Nakatingin si Erina sa tapat ng isang mataas na gusali na may pangalan, Calixto Industries and Distillery. Nandito na siya bago mag-alas siete at hinihintay nalang si Anabeth na dumating. Dito sila pinapunta ni Reigner para bigyan ng trabaho. Hanggang ngayon ay nahihiya pa din siya sa kaibigan sa mga tulong na ginagawa nito. Napansin niya ang nga taong pumapasok sa loob, madami nga ang nagtatrabaho dito. Natatakot tuloy siya na makagawa ng mali since she was hired by the owner.
"Erin! Let's go!" tawag sa kaniya ni Anabeth na nagmamadaling ipasok sa bag ang hawak na suklay. Pagpasok nila sa entrance, hiningan sila pareho ng ID for identification at bago ay itinuro sila sa opisina ni Catherine Newman, ang supervisor ng production.
"Kinakabahan ako, Ana. Baka magkamali tayo." wika ni Erina habang patungo sila sa
opisina.
"Gaga ka, bakit kasi iniisip mo yon. Ang isipin mo, paano mo mapapanalo ang puso ni Sir Reigner." nakangiti ito at tila nang aasar.
Huminto sila sa isnag silid, kumatok muna sila bago buksan ang pinto. Pagbukas nito, she saw Reigner talking to Catherine.
Nakita niya ang isang babae na suot ay formal, may hawak itong folder at tingin niya nasa forties na ang babae. Medyo pinkish ang labi nito at hanggang balikat lang ang buhok. Nakangiti siya nang makita ang dalawang babae.
"That's them." wika pa ni Reigner at saka hinila ang nakasabit na coat sa upuan. Hindi maiwasan mapatitig ni Erina sa binata. Bagay na bagay dito ang suot na puting long sleeves at tigh fitting jeans. His masculinity show it all, broad shoulders,perfect jawline and his soft lips. She cant deny that this man was the same boy she was inloved before.
"This is Catherine, our supervisor and also handles all the newbies." pagpapakilala ni Reigner sa kasama niyang babae. Nakangiti itong inabot ang kamay ng dalawang dalaga.
"Looking forward to meet the both of you. This is the first time, Sir Lexus personally hired some people." aniya at ibinigay dito ang dalawang pares ng uniporme. Parang nagulat si Erina sa narinig. Lexus? That was his second name. Hindi pala siya tinatawag na Reigner dito?
Matapos na mag usap ng dalawa ay sumama sila kay Catherine patungo sa production. Kailangan nila i-familiarize ang mga sarili sa kung ano ang daily routine ng magiging trabaho nila. Nawala sa paningin ni Erina si Reigner siguro ay dahil bumalik na ito sa opisina niya. Gusto pa naman sana niya itong kausapin.
"Alam niyo ba na ito ang unang beses na pumunta dito si Sir Lexus after he came back from Italy?" nagkatinginan sina Anabeth.
"Po?" nagtataka si Erina.
"Hindi siya madalas nagiistay sa trabaho. He usually go somewhere. Kaya natutuwa ako dahil nagpunta siya dito and even hired some people." nakangiti si Catherine habang nagkukwento.
"Oo nga po, hehe." sarkatisko tunog ni Anabeth at siniko niya ang kaibigan.
"You," nagulat si Erina nang lingunin siya ni Catherine. "Nagkita na ba tayo noon? Parang nakita na kasi kita, hindi ko matandaan kung saan.."
"Hindi pa po siguro, ngayon ko lang po kayo nakita.." aniya Erina at tumingin kay Anabeth.
"Siguro nga, ang dami kasing trabahador dito. Hindi ako masiyadong matandain sa mukha."
Dinala sila ni Catherine sa production area, doon ay tinuruan sila kung paano ang paggawa ng alak. Namangha ang dalawa dahil may mga bago silang natutunan.
"As for now, your station will be here." sabi ni Catherine at nilapag ang gamit nito sa ibabaw ng mesa. Habang si Anabeth ay ilalagay sa fermentation. Kaharap ni Erina ang isang malaking wine processor na halos kasing tangkad ng tatlong tao.
Umalis si Catherine at iniwan panandalian si Erina para samahan ang kaibigan niya sa istasyon nito. Binuksan ng dalaga ang isang booklet na ibinigay sa kaniya , nandoon ang ilan procedures na pwede niya pag-aralan.
