Talitha slowly opened her eyes. Awtomatikong tinakpan niya ng kamay ang mga mata dahil sa pagkasilaw sa sikat ng araw na tumatagos sa kakapirasong espasyo sa bintana ng kanyang silid. Ilang sandali siyang nanatili sa ganoong ayos habang pilit inaalala kung paano siya napunta sa kaniyang kama. Ang natatandaan niya ay nakainom siya kahapon upang makalimot sa sama ng loob pero nagawa pa rin niyang makauwi sa kaniyang apartment. Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa siya nang makita niyang nakaupo si Brix sa sofa na parang hinihintay siya. Nagkaroon sila nang mainitang pagtatalo dahil sa paghahanap nito kay Jace hanggang humantong sa pagtatangka nitong pagsamantalahan siya. Sinuntok siya ng lalaki sa sikmura kung kaya nawalan siya ng malay at hindi na niya maalala kung naisakatuparan ng hayo

