Lo-ve..? ulit ni Victoria.
"Yes love?" Sabi ni Ethan sabay hawak sa kaniyang panga.
Kumurap-kurap naman ang mata ni Victoria na nakatitig Kay Ethan, hindi alam Kong anong isasagot niya sa lalaki.
"Oh, bakit ka namumula?" untag ni Ethan.
"Hah? ahhh..ehh.."
"Pambihira, tinuturuan kita kung paano ka kumilos sa harap ko, kung paano mo ako tawagin."
Aba, malay ko ba kung nagsimula ka na palang magturo? Parang gustong sigawan ni Victoria si Ethan pero nagpigil siya.
"Ganon ba, pasensya- ka na... hindi mo naman sinabi na nagsimula ka na palang magturo riyan." umingos siya ng konti sa lalaki.
Kahit hindi Niya ito magawang sigawan at least ma iningusan Niya ito para naman makabawi siya.
"Ano pa bang aasahan mo ha, pumirma ka na ng ating kontrata, ito na iyon..galingan mo ha, kung hindi ay makukulong ka talaga." nandilat si Victoria sa sinabi ni Ethan.
"O, ano pang tinitingin tingin mo dyan, halika na bumaba na tayo dahil naghihintay pa rin si Baste sa atin, hindi siya makauwi kapag hindi pa tayo nakakain." tumalikod na si Ethan at lumabas ng silid .
Kumunot ang noo ni Victoria, sa wari Niya ay bigla yatang nag-iba ang ipinakita ni Ethan. Nakapirma lang siya ng kontrata parang ang istrikto naman kaagad nito sa kaniya.
"Hintayin mo ako sandali." sa labas ng silid ni Ethan ay tumigil siya,
" I will just keep this contract.." Tinaas Niya ang envelope. Pumasok si Ethan sa silid at hinayaan Niya itong nakaawang, sinilip ni Victoria ang silid ng lalaki. " Ang laki..at ang linis din, kunsabagay kaya nga araw -araw dinadalaw ng caretaker ang antigong bahay ng mga Rosales. Ito ay para linisin lang.
Binaling Niya ang kaniyang tingin sa kisame ng bahay at pinagmasdan ang lumang mga chandeliers, iyong parang mga chandeliers na nakikita Niya sa panahon pa ng mga sinaunang pelikula ng mga bampira.
Kaya siya naglakas loob na bumabalik sa pagnanakaw sa bahay ng mga Rosales dahil tinagurian din itong haunted house. Maraming takot sa bahay, maraming takot dumaan , pero siya hindi..pumasok pa nga siya.
Inisip ni Victoria ang magiging buhay nila bilang pekeng asawa ni Ethan. Ayon sa kontrata, may 20 thousands siya buwan-buwan. Nagtataka siya kung bakit may sweldo siya. Ang akala pa Niya ay parusahan siya ng lalaki dahil sa pagkahuli nito ng pagnanakaw. Akal Niya ay magiging, tagalaba, tagaluto at utusan pa siya ng lalaki? Pero sa isip Niya okay lang naman dahil kahit pekeng asawa siya, natutuwa pa rin siya dahil hindi siya pinakulong ng lalaki.
Sa isip pa niya, malaking tulong ang 20 thousands a month para sa kaniyang kapatid na may sakit. Kaya hindi na rin masama ang kontrata na inihain ni Ethan sa kaniya.
Kaya siya umiyak kahapon dahil inisip Niya ang kaniyang kapatid. Iniisip Niya ang sakit nito. Ang buong akala kasi niya ay papatayin siya ni Mr Rosales. Tapos nagbanta pa na ipakulong siya.
Pero wait.., paano na ang kaniyang pag-aaral? Oh no, kung gaganap na siyang bilang Yassine Panganiban titigil na siya sa pag-aaral???
Tama, titigil na siya sa pag-aaral dahil sa pagkatapos ng kanilang kasal ay doon na sila titira sa Maynila. Naku! Paano--
"Hindi ka pa ba bababa?" naningkit nag mga mata ni Ethan na nakatingin sa kaniya na nanatili pa rin nakatayo sa gilid ng pintuan ni Ethan.
"Teka, sandali lang.." nagulat naman siya dahil si Ethan ay nasa hagdan na pababa ng ground floor.
"Ano bang inisip mo at hindi mo ako naririnig na tinawag Kita at dumaan pa ako sa harapan mo?" parang nairita na tanong nito. Sa isip ni Victoria, dapat maging mabilis siya dahil sa walang pasensya ang lalaking kaharap niya.
"W-wala naman, iniisip ko lang ang kapatid ko. " lumapit na siya Kay Ethan at sabay silang bumaba ng hagdan.
"Tandaan mo na kapag magkasama tayo dapat lagi Kang nakahawak sa braso ko, o di kaya ay sa kamay ko... iyon ang laging ginagawa ni Yassine sa akin." Sabi ni Ethan.
"Mahilig kasi si Yassine sa tinatawag na public display of affection kaya iyon din dapat ang gawin mo sa akin, okay?"
"O- kay?" tumango si Victoria.
"Bakit ganiyan ang tingin mo.. sa ..akin?" kinakabahan naman si Victoria ng makitang kumunot na naman ang noo ni Ethan. Narating na nila ang ground floor.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Ethan. Nagtataka naman si Victoria, wala siyang ginagawa upang magalit ito, bakit ang suplado nito sa kaniya.
"Exactly! You're doing nothing!" asik Niya.
"Bakit--ano ba ang gusto mong gawin ko?" nagtataka na tanong ni Victoria.
Bumuntong-hininga si Ethan. " Kasasabi ko lang tungkol sa public display of affection na gawain ni Yassine hindi ba? Bakit hindi mo gagawin?" bahagyang nairita si Ethan.
Sinunggaban ni Victoria ang braso ni Ethan at pinulupot Niya ang kamay dito. Nakakainis naman ang lalaking ito, madali naman akong kausap Kong sinabi lang Niya agad. Isa pa, wala namang katao tao sa bahay na ito, sinong manonod sa public display of affection na sinasabi niyang ugali ng kaniyang fiancee!
"Hindi naman ganiyan, huwag mong basta na lang sunggaban ang braso ko na para Kang galit." mariin nitong sabi. "For your information malambing si Yassine sa akin, hindi basagulero kung umasta." lumiko na sila sa dining room na nakahawak pa rin siya sa braso ni Ethan.
Malambing naman pala, bakit ka iniwan! Sarap sigawan ng lalaking ito. Kung hindi lang ako nahuli nito eh, never akong papayag na maging fake fiancee nito kung ganito lang din ang ugali niya.
"Pasensya na, kapag maraming tao na ang nakatingin gagawin ko ang sinasabi mo.." nakangiting sabi ni Victoria, nagtitimpi siya ng kaniyang emosyon.
"No, this is the perfect time to practice, iyong walang nakatingin, sanayin mo ang iyong sarili na mamuhay bilang Yassine para kapag marami ng tao na nakapalibot sa atin, masasanay ka na okay?"
"Hmnn, okay.." maikli niyang sagot.
Huminga ka na lang Víctoria, isipin mo na lang ang 20 thousand pesos, kailangan iyon ng kapatid mong maysakit..Isa pa, hindi ka dapat makulong kaya galingan mo na lang.
"May iniwan akong listahan doon sa folder sa ibabaw ng iyong mesa, listahan iyon ng mga kilos ni Yassine, mga gusto at hindi gusto. Pag-aralan mo iyon."
"Magandang umaga Ethan, Victoria.." ngumiti si Baste.
"Magandang umaga.." nahihiya na bati ni Victoria. Hindi siya sigurado Kong hanggang saan ang alam ni Baste tungkol sa kaniya. Gusto Niya itong makausap sana pero hindi pa siya binigyan ng pagkakataon ni Ethan.
"Kamusta si John.." mabilis niyang tanong Kay Baste bago pa man nakapagsalita si Ethan. "Kumusta ang pakiramdam Niya? Hindi ba siya nagtaka at wala pa ako? Hindi ba siya inuubo at sinisipon?" nag-aalala niyang tanong.
"Okay naman ang kapatid mo, hinahanap Ka niya." sagot ni Baste.
"Iwan mo muna kami Baste, maraming salamat sa pagkain, tatawagan na lang kita." Sabat ni Ethan.
"Sige Ethan, walang anuman... Si Mama ang magluto niyan kaya huwag Kang magpasalamat sa akin." nakangiting sabi ni Baste. " Sige, tawagan mo na lang ako kung anong kailangan mo." sinulyapan Niya si Victoria. " Huwag Kang mag-alala babantayan ko ang kapatid mo." tumango siya Kay Victoria.
"Talaga.." mabilis na lumapit si Victoria Kay Baste at hinawakan nito ang manggas ng polo ng lalaki.
"Maraming salamat sa pagbabantay mo sa kapatid ko. Pakisabi sa kaniya na hindi siya dapat mag-alala sa akin dahil ayos lang ako. " nakangiting sabi ni Victoria, masaya siya na okay ang kaniyang kapatid.
Nang makalabas na sa dining room si Baste ay bumaling siya ng tingin Kay Ethan.
"Umupo ka na.." napawi ang ngiti ni Victoria ng makita Niya ang matigas na ekpresyon ng mukha ni Ethan.
"Just a reminder, Yassine never flirt to any man..he loves me, adore me and that's why she only has eye for me. Kaya, huwag na huwag kang hahawak sa kamay ng sinumang lalaki, ni titingin ka sa sinumang lalaki, naintindihan mo?"
Naiinis si Ethan Kay Victoria, hindi siya ang uri ng tao na judgemental pero ano pa nga ba ang iisipin Niya sa babaeng ito? Nahuli niyang na nagnakaw at muntik pang malimas ang kanilang treasure Kong hindi pa Niya ito naabutan.
Galit siya sa mga magnanakaw, ang pagnanakaw ay ugali ng mga tamad na tao. Mga taong ambisyoyo at gusto ang madaling paraan ng paghahanap ng pera, kaya nagnakaw.
Higit sa lahat, nagalit siya Kay Victoria dahil kamukha ito ni Yassine ang babaeng hindi Niya maintindihan kung bakit nagbilin pa ng instruction ng kaniyang paglayo. Binigyan siya ng problema ng kaniyang fiancée, all thanks to her, nanganganib ang karera Niya.
Nainsulto siya sa iniwan nitong sulat. Hindi Niya ito matagpuan, hindi Niya ito matawagan. Obviously, his fiancée doesnt want to be found and she chooses to leave him. Bakit, kung may problema siya pwede naman niya itong sabihin sa kaniya bilang nobyo, fiancee at matalik na kaibigan, but no she chooses to leave. Lumabas pa na siya ang dahilan kung bakit ito lumayo.
.
Hind ba nakaiinsulto iyon.?
"Kung fiancee mo ang Yassine Panganiban na iyon," mahinang tanong ni Victoria habang nagsimula na silang kumain. Mahal ka Niya hindi ba, bakit ka Niya iniwan?/Bakit siya umalis gayong ikakasal na kayo?" Nanlaki ang mata ni M. Rosales sa kapangahasan ng kaniyang pagtatanong.
"Third year college ka ba talaga, bakit hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko kahapon? I told you she was gone-"
"I know what you said Mr Rosales, naintindihan ko na lumayo siya. My point is, bakit kaya siya lumayo gayong nakatakda na ang inyong kasal? Bakit Niya maisipan na lumayo kung totoo iyang sinabi mo na ikaw lang ang mahal niya?"
Sa loob ni Victoria, tingnan ko lang kung hindi ka mairita sa tanong ko. Sa isip pa Niya, hindi naman siya humawak sa kamay ni Baste kundi sa manggas ng kaniyang polo pero, ininsulto na siya nito.