Prologue

396 Words
Patuloy lang ako sa pagtakbo ni minsan ay hindi ako naglakas loob na lumingon upang tignan kung meroon pa bang humahabol sa akin. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito. Hindi ako ligtas dito dahil nalaman na nila kung ano'ng ginawa ko! Hingal na hingal at tagaktak ang akin'g pawis. Naka yapak ako't tila wala sa sarili, lahat ng nadadaanan ko ay binibigyan ako ng mapanghusgang tingin. Hindi ko man naririnig ang mga sinasabi nila ay paniguradong iniisip ng mga taong ito na mukha na akong nawawala sa sarili. Sino ba naman ang hindi?! Hinahabol nila ako! Alam na nila kung anong klaseng pagtra-traydor ang ginawa ko sa pamilya at isa lang ang kaparusahan sa mga taong gumagawa niyon. Ayoko pang mamatay! Habang abala ang mga paa ko sa pagtakbo ay unti-unti ng nanlalabo ang akin'g mga mata. Kasabay ng pagtapak ng akin'g mga paa sa madumi at basang kalsada ay ang siyang pagtulo ng akin'g mga luha. Ayokong gawin iyon sa kaniya pero wala na akong pagpipilian. Ayokong saktan siya... Hindi ko ginusto ang bagay na iyon. Nang makita ko ang isang masikip at madilim na eskenita ay agad akong pumasok dito. Naghahalo ang amoy ng basura at panghi sa lugar na ito at dahil sobrang sikip at init na ng akin'g dibdib dala ng pagod ay hindi ko na napigilan ang mapasuka. "I-I'm sorry..." Umiiyak kong hagulgol. Kung meroon lang sana akong tiyansa na baguhin ang lahat ay mas pipiliin kong manatili na lang sa tabi niya pero hindi talagang pinili ko pa na traydorin siya! Sinaktan ko ang kaisa-isang lalaki na nag-alaga at nagmahal sa akin ng totoo. Ngayon ay hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako sa mga kamay niya. I will never forget the feeling of being love by the mafia boss, but knowing that minutes from now that love will instantly vanish and replace by hatred? I'm feeling so scared. He's a Mafia boss for pete sake! And we all know what a Mafia boss is capable of. I know what he's capable of... Gamit ang likod ng akin'g palad ay pinunasan ko ang akin'g bibig. Pagod man at hinihingal pa rin ay muli akong nagpatuloy sa pagtakbo. Malapit na sana akong makalabas sa dulo ng madilim na eskenita ng mapahinto ako dahil sa taong naka harang sa labasan. He already know and he's here to punish me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD