SNEAKING INTO THE NIGHT

1523 Words
VICTORIA... Mag-@alas- dyes na ng gabi, paalis na si Baste ng bahay. Tahimik na rin sa living room, ang tatlong bisita ni Ethan ay nandoon na sa kanilang mga silid. Pagkatapos nilang mag goodnight Kay Ethan ay pumasok na rin ang huli sa kaniyang silid. Siguro napagod sa pamamasyal kanina. Nilibot kasi sila ni Ethan sa buong Vigan. Ito ang pagkakataon na hinintay ko. Bagamat paiga-iga pa rin sa paghakbang ang Isa Kong paa, hindi naman masyadong mahirap dahil sa tulong ng baston. Hindi rin masakit dahil sa pain reliever na ininom ko, malaking bagay rin ang cold compress wrap na advice ni Ethan. Sinadya Kong buksan ang pintuan sa likod ng bahay dahil kahit wala akong susi sa gate ay maari akong dumaan sa sekretong lagusan sa underground tunnel na hanggang ngayon ay wala pang naka-diskubre. "Love?' "Huh!" malakas akong napasinghap ng hawakan ni Ethan ang aking balikat. Dagli ko siyang nilingon. "My God, Ethan gusto mo yata akong mamatay!" napapikit ako dahil sa kaba. "Ano ba kasing ginagawa mo rito, sabi mo matulog ka na.." kumunot ang kaniyang noo. "Bakit nandito ka pa sa ibaba?" tanong pa Niya. "Ah, nauuhaw ako.. pupunta lang ako saglit sa dining room. Eh, ikaw bakit gising ka pa? Hindi ba pumanhik ka na kanina?" "Yes, pero aalis na si Baste, sino ang magsarado ng gate?" "Goodnight sa iyo, Miss.." nakita Ko si Baste na nakatayo na malapit sa main door. Ngumiti ako sa kaniya. "Goodnight din sa iyo, Baste." nag-aalinlangan si Baste kung anong itawag sa akin. Alam Kong bukod sa aming dalawa ni Ethan ay si Baste lamang ang nakakaalam na hindi ako si Yassine Panganiban. Kahit na ang kaniyang mga magulang ay hindi rin ako kilala na tagarito lamang sa Ilocos Sur. "You can call her, Yassine.." Sabi ni Ethan sa kaniyang kaibigan. Masyadong nag-iingat si Ethan, ayaw niyang marinig at magduda ang kaniyang mga kaibigang Doktor. "Sige, Miss Yassine.." "Yassine na lang.." putol ko sa kaniya. " Sige, papanhik na ako.." "Akala ko ba ay nauuhaw ka?" Sabi ni Ethan. "I mean,..na-nakainom na ako, sige mauna na ako. Matutulog na ako.." tumalikod na ako para pumanhik sa hagdan. Naramdaman ko na sinusundan nila ako ng tingin. Tumagos sa aking likod ang kanilang paningin. I'll try to ignore it. Nang maramdaman ko ang kanilang mga yapak palabas ng main door ay saka ako lumingon sa aking likuran. Nandoon na nga sila sa labas, naiwang nakaawang ng konti ang main door. Hinatid na ni Ethan si Baste sa gate. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan kahit paiga-iga ako at dire -diretso ako sa backdoor at bumaba ng tunnel. Ang munting flashlight na dala ko ay siyang ginamit ko upang makita ko ang lagusan hanggang sa labas ng mayabong na halaman. Kailangan na maunahan ko si Baste sa paglabas ng gate. Masuwerte ako dahil ang kaniyang kalesa, o karitela ay nasa labas ng gate. Karitela ang tawag sa kalesa na may saradong upuan o closed top. Sasama ako sa kaniya pauwi sa kanilang bahay. I need to see John. I miss him so very much. Kahit Isang araw na hindi ko siya kasama, para sa akin ay katumbas na iyon ng Isang linggo. Hindi ako sanay na matulog na hindi siya kasama sa silid. Hindi ako makapaghintay na hindi ko makikita ang kapatid ko. Hindi ako papayagan ni Ethan. Ang sabi Niya ay sa makalawa ihahatid ni Baste si John. Pero dahil sa nangyaring aksidente ng aking paa ay na cancel na naman. He said magiging sagabal ang kapatid ko. The heck with his reason. Mas sagabal sa konsentrasyon ko na hindi ko makita ang kapatid ko. He doesn't understand. John is sick. Pumasok ako sa loob ng karitela at maingat na naupo. "Thank you God.." napausal ako ng pasalamat ng hindi pa lumabas ng gate si Baste. Dalangin ko na huwag na sanang sisilip pa si Baste sa loob ng karitela. Nagpasalamat din ako dahil mabait ang dalawang kabayo na nasa harap. Hindi man lang nag-ingay ng ako ay sumakay na. Pigil ko ang aking hininga ng marinig Kong bumukas na ang gate. "Sige Baste, ingat ka sa daan." narinig kong sabi ni Ethan. "Okay, Ethan..bukas ulit..don't worry about me. Alas dyes pa naman, maaga pa. O paano, mauna na ako sa iyo.." "Ingat.." anang Ethan. Halos pigilan ko ang aking paghinga ng sumakay na si Baste sa harapang upuan. Salamat na lang at hindi Niya sinilip ang loob ng karitela. Kinagat ko ang aking labi ng bumilis ang pagpatakbo ni Baste sa karitela. Ilang sandali pa ay pumasok na kami sa Poblacion 3. Nandito pala ang bahay nina Baste, nandito ang kapatid ko. Bumilis ang t***k ng aking puso ng lumiko na sa museum si Baste. Ang dating Crisologo Ancient House na ngayon ay naging museum na. Maingat akong sumilip sa Kurtina at nakita ko na tumabi na si Baste sa one story house. Ang one story house ay malawak at napapaligiran ng maraming puno. This must be his home. Nang bumaba na si Baste sa upuan ay bumaba na din ako. '"Baste.." mahina Kong tawag. Maliwanag ang harap ng bahay nina Baste. Kaya kahit nagtatago ang reynang buwan sa kalangitan, at hindi gaanong maliwanag ang mga bituin ay nababanaag pa rin naman iyong kausap. "Yas--Victoria!!" napamaang at nanlaki ang mga mata ni Baste! Hindi siya makapaniwala na makita Niya ako. "Saan ka galing! I mean, paano ka nakasakay--" kumunot ang kaniyang noo. "Paano ka nakalabas ng gate!!" Ang sekretong tunnel sa ilalim ng mayabong halaman na iyon, sigaw ng isip ko. "Please Baste, I want to see my brother, I miss him so much.." nagmakaawa ako sa kaniya. "Kung gayon, bakit hindi mo sinabi kay Ethan--" "Are you kidding me? Hindi ba ang sabi Niya ay ihahatid mo si John doon sa bahay nila, pero wala siyang balak na tuparin iyon, lalo na may nga bisita siya." "I'm sorry, Victoria, but that was Ethan's order." he said apologetically. "Iyon na nga eh..hindi Niya tinutupad ang kaniyang bilin.'" "Dahil iyon sa aksidente ng iyong paa.." "Anong koneksyon ng aksidente ng aking paa? This is just a mild sprained ankle!" I said. "Yeah.." Inistima ako ni Baste. "Buti hindi ka nahirapan sa pagpasok sa Karitela?" tinuro Niya ang hawak kong baston. Hindi ko pinansin ang kaniyang mga sinabi. Hindi ko rin sinagot ang tanong Niya kung saan ako dumaan. "Please Baste, kahit itong pagkakataon lang na ito please..may sakit si John. I need to see if he's okay..." "Your brother is fine, sana nagpaalam ka Kay Ethan, Victoria, ayaw Kong sirain ang tiwala Niya sa akin." kinuha Niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang trousers. Maagap ko iyong hinawakan." Please, sandali lang ako..I just wanted to kiss and hug my brother John. May kapatid ka naman siguro, sana maintindihan mo ako.." my voice started to crack. Bumuntong-hininga si Baste. Sinoli niya ang cellphone sa bulsa. " Fine, follow me..pero ihahatid kita, malalaman pa rin ni Ethan na umalis ka." "Huwag ka ng mag-abala pa, kaya ko ng bumalik ng bahay.." "At anong sasakyan mo? Hindi mo ba napapansin na wala ng katao-tao sa kalsada? Wala ka ng sasakyan. Kung meron mang mga motorista na dumadaan sa kalye, mga pribadong sasakyan lamang iyon. So it's either papayag Kang ihatid kita and face Ethan's wrath o hindi mo makikita si John?" Inistima ko ang katatagan ng loob ni Baste. Loyal siya Kay Ethan, sa hitsura Niya ay hindi na magbabago ang kaniyang pasiya. Wala na akong magawa kundi ang sumang-ayon sa kaniyang gusto. Bahala na pagkatapos, haharapin ko man ang galit ni Ethan,. ayos lang basta makausap at makita ko si John. "Sige.." mahina Kong sabi. Baste nodded his head. " I'm sorry, Victoria, nag-iingat lang ako. Tumalikod na siya at humakbang papasok sa bakuran ng bahay. "Follow me.." Dumaan kami sa likurang bahagi ng bahay. "Nandito ang silid ko, kasama ko si John sa aking kuwarto . Sa mga sandaling ito, baka natulog na ang kapatid mo.." Sa likurang bahagi ng bahay ni Baste ay naka attach ang Isang malaki at malawak na silid. "Mas malaki itong aking silid dahil may adjoining bedroom iyon ng kapatid Kong lalaki. "Magkatabi sila ni John sa pagtulog.?". I asked. Kinuha Niya ang susi at binuksan ang silid. "Nope, only John sleep there." "What about your brother?" "He's...gone.." "Gone?" I asked. Nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mata. "Namatay siya dahil mayroon siyang kidney failure na nauwi sa--" I gasped! Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa lakas ng aking pagsinghap. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya nagreklamo na alagaan si John? "I'm sorry.." napalunok ako ng laway. Nang mabuksan na ang lock ay mahina niyang tinulak ang pintuan. "Sino iyan?" I was surprised when I heard my brother John. "Buddy, gising ka pa pala, gabi na ah.." ang liwanag na mula sa lampshade ay sapat na upang mapabalikwas ng bangon si John. "Ate?!" he shouted. Binuksan ni Baste ang ilaw ng silid. "John.." agad na tumulo ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kaniya na nakaupo na sa kama. "Anong nangyari sa iyo, ate?" my brother is looking at the cane under my left arm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD