Talitha Zaldriaga

1172 Words
“Welcome to Marbella City College, Miss Zaldriaga,” nakangiting wika ni Dr. Charito Cristobal, ang dean ng Marbella City College bilang pagtatapos ng interview ni Talitha Zaldriaga sa kolehiyong ito. Ang Marbella City College ay isang kolehiyong pampubliko sa lungsod ng Marbella sa lalawigan ng Pontevedra. Nasa dulo ang lungsod na ito ng lalawigan kung kaya malayo ito sa bayan ng Zaragosa at sa Pontevedra State University. It was midsummer. Ngunit sa halip na mag-enjoy sa mga beach o gimik ay mas pinili ni Talitha Zaldriaga na gugulin ang panahon sa paghahanap ng bagong trabaho. At sa hindi masyadong malaki at sikat na kolehiyong ito niya ipinasya na mag-apply ng pagtuturo. Ni hindi nga niya inilagay sa kanyang credentials na dati siyang professor sa PSU. Ayaw niyang may makaalam na konektado siya dati sa pinakasikat na pamantasan sa kanilang lalawigan. Lalo namang ayaw niyang mahantad na minsan sa buhay niya ay nasangkot siya sa isang eskandalo ng ngayon ay isa sa pinakasikat na personalidad sa buong Pontevedra, si Dorcas Vega Mondego, kabiyak ni Errol Durano Mondego. Just like a normal person with conviction who did a mistake in the past, whether intentional or not, she still wanted to rise and change for the better. She made her own downfall, pero nais pa rin niyang bumangon at ipagpatuloy ang buhay gaano man ito hindi naging makatarungan para sa kanya. Ngunit hindi niya madaling magagawa iyon kung mananatili pa rin siya sa lugar kung saan naroon ang alaala ng mga tao at ng mga pangyayari na naging sanhi ng matinding guilt at depression na umaalipin sa kanya ngayon. Kahit pa sabihing binawi na niya ang lahat ng akusasyon niya sa dating matalik na kaibigan na si Dorcas Vega at napawalang sala ito sa mga kasalanang ibinintang dito kung saan ay naging parte siya, alam niyang hindi sapat iyon. At hinding-hindi na sila babalik pa sa dati. Walang kapatawaran ang nagawa niyang pagpapahamak sa kaibigan, lalong-lalo na ang pagkakanulo rito. Kung bakit kasi nadala siya sa mga pananakot ng mga abogado ng mga Zapanta na idadawit siya sa kaso ni Daphne kapag hindi siya tumestigo laban dito. Kung bakit kasi nagpaalipin siya sa inggit na naramdaman noong nalaman niya na interesado ang isang Mondego sa kanyang kaibigan na pinaniniwalaan niyang sahol sa talino at kagandahan kumpara sa kanya. Kung bakit kasi meron si Dorcas ng mga bagay na wala siya katulad ng yaman at kapangyarihan sa kanilang bayan. Kung bakit kasi… Her nice mood was eventually replaced with sadness upon the thoughts of the past. Ilang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng mga pangyayaring iyon at kahit ayon sa naririnig niyang balita ay masaya na si Dorcas sa piling ng napangasawang si Errol Mondego ay heto pa rin siya sa kanyang sariling mundo. Sa kanyang mundo kung saan ay patuloy niyang pinarurusahan ang sarili dahil sa mga nagawa. Kung kailan niya mapapatawad ang sarili ay hindi niya alam. Marahil ay kapag narinig na niya mismo sa bibig ni Dorcas ang salitang pagpapatawad sa mga kasalanang nagawa niya. But that desire of her heart couldn’t happen anymore. Dahil pagkatapos niyang makaipon sa pagtuturo sa kolehiyong ito ay magpapakalayu-layo na siya. Iiwan na niya ang sariling bayan at ang pamilyang hindi nagmahal sa kanya, lalong-lalo na si Ramil Zaldriaga, ang ama na isinisi sa kanya ang maagang pagkamatay ng kanilang ilaw ng tahanan dahil sa panganganak sa kanya. Bagama’t maayos naman ang samahan nila ng nakatatandang kapatid na si Misty ay halos nawalan na rin ito ng panahon sa kanya mula nang magtrabaho ito bilang executive assistant ng nakaupong mayor ng Zaragosa, si Raul Mondego. Isa pa ay nahihiya rin siya sa kapatid dahil sa nagawa niya kay Dorcas na kapatid naman nang matalik nitong kaibigan na si Daphne. Hindi nga nagsalita si Misty ng kahit ano nang malaman nito ang ginawa niya kay Dorcas, pero dama niya ang panunumbat sa bawat sulyap nito sa kanya. Isa rin ito sa napakaraming dahilan kung bakit gusto na niyang magpakalayu-layo. Nahihiya siya, hindi lang sa mga taong nakakakilala sa kanya at nakakaalam ng kanyang kasalanan kungdi maging sa kanyang sarili. If she could only turn back the hand of time. Kung puwede nga lang sana… “Are you okay, Miss Zaldriaga?” nagtatakang tanong ni Dr, Cristobal nang mahalata ang biglang pananahimik niya. Napakislot si Talitha sa tanong na iyon ni Dr. Cristobal. Saka lang parang bumalik siya sa realidad. “Y-yes, ma’am. Pasensiya na po.” “Okay,” kibit-balikat na sabi ng dean. “Your department coordinator will give you your teaching load. Classes will start two weeks from now. For the meantime, you are required to attend our faculty orientation and some seminars.” “Yes, ma’am,” wika niya kahit halos hindi na niya naunawaan ang mga huling sinabi ng dean. “Can I go, ma’am?” Tipid na ngumiti si Dr. Cristobal. “Sure, you may.” Mabilis siyang tumayo at yumukod tanda ng pasasalamat saka tumalikod papuntang pinto nang tinawag muli ng dean ang kanyang pangalan. Huminto siya sa paglalakad at lumingon. She noticed that the dean was looking at her intently. “Yes po?” “Ahm, nothing, Miss Zaldriaga,” alinlangang sagot ni Dr. Cristobal. “I just want to tell you that here in Marbella City College, we strictly discourage student-teacher relationship,” makahulugang sabi nito. Bahagyang umarko ang isang kilay ni Talitha. Malaman ang sinabing iyon ng kausap niya. And what the hell did Dr. Cristobal want to insinuate? Nag-apply ba siya sa kolehiyong ito para makipaglandian lang sa mga estudyante rito? Of course not. Nag-apply siya rito upang maging isang guro. Dahil sa ngayon ay ang pagtuturo pa lamang ang alam niyang trabaho at gustong-gustong niya ito. Kung hindi nga lang siya nagkaroon ng aberya sa PSU ay siguradong permanent na siya ngayon doon. Though insulted, she still managed to smile. “I know, ma’am. Makakaasa po kayo.” “Forgive me for saying this. But you are young and very beautiful. May tiwala ako sa iyo pero sa mga lalaking magiging estudyante mo ay wala. I hope that you get what I am saying, Miss Zaldriaga.” “Yes, ma’am. I will not betray your trust, ma’am.” Pilit pa rin ang pagngiti niya kahit sa kalooban ay unti-unting bumabangon ang paghihimagsik. “Good,” the dean said. But she somehow noticed a glimpse of doubt in the eyes of Dr. Cristobal. Pati ba naman mga taong first time lang niya makaharap o makausap ay may pagdududa na agad sa kanya? Inulit niya ang pagpapaalam at hindi na niya hinintay pa ang tugon ng kausap. Nagmamadaling tinungo niya ang pinto. Nang makalabas ng dean’s office ay pinakawalan niya ang isang malalim na buntong-hininga. Here she was again. Hindi pa man ay tila may panghuhusga na naman agad sa kanyang pagkatao. Paano ba niya patutunayan na mali ang iniisip ng iba tungkol sa tunay na Talitha Zaldriaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD