako, thank you. Mahinang sabi ko.
Napansin ko kasing malungkot ka. Ako nga pala si Anthony.Daine, sabi ko sabay abot ng kamay nya. Napatitig ako kasi napagtanto kong gwapo sya, may dimple at kamukha ni Cogie Domingo, isang lumang artista na hinde ko na napapanuod sa TV ngayon.
Hi, Daine, saan ba ang punta mo?Ah sa Monumento pa Sta. Mesa.Ako naman pa Pasig.Eh bakit dito ka nasakay eh mas mapapalapit ka kung nag Cubao ka.Mas mabilis kasi ang byahe rito.
Ah ganun ba.... tapos nun ay di na ako kumibo kasi naman hinde ko na alam ang sasabihin ko hanggang sya na ulit ang nagtatanong. Magaan syang kausap at kwela kaya siguro napalagay ang loob ko.
Daine, nag-aaral ka ba o ngwowork? Mga ilang taon ka na ba?I'm 17, nag-aaral ako ng 3rd year college sa PUP.Ako naman technician ng cellphone sa Greenhills.Ah ganun ba.May cellphone ka ba? Kasi para naman magkumustahan tayo.Naku wala eh.Ah sige isusulat ko yung cellphone number ko dito sa ticket, text mo ako ha.Okey pag meron akong nahiram sa classmates.
Ito ang panahong 3110 palang ang usong cellphone o kaya yung motorola na pangkaskas ng yelo at namatay na yung taong isesave mo bago ka makahingi ng tulong sa dami ng instruction bago mo maiconnect ang call.
Camachile, Camachile, maghanda na yung bababa ng Camachile. Sigaw ng kundoktor ng bus.
Pagliko ng bus dyan bababa na ko sa may Bagong Baryo, Mag-iingat ka ha. Itext mo ko.Sige, ingat ka dn. Sinabayan ko pa ng ngiting pagkatamis tamis, dagdag points ang puti ng teeth ko.
Makalipas ang ilang araw ay hiniram ko ang cellphone ni Khaye, lunch break, papunta kami sa canteen sa loob ng campus.
Khaye, pahiram ako, patxt lng ng isa.Sure.
Text ( Hi, Kamusta ka, si Daine ito, remember me?)
Kring... kring...kring...
Daine, ito yata yung tinext mo.Ay sya nga.... Excited kong sinagot ang phone. Helllloo, nauutal kong sabi,
Hi, si Anthony ito, pwede ba kay Daine?Ako to si Daine, pero hiniram ko lang yung cp na to sa frend ko, Napatawag ka?Wala lang namiss lang kita. Pede ba tayo magmeet?Meet kaagad?Oo, di ba malapit ka sa SM Centerpoint sa Sta. Mesa? Oo, isang sakay from Stop and Shop.Okey, let's meet on Saturday, mga 3:00 PM.Ay di ako pwede kasi umuuwi ako weekly sa amin.Ah, kelan ka pwede? makulit nyang tanong.
Bukas wala akong pasok.Sige bukas, Wednesday nalang mga 3:00 PM.Eh teka, hinde ako sure kasi wala akong cellphone baka hinde kita makita.Basta hintayin mo ako sa Jollibee sa harap 3:00 PM bukas, darating ako.Okey...
Hinde ako nakatulog sa excitement magdamag, first time ko kasi makipag EB (eyebol/date).