Summer Bloom

1406 Words
I will go straight to the point, Mr. Ferrero. I don’t tolerate students coming very late to my class, understand?” walang kangiti-ngiting deklarasyon ni Talitha kay Lorenzo. Pareho silang nakaupo habang nasa pagitan nila ang teacher’s table. Muling mapang-akit na ngumiti si Lorenzo. Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito. Napansin din niya ang manipis nitong stubble. Pinigilan niya ang sarili na mapanganga dahil sa matinding paghanga. “Mi dispiace, signorina,” maamong tugon ng lalaki. “And please stop using other language when I am talking to you. Let’s talk in English, okay?” Pinilit pa rin niyang maggalit-galitan kahit hinahagpos siya nang malamyos na tinig ng kaharap. Ang totoo niyan ay late na siya sa sunod niyang klase pero bakit parang gusto pa rin niyang makausap nang matagal ang lalaking ito? “Yes, signorina. I’m sorry.” Hindi pa rin inaalis ni Lorenzo ang pagkakatitig sa kanya. Nanunuot sa kanyang kaluluwa ang malalagkit na mga titig nito. “So where are you from? And why was your enrolment very late?” Talitha silently laughed at herself. Ano naman ang paki niya kung taga-saan at bakit late na nag-enrol ang estudyante niyang ito? Hello? College na kaya ito. Pero kung bakit tila may kung ano’ng nag-uudyok sa kanya na kilalanin ng higit pa si Lorenzo Ferrero. “Isn’t it obvious that I come from Italy?” pilosopong tugon ni Lorenzo. “I speak Italian. My name is Italian. Though I look more of a Filipino.” “So, your father is a Filipino?” “Si. You got it.” “You haven’t answered my second question. Why were you late in the enrolment?” “Because I need to fix my mind whether I will study again or not. This is my second course, you know.” “I see. So, you are already a professional? May I know your first course?” “Culinary arts. I am a restaurateur. I own big restaurants in Italy.” Pinigilan ni Talitha na ipahalata ang pagka-irita niya dahil sa kayabangan ng kausap at sa halip ay ipinasya niyang sakyan na lang ito. “Really? So, why are you here in the Philippines? “ “Partly, I’m here for a short visit to my relatives.” “Partly?” Napakunot ang noo niya. “And may I know the real reason?” “The real reason of my coming here in the Philippines is to see the woman of my dreams,” walang gatol nitong tugon. Talitha’s eyes turned wide. A tinge of disappointment poured into her. “And did you find her?” Lorenzo grinned. “Actually, I already found her several months ago. But I didn’t had the chance to know her that time. Now, I came back to see her again.” “And do you see her now?” Makahulugang tumitig sa kanya si Lorenzo. “I think so…” Mabilis na binawi ni Talitha ang tingin kay Lorenzo. Hindi niya kayang salubungin ang nag-aapoy na titig nito. Natatarantang dinampot niya ang kanyang bag at ilang papel na nakapatong sa mesa saka nagmamadaling tumayo. “I need to go to my next class. Nice meeting you, Mr. Ferrero.” Mabilis ding tumayo si Lorenzo. Ipinasok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon saka malakas na bumuntong-hininga. Hindi niya pinansin iyon. Tuloy-tuloy siya palabas ng pinto. Nagulat pa siya nang muling nagsalita ang lalaki. “Napakaganda mo, signorina.” Awtomatikong napatigil siya sa paglalakad at lumingon. “Marunong ka palang magsalita ng Tagalog?” Bahagyang tumawa si Lorenzo. “Oo naman.Kanina pa nga ako hirap na hirap sa pag-iingles, puwede naman tayong mag-usap sa Tagalog.” Muli na namang napamaang si Talitha. Nang sukat wala siyang maisip na sabihin ay napapailing na tinalikuran na lamang niya ang lalaki. Nangingiting sinundan ni Lorenzo o Enzo ng tingin ang papalayong si Talitha. “Not bad for a start,” nakangising bulong niya sa sarili. Hindi nasayang ang ilang araw niyang paghahanap sa dalaga. He was here in the Philippines for a break from his work. Hindi biro ang pagmama-manage ng malalaking restaurants sa kaniyang bansa kung kaya ipinasya niyang mag-relax muna. Tutal ay may mga managers naman siyang pinagkakatiwalaan sa Italy. Pero ang totoo ay hindi naman talaga bakasyon lang ang ipinunta niya sa bansang ito. Dahil kung bakasyon din lang ay nasa America sana siya o kaya’y sa Africa kasama ang kanyang Italyanang ina. Meron siyang mas matinding dahilan kung bakit naririto siya ngayon. At iyon ay walang iba kundi upang hanapin ang napakagandang babae na nakita niyang umiiyak habang papaalis sa gabi ng engagement party ng kuya niyang si Errol Mondego. Ilang buwan na din ang nakalilipas mula nang maganap ang engrandeng engagement party ng kanyang kapatid kay Dorcas Vega. Hindi sinasadyang nakita niya ang kanyang future sister-in-law na may kausap na isang magandang babae sa isang sulok ng hardin ng mga Mondego. Sa tingin niya ay tila nagtatalo ang mga ito. Saglit lang ang pag-uusap na iyon dahil agad umalis sa lugar na iyon ang magandang babae habang umiiyak. Dumaan pa nga sa harap niya ito pero hindi siya napansin. That woman gave her many sleepless nights. How he could ever forget those teary eyes that showed how much pain she had to endure inside of her. How he wondered to himself why he felt the urge to comfort her though they were strangers that time. Isang malaking palaisipan para sa kanya kung bakit ganoon na lamang ang pagmamalasakit niya sa babaeng iyon kung kaya hindi siya pumayag na hindi malaman ang pangalan nito. Sa pagtatanong niya kay Errol at sa iba pang tao na naroroon ng gabing iyon ay nakuha niya ang pangalan at ilang impormasyon ukol dito. Talitha Zaldriaga. Napakagandang pangalan para sa isang napakagandang babae. May kung ano’ng nag-udyok sa kanya na kilalanin pa ito sa mga susunod na araw ngunit kinailangan na niyang bumalik agad sa Italy para sa may sakit na ina. Kung bakit naman nang tinawagan niya si Errol para kumustahin si Talitha ay nalaman niyang wala na ito sa Pontevedra State University dahil sa kahilingan ni Dorcas. At sa hindi detalyadong kuwento ni Errol ay nalaman niyang may kinalaman si Talitha sa kasong kinasangkutan diumano ni Dorcas. Noon niya naisip ang maaaring dahilan ng pagtatalo ng dalawang babae noong gabi ng engagement party at ang pag-iyak at biglaang pag-alis ni Talitha. An easy-go-lucky type of woman. Flirt and party goer. Carefree and tactless. Wild and seductive. A woman who betrayed her bestfriend. Ilan lamang iyon sa deskripsyon na nakalap niya sa pagtatanong-tanong tungkol sa dalaga. Pero sa kabila ng mga negatibong personalidad na nabuo niya kay Talitha Zaldriaga ay nakapagtatakang ni hindi nabawasan ang paghanga niya rito. At sa pagdaan ng mga araw ay lalong sumidhi ang kanyang kagustuhan na makita itong muli. Kung kaya matapos ayusin ang mga kailangan sa kanyang mga negosyo sa Italy at ng inang may karamdaman ay ay muli siyang bumalik ng Pilipinas upang hanapin ang babae. He even laughed at himself. Hindi siya sanay na naghahanap ng babae. Ang totoo niyan ay siya ang hinahanap ng mga ito. Subalit iba ang pang-akit ni Talitha. Gusto niya agad ito kahit sa unang kita pa lang niya. At ngayong malapit na siya sa dalaga ay hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Kung kaya nang sabihin sa kanya ng mga inupahang detective na narito ngayon sa Marbella City College ang dalaga ay hindi siya nag-atubiling sundan ito. And worst, nagpasya pa siyang mag-enrol sa mumurahing kolehiyong ito upang maging estudyante ng dalaga upang hindi na ito mawalay sa kanyang mga paningin. Everything was clearly planned. Kasama sa plano niya ang hindi pagpapakilala rito bilang isang Mondego dahil baka makagulo pa iyon. Hindi lingid sa kanyang kailanman kung gaano kakontrobersya sa buong Pontevedra ang apelyido ng kanilang pamilya at hindi niya nanaising maging hadlang iyon sa mga plano niya. Sa ngayon ay kuntento muna siya sa kanyang pagpapanggap bilang karaniwang estudyante ng dalaga nang sa ganoon ay may dahilan siya upang malayang makalapit dito. Paaamuin niya ang dalaga at saka paiibigin. At kung susuwertihin, pakakasalan pa niya. At alam niyang hindi iyon magiging imposible. Siya si Lorenzo Ferrero Mondego. Hindi pa siya tinatanggihan ng sino mang babae. Hindi kailanman. Kahit pa ng isang Talitha Zaldriaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD