Hapon na ay hindi pa rin tumitigil si Talitha sa pagtawag sa number ni Enzo kahit lagi itong ‘cannot be reached.’ Unti-unti na siyang binabalot ng pangamba kung kaya ipinasya niyang puntahan na ang lalaki sa apartment nito. Bagama’t may alinlangan sa gagawin ay kinumbinse na lang niya ang sarili na may karapatan siyang malaman kung nasaan ang lalaki. She was his girl now. Malinaw na nagkaunawaan ang kanilang mga puso kagabi lang. But was it? Ano’ng dahilan at nakatiis ang lalaki na hindi magparamdam sa kanya sa buong maghapon pagkatapos ng pagkakaunawaan nila kagabi? Gaano ba ito ka-busy upang hindi man lang makaalaalang mag-text o tumawag man lang? At bakit laging ‘cannot be reached’ ang number nito? Nakakailang katok na siya sa pinto ng apartment ni Enzo ay hindi pa rin lumalabas ang

