I LIKE HER BETTER

1548 Words
ETHAN... "First of all, thankful ako sa concern ninyo. Really, na a appreciate ko ang concern ninyo,gaya ngayon, hindi naman kayo makarating rito kung hindi kayo nag-alala Kay Ethan- my love. " Pinisil ni Victoria ang aking kamay na nakapatong sa kaniyang hita. "Well, nang mag file ng indefinite leave si Dr Ethan at nalaman ko pa na pumunta ng Amerika. Doon ko na realize na affected siya, sobrang affected sa iyong pag-alis." ani Dr Bilabao. "Hmnn, updated ka pala sa buhay ni Dr Rosales, Jake...ganon ka ba ka obsessed sa kaniya?" biro ni Dr Tan. She laughed a little bit. " Anyway, Jake was right, akala namin ay nawalan na siya ng gana sa kaniyang obsesyon na tulungan ang siyensa." dagdag pa ni Dr. Tan. "And now that you're here, sabihin mo sa amin kung bakit ka pa bumalik?" Dr. Go said. "Anong ibig mong sabihan? Gusto mong ayaw ng bumalik si Yassine para masolo mo na at may chance ka Kay Dr. Rosales ano?" tumaas ang kilay ni Dr. Tan. Tumikhim si Dr Go. " Ay naku tumigil ka na nga baka mag-isip pa ng masama si Yassine sa akin. Anyway, Yassine..sige na magpatuloy ka sa pagkuwento." "You see, may Issue lang talaga ako sa aking sarili na inayos. I mean that time na nawala ako, may pinagdadaanan ako but it's all settled. Yes, napag-usapan na namin ang issue na iyon and we decided to keep the issue hidden, hindi ba love,?" Humilig si Victoria sa aking dibdib. "I mean, it's not something to be proud of, kaya, I'm sorry I can't tell you about it. " Tumikhim si Victoria. "Sana maintindihan ninyo ako.. " isa-isa niyang sinulyapan sina Doktor Jake, Mercy at Cheryl na akala mo talaga ay mga kaibigan Niya. Bumaling si Victoria ng tingin sa akin. "I'm sorry, I'm really sorry my love, habang buhay Kong pagsisisihan na minsan ay iniwan kita, it's not about you, it's about me. Pero, I promise you love, hinding-hindi, hindi na kita iiwan. THANK YOU FOR waiting.. and thank you for forgiving me, salamat at naunawaan mo ako after telling you about it. Mahal na mahal kita, Ethan-- love.." umiyak na yumakap sa akin si Victoria. Hindi ako makapaniwala sa galing ni Victoria magpanggap. I'm impressed and was surprised. Mabilis niyang nakabawi mula sa kaniyang pag-alinlangan kanina. She looks natural. I couldn't believe that she's a good actress. Hindi namin napaghandaan ang posibleng tanong ng kaniyang pagkawala. Bakit nga ba hindi ko naisipan iyon? Mabuti na lang at mahusay at mabilis palang mag isip itong si Victoria. "Shoot,!" Cheryl said. " Kung ayaw mong sabihin sa amin ang nangyari sa iyo, hindi ka namin pipilitin, ang importante, nakabalik ka na." Nasa dining room kami at masayang nag uusap habang kumakain. I mean, no matter how I stay calm, hindi ko maiwasan na kabahan na baka magkamali ng sasabihin si Victoria. But still, Victoria knows what she's doing. She played her cards well. Kaya nga she deserves an A! She deserves the perfect ten! Ang galing niyang mag drama. Sa harapan ng tatlong doktor, niyakap ko si Victoria ay hinalikan ko siya sa labi. "Umhhm!" nanlaki ang kaniyang mata. Habang siniil ko ang kaniyang labi ng halik ay pinisil- ko naman ang kaniyang hubad na hita. When I pulled out, namumula siya. For a second, pinandilatan ako ng mata ni Victoria.. Pero, mabilis lang iyon, naintindihan Niya na palabas lamang ang ginawa ko. "Don't do that again my love. okay? Hindi mo lang alam Kong gaano ako kalungkot ng mawala ka.. I love you.." "I won't leave you again love.. I swear.." she whispered in disbelief. Of course, ako lang ang nakunawa. "Tama na mga iyan!" biglang tumayo si Jake. Ang mabuti pa ay magpahinga na muna tayo, pakituro mo naman ang aming silid Ethan pare. Ewan ko kina Dr Cheryl at Mercy kung wala bang jetlag basta ako meron, kaya gusto ko ng magpahinga." ngumiti siya habang nakatingin Kay Victoria. "Sure," tumayo na din ako. Nagsitayuan na rin ang lahat. "Hay naku, ang killjoy mo naman Jake. Pinuputol mo naman ang saya natin.." anang Cheryl. "Pero kung sabagay may punto din si Dr Jake, we need to rest marami pa namang araw at oras na nandito tayo sa Vigan, hindi ba?" Dinala ko sila sa guest room ng bahay na nasa ground floor lamang. Mayroong limang room sa ground floor. A dining room. A Library and three guests room. Sa likurang bahagi ng antigong bahay ay may naka attached na dalawang servants quarter. One for the boys and the other for the girls. At Isang malawak na living room and a wide hallway suitable for dancing and parties. Ang limang silid sa itaas o second floor ng bahay ay para lamang sa pamilya namin. Nang maihatid ko na sila sa kani- kanilang silid ay pumanhik na ako sa itaas at nais Kong kausapin si Victoria. I wanted her to slow down when she talk. Mabilis masyado at hindi iyon ang tono ni Yassine, maamo at mahinhin kung magsalita. Hindi pareho ni Victoria na mabilis. I knocked at the door three times, ng wala pa ring sumagot ay tinawag ko ang kaniyang pangalan. " Yassine love..will you please open the door?' kahit nagmukha akong tanga dahil sa pagtawag sa Kaniya ng hindi totoo ay mabuti na rin ang nag-iingat at para na rin masanay siya hanggang matapos ang kontrata. I tried to open the door and it was unlock. I pushed it open and I enter inside. "Victoria?" wala siya sa room Kaya sinulyapan ko ang banyo ngunit wala rin siya. Kumunot ang aking noo,"Where did she go?" I whispered. I told her to take a rest too. Lumabas ako ng silid at bumalik sa ground floor. Bago ako lumiko sa hallway patungo sa dining room ay sinulyapan ko ang guests room on the right side of the ground floor. Sarado ang mga pinto. Impossible naman na nandoon si Victoria at nakipag-usap sinoman sa kanilang tatlo. I turn around to the left side and went to the dining room. Nakita ko si Victoria na naghugas ng pinggan samantalang si Ginang Matilda naman ay naghiwa ng mga lulutuin. They seems to be indulging in a conversation. Si Ginang Matilda ay sa kitchen counter naghiwa ng mga gulay at karne samantalang nasa harapan naman ng sink si Victoria, hindi nila napansin ang pagdating ko. Anong ginagawa Niya, bakit siya naghuhugas ng pinggan. Walang alam sa gawaing bahay si Yassine. "Nandito ka pala.." Sabay silang napalingon sa akin. "Oh, Dr Ethan.." nakangiting bati ni Ginang Matilda." Kahit ayaw Kong maghugas ng pinggan itong si Miss Yassine, pero ayan o, ayaw papigil kaya hinayaan ko na lang siya." "Okay lang naman ang maghugas hindi ba love?" she asked. "Nababagot akong wAlang ginagawa. Isa pa, nag-iisa ka lang Ginang Matilda kaya wala ka ng magawa kundi ang tanggapin ang tulong ko." nakangiting sabi ni Victoria. "Alam mo mabuti na lang at alam kung ikaw si Miss Yassine..." "Bakit po Ginang Matilda?" "Kasi parang may nag-iba at nagbago sa iyo.." "Ano po ang ibig ninyong sabihin?" "Parang nag-iba ang iyong kilos at panalita..naging..basta gusto ko ang bagong Yassine Panganiban ngayon." nakangiting sabi ni Ginang Matilda. Alam ko ang tinutukoy ni Ginang Matilda, namimili ng kausap si Yassine. Aminin ko man o hindi iyon ang isa sa ugali ni Yassine na ayaw ko. Namimili siya ng kausap at mukhang matapobre. Wala rin iyong alam sa gawaing bahay. Hindi ko naman masisisi dahil lumaking may kaya sa buhay. "Alam mo Dr Ethan. Ang laki ng pinagbago ni Miss Yassine. Dati rati hindi naman ito nakipag-usap sa akIn. Ni ayaw ngang tanggapin ang aking kamay noong ipinakilala mo siya sa amin..." hindi nawala ang ngiti sa labi ni Ginang Matilda ng muli Niyang tingnan si Victoria. "Hindi ba Miss Yassine..kaya ako ay nagtaka talaga kanina, masaya ako, masaya talaga ako." Nagkamot ng ulo si Victoria." Ganon ba, pasensya ka na Ginang Matilda. Kaya pala hindi mo tinanggap ang aking kamay kanina." asiwa niyang sabi "Oo at nagtataka din ako dahil nag-iba ang boses mo.." "Alam mo, totoo iyan, napansin din ito ng mga kaibigan na doktor ni Ethan, pero okay lang iyan dahil ako pa rin naman ito Ginang Matilda. Baka ngayon lang nag undergo ng pagbabago ang boses ko..." she joked ang Victoria laughed shortly. "Bakit panget ba pakinggan, Ginang Matilda?" "Hindi. Mas nagustuhan ko pa dahil hindi na nakababagot pakinggan. Naku pasensya- na Miss Yassine ha, baka magalit ka sa akin, pagalitan din ako n Dr. Ethan at baka paalisin ako rito." biro ni Ginang Matilda. "Hindi mangyayari iyon, hindi ba love?" muli akong sinulyapan ni Victoria. Matamis ang ngiti na kaniyang ipinukol sa akin. Her sweet smile bought warmth and the feeling of contentment in my heart. I cleared my throat. "Hindi ko alam na nag bo bonding kayong dalawa." I chuckled. "Tapos na ba iyan love? May sasabihin sana ako sa iyo." I said. " Hmnn, tutulungan ko pa sana sa paghiwa ng mga lulutuin si Ginang Matilda mamayang hapunan.." "Ay naku Miss Yassine, okay na ako. Ako na ang bahala rito. Huwag Kang mag-alala kaya ko na ito. Ang pagtulong mo sa Akin ngayon ay malaking bagay na .Sige na Miss Yassine. Ako ng bahala rito. Sumama ka na Kay Dr Ethan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD