Enzo turned havoc when he saw Brix on top of Talitha. Sa isang iglap ay nadakma niya ito sa balikat saka mabilis na hinila palayo sa walang malay na babae. Lahat ng nalalaman sa martial arts ay ubod-kayang ipinatikim niya kay Brix hanggang nagmamakaawa itong napaluhod sa harap niya, duguan at nanghihina. “The next time you touch her, I will kill you, bastard!” pagbabanta niya. Halos pagapang na lumabas ng apartment ang talunang lalaki. Nang makaalis na si Brix ay agad naman niyang inasikaso si Talitha. Binuhat niya ito at dinala sa isang silid. Maingat na inihiga niya ang dalaga sa kama. Awang-awa siyang pinagmasdan ang magandang mukha nito. Kung nahuli siya ng dating ay siguradong naisagawa ni Brix ang makahayop niyang pagnanasa sa pinakamamahal niyang babae. Mabuti na lang at naibal

