CHAPTER 1 : The Party

1229 Words
Blangko ngunit matatalim ang tingin na binibitawan ni Violet sa mga taong nakakasalubong niya. Kahit na pinagtitinginan na siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya dahil sa taglay ng ganda at kasexyhan nito ay hindi nagpatinag ang dalaga. Taas ang noo at punong-puno ng kompyansa niyang hinarap ang mga bigating tao na kaniyang nakakasalubong. "Violet, you know your mission." Ani ng matandang lalaki na naglalakad sa kaniyang tabi. Hawak-hawak nito ang stick na gawa sa kahoy at ginagamit niya ito upang gawin'g tungkod para suportahan ang katawan niyang hindi na makalakad ng maayos dala ng katandaan. "Be the spy and help you bring down Marco Antoinette?" Tanong ng babae. Ang malalim na boses nito ay kayang magpataas sa balahibo ng kahit na sinong lalaki, lalong-lalo na ang accent nito tuwing magsasalita ng ingles. Marahang napatango-tango ang matanda at ng mapunta na sila sa gitnang parte ng hall ay napatigil ito sa paglalakad at napatitig sa isang direksyon kung saan nagkumpol-kumpol ang mga kalalakihang kasama sa high society. Mga negosyante, politiko at mayayamang tao na meroon'g maduduming negosyo at gawain. "Marco Antoinette is not someone you could play with. He is ruthless and cunning. He already bring down Francisco and I'm afraid if we don't move, we're going to be the next." Ani pa nito. Napatigil si Violet sa paglalakad at seryosong napatitig sa kumpol ng mga kalalakihan. Wala pa roon si Marco, wala pa roon ang lalaking kailangan niyang dikitan sa mga susunod na buwan. Nakita na niya ang mukha ni Marco Antoinette sa mga magazines at balita. At masasabing iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sumama siya sa kaniyang ama para sa party na ito. Marco Antoinette. She likes him, meroon kung ano sa mga mata ng lalaki na agad na pumukaw sa kaniyang interest. Hindi tuloy maalis-alis ni Violet kung ano'ng pakiramdam na makulong sa bisig ng malamig at masungit na lalaking iyon. Pasimpleng tumaas ang sulok ng kulay rosas na labi ni Violet. Bahagya niyang pinasadahan ng haplos ang gilid ng kulay lila niyang dress bago siya taas noo at marikit siyang lumakad palapit sa mga kalalakihan. Dahil sa taglay na kakaibang ganda at perpektong hubog ng kaniyang katawan ay agad na napatingin sa kaniya ang mga ito. Bagay na ikinatuwa ni Violet. Labas ang gitna ng kaniyang dibdib, gayon din ang itaas ng kaniyang kaliwang hita. Walang lalaki ang hindi naglalaway sa pisikal niyang anyo at nagustuhan iyon ni Violet. Lalo na tuwing makikita niya kung paano siya titigan ng mga ito. "Good evening gentlemen." Bati ng babae sa mga kalakihang ngayon ay nakatulala sa kaniya. "I-I Lady Violet you're here!" Tipid na ngumiti si Violet para sa lalaking unang nakabawi mula sa pagkabalisa. Agad itong lumapit sa kaniya upang halikan ang likod ng kaniyang palad. "It looks like you're enjoying the party, can I join in?" "Of course!" "The lady is always welcome to join us." "Thank you." Tumabi siya sa mga ito at tahimik na nakinig. Nakangiti at patango-tango si Violet tuwing may sasabihin ang isa, kunwari ay nakikinig siya kahit na ang totoo niyan ay meroon lang siyang hinahanap na pigura ng isang lalaki. Marco Antoinette where are you? Dadating pa ba ito gayong malapit ng matapos ang party? Malungkot na napasimangot si Violet. Busy ang mga taong nasa paligid niya kung kaya't hindi napansin ng mga ito ang ekspresyon ng kaniyang mukha na unti-unting nag-iiba. Pinaikot-ikot ni Violet ang wine glass na nasa kaniyang kamay bago siya nagtaas ng tingin upang sulyapan ang ama na naka-upo sa isang lamesa kasama ang mga kaibigan nito. She's an illegitimate child and a secret to this society. Walang nakakaalam na anak siya ni Antonio Heart, dahil tinago siya ng ama sa publiko. Ang alam lang ng mga taong nandito ay isa siyang mayamang negosyante na totoo naman dahil meroon siyang pagmamay-ari na mga negosyong nagkalat sa iba't ibang parte ng mundo. Though hindi niya matatayo ang mga iyon kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang ama. Akala ni Violet ay uuwi siya ng hindi man lang nasisilayan ang lalaki ngunit natigilan siya ng marinig ang sinabi ni Frederick na nasa kaniyang tabi. "I thought you're not coming. How can you be so late Marco?" Nanlaki ang kaniyang mga mata at bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Violet. Agad siyang humarap sa grupo ng kalakihang kanina pa niya kasama. Kasabay ng paghalimuyak ng nakaka sabik na amoy ng rosas sa kaniyang pang-amoy ay ang pagfocus ng mga mata niya sa matangkad at malaking lalaki na ngayon ay lumalakad palapit sa kanila. Violet's heart beats became more erratic and stronger. Naghalo ang mga salita sa kaniyang utak at tila meroon'g kung anong init na lumukob sa kaniyang katawan ng matitigan na niya sa personal ang lalaking noon pa niya nais na makilala. The man is taller than her father, who's a 5'8. He has a big athletic type of body that could surely melt every girls heart. Tulad ng sabi-sabi meroon nga'ng kulay asul na mga mata ang lalaki. Mga matang animo'y karagatan dahil sa kulay at gandang taglay nito. Ang gwapo ni Marco Antoinette. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Violet. Sa sobrang pagkamangha na nararamdaman niya para sa binata ay hindi na niya magawang ihakbang ang mga paa niya palapit dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito katikas na lalaki... "So I've heard that you're busy dealing with your group's territories?" Tanong ulit ni Frederick sa lalaking wala man lang emosyon sa mukha. Nanatiling blangko si Marco. Diretso ang tindig at nakakaintimida habang pinapasadahan ng tingin ang mga taong nasa paligid niya. "Kung meroon kaming maitutulong s-" "None." Mahikling wika ng lalaki bago pa matuloy ni Frederick ang offer nito. Hindi naman na bago sa kanila na tumanggi si Marco sa mga tulong. Hindi naman na kasi nito kailangan ng tulong dahil kayang-kaya na nitong ayosin ang grupo ng mag-isa. He won't be the youngest leader if he's not well capable. Matapod pasadahan ni Marco ng tingin sng mga kalalakihan ay agad naman'g natuon kay Violet ang kaniyang pansin. Bagay na ikinagulat ng dalawa dahil hindi niya inaasahan iyon. Napaiwas ng tingin si Violet. Namumula ang mga pisngi at nahihiya dahil nahuli siya ni Marco. "Ah yes you still haven't met her, right?" Lumakad palapit si Frederick sa tabi ng nahihiyang babae at inilahad niya ang kamay sa harap nito. Ilan'g hakbang ang nasa pagitan ni Violet at Marco pero para kay Violet ay sobrang lapit lang nila sa isa't isa. Naamoy niya mula sa kinatatayuan ang nakakaadik na amoy ng lalaki. "This is Lady Violet Guevara and she's a very wealthy woman." Natatawang ani ni Frederick. Also beautiful. Gustong idugtong iyon ni Violet ngunit baka ma-turn off sa kaniya si Marco kaya kinagat na lang niya ang kaniyang labi at tahimik na tumango rito. "Nice to meet you Mr..." "Marco Antoinette." Inilahad ni Violet ang kamay sa harap ng lalaki. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman niya lalo na ng tignan lang ni Marco ang kaniyang kamay. Nahihiyang napangiti si Violet. Totoo nga ang sabi ng mga tao na namamahiya ito. Ibaba na sana ni Violet ang nakalahad niyang kamay ng bigla na lang itong kunin ni Marco at ikulong sa malaki at mainit nitong palad. Sa sobrang gulat ay hindi na naiwasan ng dalaga ang mapasinghap at mapaatras ng isang hakbang. "Likewise Ms.Guevara."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD