LEARN TO ACT, SPEAK, AND DRESS LIKE HER

1639 Words
"Sarcasm.." Ethan said coldly. Sa isip ni Victoria, kung bala ang mga mata ni Ethan malamang tinamaan na siya ng tuluyan ng masama siyang pinagmasdan ni Ethan. "Ah, nagtatanong lang po ako, huwag mo na lang kayang sagutin..okay lang naman din.. pasensya na.." Hmn..clever girl. Ethan knows what she's doing, gumaganti ito sa kaniya dahil sa hindi nito pagpayag sa kaniyang hiling na makasama ang kaniyang kapatid. And more so, na offend sa sinabi niyang no to flirting. "If you want to be with your brother, you must learn fast to be like Yassine Panganiban. Learn to act, speak, and dress like Yassine. And with regards to your question about Yas feeling... I think you can answer that." Ethan said as he slice his steak. "Ha? paanong ako ang sasagot? Malay ko ba kung ano ang iniisip Niya? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa relasyon ninyo.." "You and Yassine have something in common, kaya malamang masagot mo ang tanong mo, kung bakit umalis siya, Kung bakit pinili pa niya ang maglaho na engaged na kami.." Nanlaki ang mata ni Victoria. Sira ba ang lalaking ito? Paanong malalaman ko ang tungkol sa damdamin ng kaniyang fiancée? Ni hindi ko nga alam kung may katotohanan ang sinasabi ng lalaking ito ukol sa kaniyang fiancee, kaya nga ako nagtatanong sa kaniya. He's impossible. "Teka, anong ibig mong sabihin? Naguguluhan ako? Kung totoo man na magkamukha kami as in magkamukhang -magkamuha, hindi pa rin ibig sabihin niyan na pareho kami ng iniisip, kaya nagkamali ka naman ng akala na masasagot ko ang tanong mo.." "Correction, ikaw ang nagtanong kaya bakit ka naguguluhan? And I mean to say kaya mong sagutin dahil pareho kayong babae, magkamukha man kayo o hindi. Kasi ang babae ay parehong may topak." kaswal na sabi Niya at sinubo na nito ang steak sa kaniyang bibig. Napasinghap si Victoria sa sinabi ni Ethan. Ikaw yata ang may topak! She thought. Tumayo na ito at nagpahid ng napkin. "Tapos ka na ba?" tanong Niya sa lalaki na nakatitig sa kaniya. "Bilisan mo na lang ang kumain. Marami ka pang dapat matutuhan. At para maniwala ka na totoo si Yassine. Ipakita ko sa iyo ang mga pictures Niya at video." tumalikod sa ito sa kaniya. Naiwan naman na nakaawang ang labi ni Victoria. Naku, napikon yata si Ethan! Nang iwan siya ni Ethan sa hapag-kainan ay nagmamadali na siyang kumain. Nagligpit at naghugas ng pinggan. Pagkatapos nagmamadali na siyang lumabas ng dining room at sundan si Ethan. Ang hirap kausapin ng taong iyon, madaling mapikon. Hindi pwedeng magtanong. Bago pumanhik si Victoria sa itaas ng bahay ay dumaan muna siya sa living room, baka nasa sala ito naghihintay. Sa living room, hindi maiwasan ni Victoria ang kabahan ng mapadako ang mga mata Niya sa nakadisplay na mga antigong kasangkapan. Naalala Niya ang mga kinuhang antigong kagamitan sa bahay, mga maliit at kayang buhatin na antique. Hindi na iyon siguro napapansin ni Ethan. Hindi nga ito napapansin ng caretaker, siya pa kaya na kahapon lang dumating. Hindi Niya nakita sa living room ang lalaki kaya pumanhik na siya ng second floor. Kinatok Niya ang pintuan ng silid ni Ethan pero walang sumagot. Ang katabing bedroom ni Ethan ay ang silid na tinulugan Niya kagabi, binuksan Niya ito baka nasa silid nya si Ethan. Binuksan Niya ang silid ngunit wala si Ethan. Kaya muli Niya itong sinara. Bumalik siya sa pintuan ng silid ni Ethan at akmang bubuksan Niya ito. " Hmnn, anong kailangan mo sa silid ko? " malamig na tanong ni Ethan sa kaniya. Mabilis Niya itong nilingon. " Oh, nandiyan ka pala, hinanap kita eh.." kabadong sabi ni ya Kay Ethan. "Hmm.." sa ekpresyon ng mukha ni Ethan, mukhang nagdududa ito. "Bakit? Nagdududa ka ba na magnakaw ako--" as soon as she asked the question, Victoria regretted it. Ang dahilan kung bakit na stranded siya sa buhay ni Ethan ay dahil nagnakaw siya sa bahay ng mga Rosales. She glanced away. Ayaw niyang makita ang reaksyon ni Ethan. Parang siya na rin ang naghukay ng kaniyang sariling libingan. Nakasulat pa yata doon na ang kanilang marriage contract, marriage for convenience ay dahil sa kabayaran ng kaniyang misconduct behavior, she knows damn well na ang tinutukoy doon ay ang kaniyang pagnanakaw. Binitiwan Niya ang doorknob ng kuwarto ni Ethan at bumaling ng tingin sa silid ng kaniyang kuwarto. "Aalis na ba tayo? "Tanong Niya Kay Ethan, hindi siya tuwid na tumingala rito. "Hindi na.." binuksan ni Ethan ang kaniyang silid. " Pumasok ka." utos Niya sa kaniya. Pumasok na si Ethan sa loob iniwan niyang nakabukas ang pinto. Sinilip lamang ito kanina ni Victoria, pero ng sumunod na siya ngayon Kay Ethan, ang laki pala ng silid ng binata. Maluwang ito sa loob. "Bakit hindi na tayo matutuloy, ang sabi mo ay may bibilhin tayo?" tanong niya Kay Ethan habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa mga nakasabit na larawan sa dingding ng silid. "Nabili ko na ang sinasabi ko na bibilhin sana natin sa department store. Kaya hindi mo ako nakita dahil hinintay ko sa labas ang delivery." naririnig Niyang pahayag muli ni Ethan. There's a family picture on the wall, nakita rin Niya ang ganitong portrait sa living room. It was a picture of his grandparents, parents and Ethan and his siblings. Maraming mga nakasabit na portrait, Pero ang portrait na kanina pa nakatawag ng pansin sa kaniya ay ang portrait ni Ethan at ng babaeng kamukhang-kamukha Niya. Ethan was telling the truth, kamukhang kamukha Niya ang babae sa larawan. "Is that... her?" she whispered. "Yes.." he said. "This...is ... unbelievable.." she whispered. Kahit na si Victoria ay hindi makapaniwala kung paano niya naging kamukha ang lost fiancee ni Ethan Rosales. "Ngayon, naniniwala ka na sa akin? Hindi ba kamukhang-kamukha mo? Tingnan mo anong kaibahan, meron ba? Umiling si Victoria. " It's so uncanny, I really cant believe this?" mahinang sabi niya. Lumapit pa siya sa dingding na nasa kanang bahagi ng silid. "Siyanga pala, kung meron mang nag-iba sa inyo, ito ay ang eye color lamang. Ito na siya, nag-order na lamang ako at pina deliver rito. Ayaw Kong lalabas tayo na hindi pa na settle ang eye color mo eh." inabot Niya Kay Victoria ang package delivery. "Baka paglabas natin mamaya, may makasalubong tayong kakilala ko at kakilala ni Yassine, magtataka ang mga yon sa kulay ng mata mo." dagdag pa Niya.." "Bakit ano ba ito?" "It's your contact lenses." Kinabahan naman si Victoria. "Hindi ko pa alam kung paano gamitin ito, hindi ako gumamit ng contact lenses sa buong buhay ko, never ko pang nasubukan kung paano ito gamitin. " "Perfect, now is the time to learn, don't you think?" he said. "Paano maglagay ng contact Lens sa mata?" "Madali lang iyan., maghugas ka muna ng kamay sa banyo , sige na pumasok ka na doon." utos ni Ethan. Mabilis naman na sinusunod ni Victoria ang utos ni Ethan. Hindi ito dapat pinaghihintay, walang pasensya, mabilis mapikon. Pagkatapos maghugas ay umupo siya sa harap ng salamin kung saan naghihintay si Ethan. "Nagpahid ka na ba ng iyong kamay, hinugasan mo na ba ng maige iyan? Dapat hindi basa ha? Dapat pinatuyo mo muna ang kamay mo bago mo hawakan ang contact lenses." he instructed her. "Oo naman." tipid niyang sagot. "Piliin ang tamang lens, siguraduhing ang lens na iyong gagamitin ay para sa tamang mata. " Tingnan mo kung saan ang kanan at saan ang pang kaliwa na lenses okay?" Tumango na lamang si Victoria bilang pag-sang-ayon, the least she can do is to agree. Ano pa nga ba ang magagawa Niya, she sign the contract after all. "Hugasan mo muna ng contact lens solution okay, there.." patuloy na nagbibigay ng instructions si Ethan. Hinugasan ni Victoria ang contact lenses solutions na nilagay ni Ethan sa malinis na platito. "Pwede mo ng ilagay sa iyong mata. Tumingin ka sa itaas at buksan ang iyong mababang talukap. Ito ay maglalagay ng isang paket sa pagitan ng iyong mata at mababang talukap, sige ganiyan nga." "Oh..ouch.." bumuntong-hininga na lamang si Victoria. Gusto niyang palabasin si Ethan dahil lalo siyang na conscious. But the man stood in front of her watching her every move. "Wait..bakit ka ba nahihirapan, maglagay lang naman ng contact lens. Ito basahin mo muna ang mga instructions..nag search si Ethan sa Google at pinabasa sa kaniya ang nakuhang information. "Here, basahin mo muna..lalabas muna ako sandali." tumalikod na ito at lumabas ng silid. "Hayy.." nakahinga ng maluwag si Victoria, kaya lang din siya natagalan dahil na ko conscious siya na nakaabang si Ethan sa Kaniya. Binasa Niya ang mga instructions ni Google. " Ilagay ang lens sa dulo ng iyong daliri: Ilagay ang contact lens sa dulo ng iyong index finger, na may kurbadong bahagi sa itaas. "Haplosin ang contact lens sa puting bahagi ng iyong mata (sclera), hindi sa kulay na bahagi (iris). " Isara ang lens sa lugar: Unahan ang contact lens sa lugar, na sinusundan ang kurba ng iyong mata. Maaaring makaramdam ka ng isang maliit na pakiramdam habang ang lens ay naglalagay sa lugar. " Bumaba ang iyong mababang talukap at tingnan kung ang lens ay nasa gitna at hindi nababaluktot. " Kumpuni ang ilang beses upang matulungan ang lens na maglagay sa lugar. Binasa rin ni Victoria ang mga payo at paalala. Hindi Niya maiwasan ang matakot kasi ang mata ay sensitive part of your body, paano kung mabulag siya. *Upang maiwasan ang pagkalito sa iyong mga lens, simulan sa parehong mata bawat beses na ilalagay ang iyong contact lens. Hindi Niya tinapos basahin ang instructions, nilapag Niya ang cellphone ni Ethan sa drawer, parang bata naman magbigay ng instructions si google. Kalmado na siya. kailangAn na niyang sanayin ang kaniyang sarili bilang Yassine Panganiban at pansamantalang kalimutan si Victoria Lovely Fuentes sa loob ng dalawang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD