SECRETLY MARRIED

1547 Words
ETHAN'S POV D**n! I got carried away. I was just teasing Victoria because she was pissing me off. Why did she kick me?! Hindi na Niya ako kailangan pa na sipain. Ano ba kasing iniisip Niya ng yumukod ako upang tingnan ang kaniyang paa. Kung hindi lang siya pasuray- suray sa paghakbang hindi ko naisipan na lapitan siya. Seeing her on her two piece, natural lang naman siguro na mapako ang tingin ko sa kaniya. I admit she looks sexy and hot, and she looks like Yassine if I may add. Pero ang pinaka importante talaga ay ang masuri ko ang paa niya upang hindi maapektuhan ang kaniyang pagsasanay bilang Isang Yassine Panganiban. Da*n! bakit ko ba siya hinalikan? Ang pagkatisod nya sa red stilleto ni Yassine only shows na hindi siya sanay sa pagsuot ng heels. Ayaw Kong pag-isipan ng masama si Victoria but I caught her stealing. Maliban sa pagnanakaw, wala na ba siyang alam na gawin? Umiling akong tinungga ang aking vodka. Dalawang araw lang ay mawawala na ang pamamaga ng kaniyang paa. Dapat lang para hindi ito maging abala sa mga pagtuturo ko sa kaniya sa mga gampanin Niya as my fake wife. I mean hindi naman required na magsuot siya ng heels all the time, kaya nagtataka ako kung bakit naisipan niyang kunin ang high heels sa closet ni Yassine na nasa kuwarto ko. Hindi na lang ako nagalit sa kaniyang ginawa ng walang paalam, inisip ko na ito ay ginawa nya dahil sa nais niyang sanayin ang sarili bilang Yassine. "Ethan.." nilingon ko si Baste na lumapit sa mini bar ng bahay sa ground floor. "Baste, come join me." Simula ng dumating ako ay hindi pa kami nagkaroon ng pagkakataon na mag usap. And I know, marami siyang tanong ukol Kay Victoria. It shows in his eyes. Nagkakilala na si Baste at Yassine, ang buong akala pa nga niya ay si Yassine ang kasama ko dito sa bahay. "So, sasabihin mo na ba sa akin kung anong nangyayari?" he grinned. "It was because the last time I checked, si Yassine Panganiban- ang girlfriend mo s***h fiancee, although, Victoria's resemblance to your girlfriend is uncanny. Ang buong akala ko ay sya na si Yassine. What is going on?" buong pagtataka na tanong Niya. Malalim akong huminga. Umupo sa katabing stool ko si Baste. "Nawawala si Yassine." I gulped the remaining vodka from my glass. "Anong nawawala?" kumunot ang noo ni Baste, ang aking kaibigan. "One month ago she vanished. Nagising na lang akong nakita ang Isang sulat na nagsasabing huwag ko siyang hanapin. Ayaw niyang magpakita, she needed space- that some kind of sh*ts.Kaya ako bumalik ng Amerika upang ipaalam kina Mama at Papa. Maging sa mga magulang ni Yassine--" "Paano ba ito natanggap ng mga magulang ni Yassine? I mean, aalis na lang bigla ng walang dahilan, I bet hindi naman kayo nag -away?" Tinaas Niya ang kaniyang kilay. "Normal lang sa couple ang pag-aaway. Pero hindi pag-aaway na humantong sa kaniyang paglisan, no.. walang ganon. Hindi rin ako ang ang uri ng tao na basta na lang papayag na mag-away kaming dalawa na hindi na magkaayos." Nagsalin akong muli ng alak sa aking baso. "So, ang ibig mong sabihin ay sinadya ni Yassine ang lumayo? Pinili Niya ang umalis ng ganon-ganon na lang and the only explanation she had ay iyong sulat?" he raised his brow. I nodded my head. "And with regards to my parents and Yassine parents, kagaya ko din ang unang reaction nila ng mabasa ko ang sulat. I couldn't f*****g believe it! Nagdududa pa nga sila sa akin, lalo na ang ina ni Yassine kaya napilitan akong ilabas ang sulat na hindi mo na pwedeng makita ngayon." I said. "Kung gayon, wala rin silang kaalam-alam kung nasaan ang kanilang anak. Hindi ito lumapit sa kanila? Kunsabagay, impossible nga naman na lalayo si Yassine sa iyo. She loves you very much. So bakit siya umalis?" "Iyon din ang palaging tanong ko sa aking sarili Baste.. why leave? ikakasal na kami. She could've told me what's going on her mind. Maintindihan ko naman kung mayroon na siyang bago.." ininom ko ang isa pang baso ng vodka. "Yassine love you very much, so why??" he asked. "I hope I know the answer.." umiling ako. Pinaglaruan ko ang ice ng vodka sa aking baso. "Okay, enough about Yassine. Anong ginagawa ni Victoria rito sa bahay? Bakit siya nandito sa buhay mo? Alam mo bang muntik na akong makalimot na ang babae sa harap ko ay hindi ang fiancee mo?" he seriously said. "Nang utusan mo akong kunin ang information ukol sa kaniya. Inaamin Kong napuno ako ng pagtataka. Anong kaugnayan ni Victoria Kay Yassine? But when I saw her picture, I had my answer." he added. "Malaki. Malaking kaugnayan si Victoria sa pagkawala ni Yassine. Sa totoo lang, nagpasalamat ako na nagtagpo ang landas namin ni Victoria. "So, paano mo nga siya nakilala?" he asked, determined to get an answer. "Well, on my way here I saw her walking through the rain, pinasakay ko siya ng sasakyan at sumakay naman siya." tinungga ko muli ang laman ng baso at nagsalin pa. "That's it?" Nanlaki ang mga mata ni Baste. "Kayo na kaagad?" "Silly, of course hindi... nakita ko ang malaking hawig nila ni Yassine, you even told yourself na muntik ka nang maloko ng hitsura nito." "You mean, nag- offer ka na magpanggap siyang Yassine?" Nanlaki ang mga mata ni Baste. I smirked at him." Finally, you're making sense, nakuha mo na rin ang punto ko." "Iyan ba ang dahilan kung bakit pinaimbistigahan mo ang buhay ni Victoria?" "That's it pare.." I simply said. "Okay, hindi mo pa nakita si Victoria sa buong buhay mo hindi ba?" I laugh, paano ko makikita si Victoria hindi naman ako naglalagi sa Vigan. "Hindi pa?" I answered. "Noong umuwi ka rito kasama si Yassine, hindi pa nag Krus ang inyong landas?" Umiling ako."Malalaman mo din naman kung sakaling na meet ko na siya before at nag kita sila ni Yassine-- siyempre magtataka si Yassine, but no. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag meet." "Kunsabagay, hindi nga nagtagpo ang landas namin ni Victoria, taga rito lang naman pala siya. Nasa malayong bahagi kasi ang bahay nila. She's from Pagburnayan, Isang maliit na barangay dito sa Vigan del Sur. Ang Pagburnayan ay malayo sa bayan, siguro hindi ka pa napadako doon ng magbinata tayo hanggang sa nag-aral ka na doon sa Amerika. Pero kilala ang lugar nila sa paggawa ng mga pottery. Napapaligiran ng rolling hills ang lugar." "Ah, kaya pala nababahala siya na naiwan mag-isa si John ba kamo, ang pangalan ng kapatid Niya?" "Oo, tama ka. Si John ang batang lalaki na sinasabi Niya. At totoo ngang may sakit si John sa kidney." Sabi ni Baste bago tinungga ang baso ng vodka. "Kamusta naman ang kapatid Niya?" I asked. "Okay lang naman ang kapatid Niya. Twelve years old na yata iyon though he looks fragile and really sick. Nag undergo raw ng dialysis si John." Natahimik ako sa aking kinaupuan. So , totoo pala lahat ng sinabi Niya. Kaya siya nagnakaw dahil sa kaniyang kapatid na maysakit. Pantustos sa pag dialysis ni John. "Bakit wala bang Ospital dito na nag offer ng libreng dialysis?" I asked. Tumawa si Baste." Hindi mangyayari iyan dito sa atin. Alam mo naman dito sa Pilipinas. Kulang na kulang tayo sa hospital, kulang ng medical staff at patakaran naman talaga ng Ospital na hindi pwede na magpagamot ka kung wala Kang dalang pera. Hindi libre ang gamutan dito Ethan, maliban na lang kung may doktor na kagaya mo siguro na magmalasakit na manggamot ng walang bayad? Hindi iyon mangyayari dito. Mamatay Kang nakadilat ang mata." he said with so much conviction. Ito ang Isa sa gusto ko na baguhin ko sa larangan ng medicines. Ang libre ang Ospital at libre ang gamot para sa mga less privileged at hindi ito mangyayari kung walang magmalasakit na itaguyod ang bill na inihain ko sa PMA. Kaya lalo akong magpursige na magkaroon ng bahagi sa committee. Now is the perfect time to pass the bill and to pass my book to the AMA. Malaki ang maitulong ng layunin ko, confident ako na magbibigay daan ito ng libreng pagpagamot ng mga kagaya ni John. "Baste, ang sabi mo ay nag-aaral pa si Victoria?" "Yes..third year college na yata siya." "Hindi ba sabi mo rin nagtatrabaho pa siya bilang waitress.?" "Tama ka. On-call waitress, hindi permanent ang trabaho Niya." "Nasaan ba ang mga magulang nila?" "May pinuntahan na business trip ang Kaniyang mga magulang at hindi ito nakabalik pa. Simula noon ay pasan na ni Victoria ang obligasyon para Kay John. Siya ang tumayong ama at ina ng batang iyon. "What about their relatives?" tanong ko pa. "Iyon lang ang nalalaman ko Ethan, maliban sa Isang pinsan na pinakiusapan Niya. Nakiusap siya na bantayan hanggat hindi pa siya makauwi sa kaniyang kapatid na si John. Ang totoo ay Kay Genrose ko nalaman ang tungkol sa sakit ni John at sa paglisan ng kanilang mga magulang." muling nagsalin ng alak si Baste sa kaniyang baso. "So, ikakasal kayo ni Victoria sa ilalim ng pangalan ni Yassine Panganiban-?" he asked as I drowned the glass of vodka. We already are, I silently said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD