Pained

804 Words

Madilim na nang maisipan ni Talitha na bumalik ng apartment. Sa sobrang sama ng loob ay kung saan-saan siya pumunta upang pahupain ang naghihimagsik na damdamin. Kung hindi nga lang siya nangako sa sarili na magpapakabait na, sinabuyan na sana niya ng asido ang guwapong mukha ni Enzo at inilampaso na niya sa lupa ang malditang si Bianca dahil sa ngitngit niya. Alak ang muling naging kanlungan niya sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. Ang totoo ay pagkatapos ng mga masasamang nangyari sa kanila ng dating kaibigan na si Dorcas, isinumpa na nya ang alcohol. Ngunit kanina lang ay muli niya itong binalikan dahil ito lang ang makakapagpamanhid ng lahat ng hinanakit at galit na meron siya ngayon. Galit na galit siya kay Enzo at kay Bianca, ngunit mas matindi ang galit na nararamdaman niya p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD