3:
Him?
Candice's POV
"Uy, nice hair," bati sa akin ng isang lalaking estudyante na dumaan sa akin para makapasok sa classroom.
Mag-iisang minuto na ako rito sa tapat ng magiging room ko pero hindi pa rin ako nakakapasok. Nang sumilip kasi ako ay halos magkakagulo sa buong room, mga nagkukulitan, nagkukumustahan, halatang close na ang mga ito sa isa't isa. Sa palagay ko ay karamahin, o baka lahat sila ay magkakasama na sa iisang room magmula nang mag-umpisa ang senior year nila last year, kaya ngayon after ng summer ay excited silang magkita-kita ulit. Mga naka-arranged na nga ang mga seats nila, kaya alam kaagad kung sino ang magkakabarkada. May nagkukumpulan na grupo ng mga babae, may mga lalaki, at may halu-halong gender sa iisang grupo. Ang iingay nila at unang bukas pa lang ng pinto ay bubungad na kaagad ang iba't ibang boses.
I don't belong to them.
Humugot ako ng malalim na paghinga at sumandal sa pader. Binili kaagad ako ni Ate Sam ng uniform para hindi raw ako ma-out of place sa mga matatagal nang nag-aaral dito, but it isn't working. Wala pa ako sa loob ay ramdam ko nang mag-isa lang ako. Pumikit ako habang nakasandal ang ulo ko sa pader.
"So what, Candice? 'Yan naman ang gusto mo, hindi ba? Ang mapag-isa, walang gugulo sa 'yo. You just have to survive a year or maybe just three months and you can go back to your real home. Eighteen ka na, legal age ka na n'on which means kaya mo nang mag-isa."
Napamulat ako nang na-realised ko ang sinabi ko. Pero gusto ko nga bang bumalik sa Maynila? Hindi lang naman dahil kailangan ko ng guardian kaya ako sumama kay Ate Sam, kundi dahil sa mga kaibigan at classmates ko na hindi ko na kayang harapin dahil sa hindi na rin nila ako kayang tingnan sa mata kagaya ng dati.
"Hindi ko na rin alam, Candice. Nababaliw ka na."
"Psst!" Halos mapapitlag ako nang may kumalabit sa akin, at nang tingnan ko iyon ay nagulat ako sa babaeng ngiting-ngiti sa akin. Sa unang tingin ay parang ang creepy niyang tingnan, bilog kasi ang may kalakihan niyang mga mata, matangos ang ilong at may pinkish at shape heart na labi. Mukha siyang manika, at patagal nang patagal ay mas nagiging maganda siya sa paningin ko kaysa creepy. May nunal din siya sa medyo matambok niyang pisngi, naalala ko tuloy si Dylan.
Speaking of Dylan, hindi ko na siya nakita matapos ng nangyari kanina sa may parking lot (kung parking lot nga ang espasyo na iyon) siguro ay abala na rin sa mga kaibigan niyang hindi niya nakita buong summer kaya hindi na nagpakita sa akin, pero okay na rin 'yon, at least walang nangungulit sa akin.
Muling napabalik sa kaniya ang atensyon ko nang tumawa siya. Para bang pinipigilan niya iyon na hindi? Nasa likod niya ang dalawang kamay niya, c*****g her head on one side, her curly hair is waving at her shoulder.
"Sorry, pero kinakausap mo ba ang sarili mo?" halos matawa uli siya.
Umayos na ako ng tayo at umiling lang ako sa kaniya, wala akong naisunod na salita doon dahil hindi ko rin naman alam kung bakit ko tinatanggi iyon, e, totoo namang kinakausap ko ang sarili ko.
She pouted her lips, telling me she's not believing, pero hindi niya na ako kinulit at sumilip sa loob. Tumango-tango siya na para bang may naintindihan siyang bagay.
"Ah, alam ko na. Naiingayan ka sa kanila, o nahihiya ka kaya hindi ka makapasok?"
Mabilis akong umiling, baka kasi ma-offend siya dahil kaibigan niya na ang mga nasa loob.
"Hindi naman sa naiingayan o nahihiya ako, parang wrong timing lang na sumingit ako habang nag-a-arrange sila ng mga seats nila."
Umingos siya. "Hayaan mo ang mga 'yan, maiiba rin naman ang seat arrangement kapag dumating na ang advisor natin," aniya saka ngumisi. "Pero tama ka, medyo awkward nga."
Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa may pulsuhan ko at hinila, pero hindi kaagad ako nagpatianod. Akala ko ba gets niya ako? Bakit niya ako hinihila papasok? Mukhang naintindihan niya kaagad ang nasa isip ko kaya natawa ulit siya.
Wala ba siyang problema sa buhay at tawa siya nang tawa? O masayahin lang talaga siya?
"Ano ka ba, wala rin akong barkada rito. Nasa kabilang room kasi ako last year. Kaya halika na't sabay na tayong pumasok, kapag dalawa tayo ay hindi na masyadong awkward. May kilala rin ako rito, pero hindi ko barkada. Pakikilala kita."
Muli niya akong hinila at sa pagkakataon na 'yon ay hindi na ako tumanggi pa. May magagawa pa ba ako?
Ipinalibot niya ang braso niya sa akin at magiliw na pumasok sa room, ako ay walang nagagawa dahil nakakapit siya sa akin. Good thing ay hindi ako ganoon kamahiyain kaya hindi ko itinago ang mukha ko, but I checked my bangs to make sure that my wound is not being seen.
"Uy, Claudia! Sineryoso mong lilipat ka rito?" bati sa kaniya ng isang lalaki na natatandaan kong bumati sa buhok ko kanina, at hindi ko alam kung bakit.
Nakaladlad lang naman ang wavy kong buhok sa balikat ko, o dahil sa bleach kong highlights?
"Oo, ayoko na kasi roon sa room ko, bahala sila roon," she said and flipped her hair. "Kaya tabi at uupo kami."
Inalis ng ilang lalaki ang mga bag nilang nasa isang desk, sa tabi niyon ay isang vacant desk at ininguso niya iyon sa akin. In short, nasa puwesto kami kung saan malapit sa grupo ng mga lalaki. So, I guess may pagkakapareho kami, na mas nakakasundo ang mga lalaki (not in a flirty way) kaysa sa mga babae.
"Mukhang napalitan mo na kaagad sina Fiona, Claudia," sabi ng isang maputing lalaki, mukhang Chinese.
Claudia pala ang pangalan niya. Hindi ko na natanong since nag-feeling close na siya sa akin.
"Oo, kaya magpakabait kayo sa kaniya. Siya nga pala si-" suminghap siya at sinapo ang bibig niya. "Hindi pa pala kita natatanong kung anong pangalan mo, hindi pa rin ako nakapagpakilala sa 'yo!" Nagtawanan ang mga malalapit sa amin. Iilan lang naman silang nagbibigay ng atensyon sa amin, karamihan pa rin ng nasa room ay may kanya-kaniyang mundo. Hindi niya pinansin ang mga nagtatawanan at nang-aasar sa kaniya ngayon dahil hindi naman daw pala niya ako kilala. "Ako nga pala si Claudia, Claudia Ferrer. Ikaw, anong pangalan mo?"
"Candice Nikaela Gomez."
Tumango siya. "Ang ganda naman ng pangalan mo, sosyal! May second name ka, 'yong akin ang igsi, nakakainis."
Nginitian ko lang ang sinabi niya at maingat nang umupo sa desk ko. Kailangan kong ingatan ang kilos ko dahil baka bumuka ang sugat ko.
"Anyway, si Fiona, 'yong binanggit nila kanina," pagtukoy niya sa boys na nasa likod namin, they're now busy trash talking while playing mobile games. "Bff ko 'yon, pero FO na kami kaya lumipat ako dito."
Tumango ako. "Bakit?" I'm trying to be into it or to be look interested, at least. Ang pangit naman kung hindi ko susuklian ang pagiging friendly niya sa akin.
She leaned forward, ready for her gossip. "Bumaba kasi 'yong grades niya last year, at ako ang sinisisi ng mommy niya dahil ako ang laging kasama. Ang bruha hindi manlang ako pinagtanggol, sa halip nag-sorry pa siya sa mommy niya kasi hindi raw siya nakapag-focus sa pag-aaral dahil sinasamahan niya ako sa practice kasama ang cheerleader squad ko, in short pati siya ay ako ang sinisisisi!" Sinapo niya ang dibdib niya na para bang masasaktan siya habang kinukuwento iyon.
Tumango-tango ako. Okay, so bukod sa pangalan niya ay ngayon alam ko na ring member siya ng cheering squad. I'll take that to my note.
"Ikaw, bakit may kulay ang buhok mo? Pwede sa school mo dati? Public school ka 'no?"
Mukhang nahulaan niya kaagad na transferee ako kahit na naka-uniform pa ako. Siguro kilala niya lahat ng estudyante? Ewan ko kung posible iyon.
Umiling ako sa kaniya. "Hindi, private school din, kaso hindi naman sa amin bawal ang magkulay o kahit ang magdala ng cellphone." Iyon kasi ang madalas na bawal sa mga private school, which is sa amin hindi.
Not to brag, pero may kalakihan ang kinikita ng papa ko sa dati niyang trabaho bilang engineering at si Mama ang architect, kaya nagawa nila akong ipasok sa academy. Halos puro anak mayaman at mga foreigner ang mga nag-aaral doon, kaya naman hindi mahigpit. Sa laki raw kasi ng binabayaran ng mga magulang ay parang nagiging suhol na lang iyon. Isa pa, sa dami ng foreigner na estudyante ay ang hirap na rin alamin kung sino ang may totoong kulay na buhok.
"Ang galing naman diyan sa school mo, saan 'yan? Saka bakit ka naman lumipat kung mukhang maganda?"
Dahil sa wala masyadong bawal kaya maganda? Nag-alangan naman akong sabihin, baka sabihin ay nagyayabang lang ako o gumagawa ng kuwento. Tanyag kasi ang school na pinanggalingan ko, karamihan ay rich kid. Pero hinihintay niya ang sagot ko kaya naman napipilitan akong sabihin na lang.
"I.S Academy."
Nalaglag ang panga niya, hindi ko tuloy alam kung anong magiging reaksyon ko. Nagulat ako sa ulong biglang sumulpot sa gitna namin.
"Naks, Manila girl ka pala? Ako nga pala si Charles," aniya at inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon nang may pag-aalangan.
"Naks si Charles marunong makipag-shakehands!" asar ng isang lalaki na hindi ko nakita kung sino.
"Syempre! Formal daw ang mga taga Maynila," mayabang na sabi ni Charles, ipinagyayabang niya ang kaalamang alam niya.
Nagulat ako nang ang babae sa harapan namin ang bigla namang lumingon. She's a nerd type, wearing a huge size of glasses, nakatali lang ang buhok niya sa likod. She's beautiful, at wala rin masama sa pagsusuot ng salamin, pero sana 'yong sakto lang sa mukha niya para magandang tingnan.
"Legit ba na guwapo at magaganda ang mga taga Maynila? Kaya siguro ang ganda mo, 'no?"
Umiling lang ulit ako, without any words to say.
"Englishera ka rin ba? Ang sabi nila ay ang mga taga Maynila raw ay mga sosyalin, English!"
Umiling ako. "Hindi lahat, depende sa kinalakihan."
Tumango-tango siya. "Pakilala mo naman ako sa mga friends mo, baka mahanap ko na ang prince charming ko roon. Matagal ko nang gustong makakita ng guwapong taga Maynila."
The moment she said 'ko' ay doon ko lang na-realised na siya lang ang walang kasama o kagrupo sa buong room. Hindi ko lang siguro siya nakita kanina dahil nakaupo lang siya or what kaya akala ko ay ako lang ang magiging loner sa room na ito.
"Anyway, ako nga pala si Kyline, tawagin mo na lang akong Kikay."
Dahan-dahan akong tumango pero kaagad din na umiling. "Can I just call you 'Ky? Mas bagay sa 'yo, pang komedyante kasi ang Kikay, komedyante ka ba?"
Tumawa siya. "Hindi, pero 'yan kasi ang tawag sa akin ng karamihan dito sa school, sila na ang gumawa ng nickname ko."
"AKA Bullies," singit ni Claudia. "Pinag-tripan nila ang pangalan ni Kyline kaya naging Kikay."
Umingos ako. "Kung ginawa nila ang pangalan na 'yon para asarin ka, 'wag mong gagamitin para ipakilala ang sarili mo. Para ka nang nagpa-bully sa kanila. May nakita nga akong mga bully diyan kanina sa labas, makaasta akala mo pinagpala sa mukha."
Naalala ko na naman ang mga nambu-bully kanina kay Dylan, naiinis na naman tuloy ako.
Natawa silang dalawa. "Nasanay ka siguro sa mga bullies sa school ninyo, mga gwapo. Masanay ka na, hindi talaga mga guwapo ang bullies dito, isa lang," ngisi ni Kyline.
Clueless ko silang tiningnan. "Hindi naman lahat, saka kapag bully roon ay nakakatakot talaga kasi mga prat. May prat ba rito?"
"Meron din, pero mga dugyutin, hindi kagaya sa Maynila na gusto mo na lang magpabugbog." Kulang na lang ay kuminang ang mga mata ni Kyline. Talagang pinagpapantasyahan niya ang mga bullies sa dati kong school, or sa Maynila. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa.
"Saan mo nakukuha ang idea na kapag bully sa Maynila ay guwapo?"
Ngumuso siya. "Sa mga teleserye, sa mga series. 'Di ba, usually kung sino pa ang pasimuno sa pambubully sa 'yo ay siya pa ang makakatuluyan mo. Tapos okay lang na mam-bully sila kasi mga famous sa school. The bully turn into a dog when the girl is around, siya lang ang kayang magpalambot sa bully, at happy ending na sila."
"Oo, tapos usually probinsyana girl ang babae na makakapasok sa isang tanyag na eskuwelahan, siya lang ang mahirap kaya siya ang madalas mapagkaisahan at paglaruan," segunda pa ni Claudia, at ngayon ay pareho na silang konti na lang ay maghuhugis puso na ang mga mata.
"Huy! Kakapanood at kakabasa ninyo 'yan ng fiction stories, e," iling ng bagong upo lang sa tabi kong babae. Maganda siya, maputi, pero tono pa lang ng pagsasalita niya ay mukha na siyang titibo-tibo, hindi kagaya nina Claudia at Kyline. "Hayaan mo na ang dalawang 'yan, mga hopeless romantic kasi. Ako nga pala si Trisha."
Tumango ako. Maglalahad sana ako ng kamay ko kaso naalala ko ang asaran kanina sa likuran ko, mga formal daw kaming mga taga Maynila, and it isn't sound compliment to me, parang pinagtatawanan nila ako dahil doon.
"Candice, Candice Gomez."
"Candice Nikaela Gomez, to be exact," singit ni Claudia.
Inasar siya ng mga boys dahil alam niya na ang pangalan ko at siya naman ay mayabang lang na tiningnan ang mga iyon. Si Kyline naman ay napansin kong biglang tumahimik nang dumating si Trisha. Umayos na rin siya ng upo at tumalikod na sa amin. Bakit? Hindi ba sila close?
Tumawa si Trisha. "Anong nangyari sa noo mo? Anong katangahan 'yan?"
Napahawak ako sa may sentido ko, nakaayos pa naman ang side bangs ko pero hindi pa rin iyon nakawala sa paningin niya. Maliit na ngumiti ako.
"Wala, aksidente lang." I almost choke up when I said 'lang' to her. Clearly it's not just an accident to me, it's not simple. It's changed my whole life, I lost my parents. Hindi ito isang katangahan lang.
"Uy bakit hindi ko 'yan napansin kanina?" tanong ni Claudia sa sarili niya. Muli namang lumingon sa amin si Kyline pero mukha pa rin siyang nag-aalangan sa pagsasalita.
"Hindi kayo close?" Hindi ko na napigilan ang magtanong. Kanina kasi ay mukhang komportable naman si Kyline, tapos bigla na lang nag-iba.
Ngumisi si Trisha. "Takot talaga 'yan sa akin, balibhasa takot sa kakambal ko. Sanay na akong madamay sa kalokohan ng kakambal ko."
Tumagilid ang ulo ko. "May kakambal ka? At bakit siya takot doon?"
"'Yon kasi ang nagpangalan sa kaniya ng Kikay," bulong sa akin ni Claudia.
Napatango ako. "'Yong bully," bulalas ko.
Biglang natahimik ang ilang girls. Feeling ko tuloy dahil sa binanggit ko ang bullies, pero nang may marinig akong mga nagpapa-cute na boses na biglang nagsabi ng, "Hi, Trevor." Doon ko na-realised na hindi dahil sa akin.
Uso ba ang heartdrob dito?
"Hayan na pala ang kakambal ko," sabi ni Trisha saka itinaas ang kamay niya. "Kuya, dito!"
Aawatin ko sana siya dahil naisip ko kaagad si Kyline na takot daw sa kapatid niya. Kaso naalala kong hindi kami ganoon pang matagal na magkakilala kaya hindi ko na siya naawat. At kagaya ng inaasahan ay yumuko nga lang si Kyline.
"Oh, maka kuya ka sa akin, isang minuto lang naman akong nauna sa 'yo," sabi ng boses na pamilyar sa akin.
"Woah! Nandito ka pala?"
Napaangat ako ng tingin nang maramdaman kong para sa akin iyon, at nagulat ako nang makita ang mukha ng lalaking ngayon ay nakapamulsa at nakatingin pababa sa akin, smirking.
"Ikaw 'yong girlfriend ni Dylan, 'di ba?"
Masasabi kong ang liit ng school na ito. Bakit sa dinami-rami ng makakasama ko sa room ay siya pa, ang isa sa mga nambu-bully kanina kay Dylan na sinindak ko!