"Anabeth!!" sigaw agad ni Erina, nang makapasok sa loob ng shop ang kaibigan. Nagtataka tuloy ang dalaga dahil parang kanina pa kating-kati si Erina na makita siya. Binaba niya saglit ang dalang bag bago lumapit sa kaibigan.
"Ang aga mo ma excite! Ano ba yon?" nilapitan siya agad ni Erina.
"Nagkita kami ni Reigner kagabi!" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Parang kahapon lang ay nagkukwentuhan pa sila tungkol dito and then they met already.
"Totoo ba! Sure ka? Siya yon!"
"Oo.Sabi niya papasiyal daw siya dito sa work ko. Para makilala mo din siya in person!" nakaramdam ng excitement si Anabeth.
"Hiningi mo ba social media account niya?"
"Ha? Um, hindi." sagot ng nagtataka na si Erina. Napasampal sa noo niya si Anabeth. Kahit kailan talaga slow ang kaibigan niya.
"Magkausap na kayo kahapon, hindi mo pa hiningi,edi sana nagkakausap na din kayo sa messenger."
Napaismid si Erina. "Kailangan ba talaga? Sabi niya pupunta naman daw siya dito."
"Ikaw talaga, magtetrenta kana pero ang slow mo pa din. Pagkakataon mo na yon girl para sabihin sa kaniya yon feelings mo." biglang namula si Erina. Wala kasi siyang balak pa sabihin kay Reigner ang naudlot niyang feelings dito. Isa pa, sa itsura ng binata ay hindi siya ang tipo nitong babae.
"Okay na ako na magkaibigan kami. Ang mahalaga nagkita na kami." sabi pa niya bago kunin ang tasa at magtimpla ng kape.
"Still, umaasa ako na siya ang kukuha ng virginity mo.." halos mabulunan si Erina habang umiinom. At sabay hinampas ang kaibigan na tumatawa.
Biglang bumukas ang pinto ng shop , napatingin tuloy ang dalawang dalaga na abala sa pagkukulitan.
"Hello!" natulala si Anabeth nang makita si Reigner. She was looking to a total celebrity. Siniko siya ni Erina para magising at batiin din ang binata.
"H-Hello din po. I'm Anabeth, kaibigan ni Erin." nahihiya pa siyang abutin ang kamay ng binata.
"Dito ka pala talaga nagtatrabaho, Erin. Nice place.." aniya habang palingon lingon sa paligid. Napansin ng binata ang dalang tasa ni Erina.
"Did you eat breakfast?" nagkatinginan ang dalawa. At sabay na umiling. Natawa ang binata.
"I'll buy something first. Babalik ako." sabi pa nito bago muling lumabas. Pagkaalis ni Reigner ay kinurot agad ni Anabeth sa tagiliran ang kaibigan.
"Aray! Bakit!" inis niyang tanong dito.
"Hindi mo agad sinabi na ganun kagwapo yon kaibigan mo! Hindi man lang ako nakapag retouch!" natawa si Erina. Napailing nalang siya at kinuha ang susi ng pinto para sana isarado pero bigla nalang ito bumukas na muli.
"Sir, hindi pa po kami open." pataray na sinabi ni Anabeth sa lalakeng naka hoody at nakabulsa ang mga kamay sa suot na pantalon.
"Ibigay niyo sa akin yan nga alahas na yan!" nagulat ang dalawang dalagita nang ilabas ng lalake ang dalang kalibre na siyang inilabas sa bulsa niya. Tinutok niya agad ito sa dalawang dalaga na hindi agad makagalaw.
"Kung ayaw niyong pumutok yan mga ulo niyo sundin niyo yon gusto ko." mariin sinabi nito at sabay itinuro ang mga alahas na nasa loob ng istante. Tumingin si Anabeth kay Erina na hindi gumagalaw at sabay itinuro ang mga susi.
"BUKSAN MO!" galit nitong sigaw at halos hindi magkanda uga uga si Erina na buksan ang mga istante. Nakatutok sa kaniya ang baril, at halos manlamig ang mga kamay niya. Pilit niya itong pinagmamasdan, nakatakip kasi ang mukha nito.
Ito kaya yon umaaligid sa shop na madalas niya makita sa umaga?
Kinuha niya ang ilan box ng alahas at inilabas ito para kunin ng estranghero. Nakataas ang mga kamay niya at pinagmamasdan lang niyang isilid nito ang mga alahas sa bagpack na dala. Pag angat ng mga mata niya napansin niya ang lalakeng nakatayo sa likuran nito.
Its Reigner. Gusto sana niyang magsalita pero sumenyas ito na huwag gagawa ng ingay. Umiling siya ng dahan dahan dahil baka mapano ang kaibigan sa gagawin nitong hakbang.
"Hoy! Ayon pa akin na yon!" itinuro niya ang nag iisang 18K na Diamond Ring na nakadisplay. Pag turo niya dito ay napansin niya ang matangkad na lalake sa likod niya nagrereflect sa salamin.
"Anong!" paglingon niya ay naramdaman niya ang matalim na bagay sa leeg niya. Nakahawak naman ang isa nitong kamay sa balikat niya.
"Make a move and I'll tear down your neck.." aniya Reigner at dahan dahan kinuha ang baril nito sa kanan kamay. Saka ibinulsa sa likod niya.
Nakita niya ang maputlang si Erina na nakatayo sa harapan niya at nanatiling nakataas ang kamay .
He is late again..
"Gago ka!" nagulat siya ng ambahin siya ng lalake ng suntok na muntikan ng lumapag sa pisngi niya pero agad siyang nakailag. Natawa siya. Mabilis niyang binawian ng suntok ang lalake at bumulagta agad ito sa sahig. Hinawakan niya ang kwelyo ng damit nito at doon at pinagsusuntok ito ng sunod sunod. Nangiti siya habang ginagawa ito.
Gusto niya ang pakiramdam kapag may nasasaktan siya lalo at ang kagustuhan makapatay tulad ng ginagawa niya ngayon sa lalakeng ito.
"Tama na po Sir! Baka mapatay niyo na!" narinig niyang sigaw ni Anabeth nang di niya mamalayan halos hindi na makilala ang mukha ng lalake dahil sa pagligo nito sa sariling dugo.
May mga pumasok na kalalakihan sa loob ng shop na animo mga tauhan niya. Isang lalake na kulay brown ang buhok ang lumapit kay Reigner at inabutan siya ng panyo.
"We call out the police Sir. Padating na po sila." sabi nito at agad tumayo si Reigner saka ipinunas sa panyo ang duguan kamay.
"Clean this mess." mariin niyang sinabi at agad sumunod ang mga tauhan niya. Nilapitan niya si Erina na nanatili sa kinatatayuan. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. She was trembling.
"Anabeth, please take her to hospital. Make sure you check yourself too. She's in a shock. Mga tauhan ko na ang bahala dito. " utos niya sa dalaga at agad nilang inilabas si Erina.
Sa labas naman ng shop ay napakaraming tao na nag uusisa sa nangyaring nakawan.
Dumating ang isang ambulansiya na tinawagan ng tauhan niya. Doon ay sumakay ang dalawang dalaga.
"Jeston, hanapin mo nga ang may-ari ng jewelry store na to? Ask him why he doesn't provide any security. Kapag pumalag, close this down. Hindi ko na hahayaan bumalik pa dito si Erin. Maliwanag ba?" galit niyang sinabi sa kanan kamay na si Jeston. Tumango lang ito at mabilis na sumakay sa dalang BMW. Pinagmasdan ni Reigner ang kamao na may konting gasgas sa mga daliri nito.
This is nothing, compared to what he'd done. Marami nang dumaan sa mga kamao niya, at balewala sa kaniya iyon.
Sinundo siya ng driver niya para sundan ang ambulansiya na nagdala sa dalawang dalaga.
***
Nakatingin lang si Erina sa labas ng consultation room. Wala naman siyang natamong sugat, tanging takot ang naramdaman niya sa nangyari. Kung hindi dumating si Reigner eh baka bangkay na sila ngayon ni Anabeth.
Isa pa, hindi siya makapaniwala na walang takot ang kaibigan niya na harapin ang magnanakaw na yon.
"Okay kana?" inabutan siya ni Anabeth ng bottled water. Tumango lang siya.
"Oo, ano kaya mangyayari sa atin? Tinawagan na kaya si Sir Joseph? Baka mawalan tayong trabaho. " nag-aalalang sinabi ni Erina.
"Aba, kasalanan naman niya yon. Wala siyang nilalagay na guard don alam naman niya bilihan tayo ng alahas."
Tumango lang ulit si Erina at binuksan ang bote ng tubig.
"Alam mo, di ko akalain ganun si Sir Reigner. Grabe talagang papatayin niya yon lalake kanina. Durog na durog ang mukha."
Nakita iyon ni Erina at hindi mawala sa isip niya ang ginawa ni Reigner. She knows her friend, hindi mapanakit ang binata. Binago kaya siya ng pagtira niya sa Italya?
Kinikilabutan siya habang nakikita itong nakangiti at panay sa pagsuntok sa magnanakaw na para bang gusto niya itong ginagawa.
"Erin.." nagulat siya nang lapitan siya ng binata. Hinawakan siya agad nito sa balikat at mariin niyakap. "Hindi kana babalik sa trabaho na yon, it will risk your life."
Bumitaw agad si Erina nang marinig ang sinabi nito. "Ha? Bakit? Tinanggal ba kami?"
Umiling si Reigner. "That business doesn't have any permit to operate. Kaya wala kayong guard don. And any benefits from your salary. " nagkatinginan ang dalawang babae. Tama, wala kasi sa kanilang inoffer na benefits at maliit din ang sahod nila doon.
"Paano na tayo niyan, Erin. Hindi pa naman pwede na wala akong trabaho." pareho lang sila ni Anabeth, kailangan din niya agad ng trabaho.
"I can offer a job for the both you. I have a distellary business. Pwede kayo don, you are safe there Erin." napatingin ang dalaga sa mga mata ng kaibigan. She felt his sincerity.
"You can even start tomorrow. I will tell it to Catherine, she's the supervisor."
"Um, hindi ba kami maging pabigat, Reigner? I mean, bibigyan mo kami ng trabaho wala kaming experience sa ganun." aniya Erina at tumingin kay Anabeth.
"They'll train you and Anabeth. You will have the benefits you deserve." patuloy pa ng binata. Tumango lang si Erin.
Lahat ng gastos sa pagpapacheck up nila ni Anabeth ay sinalo ni Reigner. Pagkaraan ay nagpresinta ang binata na ihatid sila sa kani kanilang bahay. Tahimik si Erin sa byahe hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa kanto kung saan siya binaba.
"Kaya mo na ba dito? Ayaw mo bang ihatid kita mismo sa bahay mo?" may pag-aalala pa din sa tono ni Reigner.
"Okay na ako, salamat." bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla pa siyang pigilan ng binata. "B-Bakit?"
"Is something bothering you?"
Bumuntong hininga si Erina. At napahawak siya sa batok niya.
"Natakot kasi ako kanina, paano kung nabaril ka non magnanakaw? Hindi ko alam ang gagawin ko Reigner. Ngayon lang tayo ulit nagkita tapos nadawit pa kita sa ganun aksidente." she said with guilt.
"I'm okay. You don't have to worry. Isipin mo ang sarili mo. " aniya at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga. Malamig ito dahil sa lakas ng aircon ng sasakyan.
"I told you, let me stay here. Hayaan mo akong tulungan ka, makabawi ako sayo. For that fifteen years."
Hindi makagalaw si Erina sa lapit ng mga mukha nilang dalawa. She's never been this nervous around men. Parang lalabas nasa dibdib niya ang puso niya.
"Um, oo. Salamat Reigner.." aniya at inilihis ang mga mata mula sa pagtitig ng binata sa kaniya. Binuksan niya ang pinto, at mabilis na lumabas ng sasakyan. Dire diretso siya sa paglalakad at hindi lumingon pabalik sa kotse ni Reigner.
She keeps her posture. Gusto niyang tumili at magtatalon pero magmumukha lang siyang tanga. Gagawin nalang niya ito pag uwi niya ng bahay.
***
Naglalakad si Reigner patungo sa isang maze garden na pag-aari din niya. Galing siya sa paghatid kay Erina. Tumawag sa kaniya ang kaibigan si Lloyd, para ipaalam na nahuli nila ang nagmamatyag sa kaniya. Wala siyang gana na harapin ang taong ito dahil mas iniisip niya si Erina, at ang magiging kalagayan nito. She has trauma from what happened, kitang kita niya sa mata ng dalaga.
Pagdating niya sa dulo ng maze garden, nakita agad siya ng dalawang tauhan at isang lalake na nakahandusay at nakatali ang mga kamay.
"Where have you been? Kanina pa ako tumatawag sayo." aniya Lloyd at inabot dito ang isang baril.
"Taking up some businesses.Ito na ba yon?" may inis sa pagsasalita niya at sabay itinuro ang lalake bugbog ang mukha. Tumango si Lloyd at pinakita dito ang isang litrato.
"He's from Japan. A hired killer." napailing nalang si Reigner. At natawa.
"Kumuha pa talaga siya ng galing sa Japan, para lang patayin ako? How funny." aniya at sabay ikinasa ang hawak ng baril.
"Ganun siguro talaga kapag desperado na?Akala siguro niya hindi natin malalaman." sunod pa ni Lloyd at naglabas ng panyo.
"Well, I feel sorry for him." nakangiting aso na sambit ni Reigner at saka walang awa na itinutok ang baril sa ulo ng binata. Nagpakawala ng sandaling ingay ang pagputok ng baril.
Inabot ni Lloyd dito ang hawak na panyo para punasan ang kamay na nadungisan ng dugo mula sa pumutok na ulo ng binata.
"What's next?"
"Continue searching about Ryosuke's whereabouts. Alam ko nandiyan lang siya. Just make sure that no one will suspect." mahigpit na bilin ni Reigner habang binubuhusan ng isang tauhan niya ang mga kamay nito ng alcohol.
Bago siya umalis ay binalikan niya ng tingin si Lloyd na kausap ang isa pa nilang tauhan.
"Call, Catherine. Pakisabi na pumunta siya sa office ko , first thing in the morning." tumango lang ang kaibigan niya.
"Yes, Boss!" nakangiti ito at sumaludo sa kaniya.
***