"Hi, bago ka dito ah?" nagulat siya nang lumapit ang isang lalake sa kaniya, naka asul itong polo shirt at nakasumbrero. May ID ito na naksabit sa pantalon.
"Um, oo training palang ako." matipid niyang sagot.
"I'm Theo, incharge sa mga machines at electrical dito." pagpapakilala at nakipag shakehands sa dalaga.
"Erina, Erin nalang." aniya at binalik ang sarili sa pagbabasa.
"Kung ako sayo hindi ko babasahin yan. Let me teach you how to operate that machine, mas madali kapag makikita mo ng actual." pagpresinta nito. Pakiramdam naman niya ay mabait si Theo, kaya okay lang na nagpaturo siya, mas mabilis siya matututo.
"Kunin mo yan mga prutas diyan sa basket sa gilid mo, may mga nakaseparate na diyan ready for mashing." sabi nito sa kaniya at sumunod siya agad.
***
Nakatitig si Reigner sa lalakeng kausap ni Erina, pinapanood niya ang dalawa mula sa opisina niya na abot tanaw lang ang buong production, he choose to put Erina in the production so he could easily check on her everytime.
"So that's her.." wika ni Lloyd na siyang nakasilip din sa bintana ng opisina ni Reigner.
"Who is that guy?" parang inis siya dahil nakikita niyang nakangiti si Erina habang kausap ito.
"I think one of your machine mechanic. Wag mo sabihin papaligpit mo sa akin yan!"
"I just dont like the way he talks to Erin."
Natawa si Lloyd. So his friend knows how to get jealous.
"Bakit hindi mo nalang sabihin kay Erin, na gusto mo siya, para hindi kana nagseselos diyan." pabiro niyang sinabi. Tumalikod si Reigner.
"Its too much for her, hayaan ko muna siyang iproseso ang lahat. Maybe soon I tell her what I want." sabi pa nito bago kumuha ng isang bagong prosesong alak sa loob ng isang cabinet.
"Is she one of your? Or not?" matalim siyang tinitigan ni Reigner matapos marinig sa kaniya yon. Natahimik siya at parang sinasaksak na siya ng kaibigan sa dibdib sa sama ng tingin nito sa kaniya. "Hehe. Nagbibiro lang ako. Parang di ka mabiro.."
"She is not one of them. She's different." matigas na binitawan ng binata. Nagsalin siya ng alak sa isang martini glass. Tumambad ang mapulang kulay ng alak na humahalimuyak sa buong silid.
"So, you plan to have a proper relationship with her?"
"Oo. Erin is family to me. And I loved her, its just, that I don't know how to make her feel that way." naguguluhan sinabi nito.
"Lexus, its fifteen years right? Kung ikaw hindi nakalimot sa feelings mo sa kaniya, how about her?" Napailing ang binata.
"That's why I told her to rely on me. She needs to be dependable. I want her to feel she needs me." nangiti si Lloyd at tinapik ang balikat ng kaibigan.
Alam niya kung paano mag-isip ang kaibigan. Reigner has a habit to make people feel they need him. He's kinda possessive and obsessive on one person. And that's Erina.
"You will stay here,right? Aalis muna ako. Puntahan ko lang yon farm." paalam ni Lloyd bago buksan ang pinto.
"Yes, please." hindi maiwasan matawa ng binata sa nakikita. Usually Reigner wont stay on a same spot everyday. Mainipin ito. But with Erina, he will do it. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit lagi itong nakabantay sa jewelry store kung saan pumapasok noon ang dalaga.
***
Sumapit ang alas-dose at niligpit ni Erina ang lahat ng ginagawa. Aayain niya na si Anabeth na kumain sa canteen.
"Sabay na kayo sa akin, ni Anabeth!" nagulat siya nang kunin ni Theo ang dala niyang lunch bag.
"Ha! Wala ka bang kasabay na iba?" nakatawa ito habang pailing-iling. Bumuntong hininga ang dalaga. Hinila siya nito patungo sa pwesto ni Anabeth.
Nagtungo sila sa canteen kung saan madalas kumain ang mga empleyado. Nakita din nila si Catherine na kumakain. Naiisip tuloy niya si Reigner kung kumain na ba to, at kung nandito pa ba siya. Natatandaan niya ay hindi ito nag iistay sa iisang lugar.
"Anong ulam mo? Penge ako!" tinuhog agad ni Theo ang isang hotdog na ulam niya. Nagulat siya at halos mapatayo.
"Hoy! Akin yan eh!" halos pasigaw siya at tawang tawa naman sina Anabeth sa reaksyon niya.
"Kuha kana lang sa ulam ko, para di kana umiyak diyan." pabiro ni Theo habang nakasimangot na ang dalaga.
May isang oras ang break time nila. Nakatambay lang sila sa canteen habang may ibang kausap si Theo at si Anabeth ay umiinom naman ng fruit juice. Nakaramdam ng lamig si Erina kaya naisipan niyang magbanyo.
"Mag cr lang, Ana. Babalik ako kaagad." paalam niya sa kaibigan at nagtatakbo siya sa malapit na comfort room.
Pagdating niya ay punuan ang comfort room sa labas ng canteen kaya nagtungo siya sa susunod na comfort room malapit sa hagdan ng second floor. Wala kasi masiyado gumagamit non dahil medyo malayo ito sa canteen. Pagpasok niya sa loob ay wala ngang halos tao, kaya naka-ihi siya agad at nakapaghilamos.
"Ang laki ng CR dito parang sa mall." wika niya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Naghuhugas siya ng kamay at napansin ang mahabang galos dito. Nasugat siya kanina sa machine dahil sa maling paghawak niya ng masher. Mababaw lang ang gasgas kaya hinugasan nalang niya ito. Kumuha siya ng band aid sa bulsa at tinakpan ang sugat.
Nagpagpag siya ng pantalon bago lumabas ng comfort room.
"Ah!" napasigaw siya nang makita si Reigner na nakatayo sa labas ng CR. Muntikan siya atakihin sa puso sa bigla bigla nitong pagsulpot.
"Kumain kana ba?" tanong nito agad sa kaniya at mabilis lang siyang umoo.
"Oo, ikaw ba kumain na Sir Lexus?" kaswal ngunit may paggalang siya dito.
"Don't call me that. Just the usual, Erin." aniya ng binata at bahagyang lumapit sa dalaga. Napaatras ng konti si Erina at halos mapasandal siya sa pader. Natatakot siyang makita sila ng ibang empleyado at kung ano ang isipin.
"Ikaw ang Boss dito, kaya dapat tawagin kita ng tulad sa ginagawa nila. Nakakahiya kapag nalaman ng iba na hindi man lang kita ginagalang." she heard him click its tongue.
"If its you, its okay. Kaya wag ka ng—" napatigil si Reigner nang mapansin ang band aid sa kanan palad ng dalaga.
"What happened there?" kinuha niya agad ang kamay nito.
"Nasugat lang. Mababaw lang yan, malayo sa bituka." nakatawa pa siya habang sinasabi iyon. Napaawang ang labi niya nang tanggalin ni Reigner ang bad aid sa kamay niya.
"You need to be careful, Erin.." malamig pero nanunusok ang tinig nito. Nanlaki ang nga mata niya ng maramdaman ang labi nito sa kamay niya, he kissed her hand slowly, licking her wound. Halos mapapikit si Erina sa ginawa nito. Damang dama niya ang malambot na labi nito at paggapang ng dila nito sa sugat niya. She felt a little pain.
"Treat this wound in the clinic. Huwag basta huhugasan lang." utos sa kaniya ni Reigner pero hindi niya yon gagawin dahil hinalikan niya ang kamay nito.
Naghiwalay silang dalawa bago makarating na muli ng canteen. Kanina pa siya nagpipigil ng emosyon.
Reigner just licked her hand. Hindi iyon makatarungan dahil wala man lang siyang ginawa. She was stunned.
Does he do that to others? Licking their hands kapag may sugat? Kung sa kaniya lang ito ginawa parang gusto nalang niya magkasugat sa kahit saan parte ng katawan niya.
Medyo bastos pero okay lang if its Reigner.
"Hoy! Tapos na breaktime natin! Kanina ka pa diyan!" sigaw sa kaniya ni Anabeth.
Nagtatakbo siya habang kasabay niya sina Theo sa paglalakad. Hawak niya ang kamay na may galos. Wala siyang ibang pagsasabihan nito kahit kay Anabeth. She wants to keep it a secret.
Kilala niya ang kaibigan, aasarin lang siya nito. At hindi niya iyon hahayaan lalo na at ang mga ganitong bagay eh bago lang sa kaniya.
***