Lorenzo Ferrero Mondego

1478 Words
Miss Zaldriaga?” Isang tinig ng babae ang narinig ni Talitha mula sa kanyang likuran. Naglalakad siya ngayon sa mahabang hallway ng Marbella City College. Unang araw ng klase at nagmamadali siyang makapasok sa first period niya ngayong umaga. Bahagya siyang huminto sa paglalakad at saka lumingon upang kilalanin ang tumawag sa kanya. “Yes?” nakangiting tanong niya sa magandang babae na nasa likuran niya. Nahulaan niyang kapwa guro niya ito dahil sa anyo at pananamit nito. Katulad niya ay may mga libro at ilang piraso din ng papel itong dala-dala. Sa tingin niya, ay kasing-edad lamang niya ito. “I am Celestine Ledesma. Magkasama tayo sa department.” Nakangiting inilahad nito ang kanang kamay. Agad niyang tinanggap ang pakikipagkamay ng kaharap. “I am Talitha Zaldriaga. I am a new faculty here. How did you know me?” “Well, I just saw your name among the newly-hired faculty members here. Nag-iisa kang bago sa Tourism department kaya hinanap agad kita.” Sumabay na si Celestine sa kanyang paglalakad. Katulad niya ay mukhang papunta rin ito sa una nitong klase. Bigla itong napahinto ng makita ang numero na nakakabit sa itaas ng pinto ng isang classroom. “Dito na ang room ko, Miss Zaldriaga. Nice meeting you,” nakangiting sabi nito. “Just call me Talitha,” nakangiti ring wika niya. “Okay, then call me Cel. Sabay na tayong mag-lunch mamaya.” “Sige.” Umaliwalas ang kanyang mukha sa narinig. “Hindi ko pa nga alam kung saan ang canteen dito, eh. Mabuti at may makakasama ako.” “Pasok na ako, ha? Enjoy your first day here. Just be careful with the guys. They may court you, for sure.” Kumindat pa si Celestine bago tuluyang pumasok sa classroom. Napangiti na lang siya bago itinuloy ang paghahanap sa kaniyang klase. Nasa tatlumpo lamang ang mga estudyante ni Talitha sa subject na Tourism 1. As expected, mas marami ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Matapos pormal na magpakilala ay inatasan niya ang mga estudyante na ipakilala rin ang mga sarili nila. Katulad ng mga normal na estudyante, may kanya-kanyang personality ang mga ito. Na-sense agad niya kung sino ang mga mukhang pasaway at magpapasakit ng ulo niya. Pero nakahanda naman siya. Ito ang propesyon niya. Ito ang gusto niya. Noong nasa Pontevedra State University pa siya ay idinadaan niya sa pagiging istrikta ang pakikipag-ugnayan sa mga estudyante upang hindi masyadong maging pamilyar ang mga ito sa kanya. Kabaligtaran naman ng approach ng dati niyang kaibigan na si Dorcas. Mabait at lovable ito kung kaya mas minahal ito ng kanilang mga estudyante maging ng ibang katrabaho nila sa PSU kaysa sa kanya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit inggit na inggit siya kay Dorcas at hindi nito alam iyon. Mukha kasing mas maraming nagmamahal at nagtitiwala dito noon kumpara sa kanya. Kungsabagay, bakit naman niya sasabihin sa dating kaibigan ang mga insecurities niya sa buhay? Mas ginusto niyang maniwala ito na confident at masaya siya kung ano man meron siya. Pero ano nga ba meron siya? Wala, di ba? Tanging pisikal na kagandahan at diploma lang ang ipinagkaloob sa kanya. Wala siyang pera, kapangyarihan o kasikatan. Ni wala nga siyang matinong pamilya. Ops. May ate Misty pa nga pala siya. Pero maging ito ay ikinahihiya siya dahil sa kasalanang nagawa niya sa kapatid ng best friend nito na si Daphne. She was still on that state of usual reminishing when her phone suddenly rang. Bantulot na kinuha niya ang gadget at tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag. Speaking of the devil. Ang ate Misty niya ang tumatawag. Sinulyapan niya ang kanyang mga estudyante. Abala na ito sa kani-kanilang paghahanda sa susunod na period dahil ilang minuto na lang at tapos na ang kanilang klase. Ilang segundo niyang pinag-isipan kung sasagutin ang tawag until she finally decided to decline the call. Hindi pa siya handang kausapin ang kapatid lalong-lalo na ang panunumbat nito kung meron man. Alam niyang mag-uusap din sila balang-araw pero hindi pa ngayon. Habang ibinabalik ang cell phone sa bag ay napukaw ang pansin niya sa mahinang ingay na nagmumula sa mga estudyanteng nakaupo sa bandang dulo ng classroom. Nang sinulyapan niya ang pinto kung saan nagmumula ang dahilan ng pag-iingay ng mga ito ay ganon na lang din ang gulat niya. She even dropped her lower jaw in an awe. Her breath suddenly stopped for few seconds. It’s because she was looking at a gorgeous, eye-candy hunk entering the room. He was tall and muscular, with fair skin that matched to his obviously mixed oriental and western race. Talitha blinked her eyes several times. She couldn't believe that she was now gaping at the most handsome man she ever saw in her whole life. She silently watched him as he strode inside the room, paying no attention to the admiration thrown upon him. Parang walang anoman na dumiretso ang bagong dating sa isang bakanteng upuan. Hindi nito pansin ang pag-hi at pag-hello ng mga estudyanteng babae na nadaanan. Pasalampak itong umupo at saka tumingin sa hindi pa rin makakibong si Talitha. “Mister, you are…” Sa wakas ay nakabawi na rin sa pagkabigla si Talitha. Saka pa lang umayos ng upo ang lalaki. Namumungay ang mga mata na tumitig ito sa kanya. Gosh! He had the most beautiful eyes she had ever seen. Bumilis ang pintig ng puso niya. “Buon giorno, signorina. Mi chiamo Lorenzo. Lorenzo Ferrero.” sabi nito sa puntong Italian. Napa-oh ang mga estudyanteng babae. Mahina namang nagtawanan ang mga lalaki. She crumpled her forehead. Mabilis na pinaraanan ng kanyang mga mata ang roster list na nakapatong sa kanyang desk. “Excuse me, Mr. Ferrero, you might be mistaken. Your name doesn’t appear on my list.” Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. Napansin niya ang malagkit na pagkakatitig nito sa kanya. Saglit siyang nawala sa pokus. “By the way… ahm… do you speak English?” Bahagyang ngumiti ang lalaki. Tila sinadya nitong maging kaakit-akit ang sarili. Was he trying to entice her? “Si, signorina,” malamyos nitong tugon. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Talitha. Sobrang guwapo ng lalaking kaharap niya at hindi mapigilan ng kanyang puso ang mag-rigodon. Nakaramdam tuloy ng pagsisikip ang dibdib niya. “I guess you’ve entered a wrong class, Mr. Ferrero. You are too early for your next subject.” A sarcastic smile registered on Lorenzo’s face. “You’re wrong, signorina. The truth is, I’m too late for this class.” Malakas na nagtawanan ang buong klase. Pinandilatan ni Talitha ang mga estudyante upang patahimikin. “And why were you late?” himig pagtataray niya. “It’s because I have just enrolled only today,” walang gatol na tugon ng lalaki. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha. “Ma’am, you’re blushing,” hindi nakatiis na komento ng estudyanteng babae na nakaupo sa harap niya. “Oo nga, ma’am,” susog naman ng isa pa. “Uuuy, si ma”am…” halos sabay-sabay na sabi ng buong klase. Napatayo tuloy si Talitha dahil sa pagkapahiya. “Okay, class, you may go. We’ll start the lesson proper next meeting,” may halong inis na sabi niya pero ang totoo ay defense mechanism lang niya iyon upang hindi siya ipagkanulo ng nararamdaman. Napilitan tuloy magtayuan at maglabasan na sa classroom ang mga estudyante. Ang ibang babae ay panakaw na sumulyap pa sa tila walang pakialam na si Lorenzo. “Please, stay, Mr. Ferrero. I need to talk to you,” sabi niya sa nakaupo pa ring lalaki. “Si, signorina,” tila nangangarap naman na tugon nito, nakatitig pa rin sa kanya. Nang makalabas na ang lahat ng estudyante ay sinenyasan niya si Lorenzo na lumapit sa kanya. He took few steps toward her. Her breath stopped in few seconds when she saw him closely. He was really damn gorgeous. He was taller than her first impression. He must be a six footer. His light brown eyes matched to his bronze, long , straight hair. His athletic feature complemented to his branded black shirt and black pants. Muli siyang napakurap ng kung ilang beses. He looked familiar to her. She might have seen him once. Pero wala siyang kakayahang i-recall kung saan at kailan dahil nawawala na naman siya sa pokus lalo na ngayong tinititigan na naman siya nito sa malapitan. Hindi niya mapigilan ang sunod-sunod na pagtahip ng kanyang dibdib. Gosh! What was happening to her? She never experienced an excitement like this toward any man. At kahit kailan ay hindi pa nataranta ang isang Talitha Zaldriaga sa harap ng isang lalaki. Ngayon lang. At sa isang estudyante pa naman niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD