4:

2565 Words
4. DJ Candice's POV Kumurap lang ako habang nakatingin sa kaniya, hindi ako nagbigay ng kahit na anong reaksyon. Nakakainis, bakit ang liit ng mundo at talagang mukhang magkasama pa kami sa iisang room? Sana ay dinalaw niya lang dito ang kapatid niya, kung tama ang pagkakaintindi ko. Siya ang tinutukoy na kakambal ni Trisha, at siya rin ang bully na tinutukoy nina Claudia kanina. Obvious naman dahil ako mismo ang nakakita ng pambu-bully niya, which is why I hate that he's here. Para siyang namamangha, naiiling at hindi makapaniwala. "Tingnan mo nga naman, small world." "Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Trisha. "And who's this Dylan? Si Dylan Bryant ba 'yan?" maintrigang tanong ni Claudia. Hindi ako sumagot. Nanatiling steady ang mukha ko. Ayokong magpakita ng kahit anong reaksyon sa presensya niya, dahil ang bully na kagaya niya ay mas nanggugulo kapag alam nilang nagpapaapekto ka. Para silang mga multo o ligaw na kaluluwa. "Saan kayo nagkakilala, Kuya?" tanong ulit ni Trisha. Bumukas pa lang ang bibig ng bully na nasa harap ko ay inunahan ko na siya. Umiling ako. "Hindi ko siya kilala, Trisha. Sino ba siya?" Lies! Para bang insultosa kaniya ang sinabi ko at tumabang ang mukha niya. Hindi ba niya matanggap na hindi memorable ang mukha niya? Umupo siya sa desk ko at napataas ang kilay ko. That's a bad manners. He leaned closer to me. "Sigurado ka bang hindi mo ako naaalala?" Kahit na inches na lang ang lapit niya sa akin ay hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong epekto niya sa akin. Kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sampalin. Sino siya para lumapit sa akin nang ganito? "Bakit, sino ka ba?" matigas at tila wala kong pakialam na sabi. Sabay-sabay nag 'Wooaahh!' ang mga lalaki sa likuran namin, nagbubulungan na rin ngayon ang ilang babae sa paligid at nakikiososyong nakatingin sa amin. May napansin akong isang grupo ng babae na matalim na ang tingin sa akin ngayon. Nakita ko ang pagdiin ng bagang niya, at kagaya kanina ay mukhang naangasan siya sa akin. Para din konti na lang ay sisigawan niya na ang mga lalaking kinakantyawan siya dahil hindi ko siya maalala, at insulto sa kaniya iyon. "Kuya Trevor, 'wag si Candice," sita o banta sa kaniya ni Trisha. Hmm, Trevor pala ang pangalan niya. Ang alam ko ay binanggit iyon kanina ni Dylan pero hindi ko matandaan, hindi sa akin tumatak. Pero siguro ngayon kailangan tandaan ko na ang pangalan ng lalaking mukhang ngayon ay gustong sirain ang buhay ko sa buong year ko rito. Tiningnan ni Trevor ang kapatid niya. Nagtitigan lang sila, at hindi nagtagal ay sumuko rin si Trevor at tumayo na. "We're not done yet." Tinaasan ko lang ulit siya ng kilay. Nagdiin ang labi niya, nag-isang linya na para bang nagtitimpi lang siya. Then he turned around and left the room. "Sira ulo 'yon, hindi siya papasok? First day of school," iling ni Claudia na mukha namang wala talagang pakialam. "Hayaan mo siya, malaki na siya," iling ni Trisha. Mukhang nag-aalala naman na muling humarap sa amin si Kyline. "Naku, Candice! Baka i-bully ka ni Trevor. 'Wag kang mag-alala, madalas nilang target ay 'yong mga mag-iisa lang, kaya sasamahan kita para hindi ka mag-isa rito sa school." Mabilis na sumang-ayon si Claudia. Na-appriciate ko ang kabutihan nila at ang gusto nilang pagtulong o pagprotekta sa akin, pero nakangiting inilingan ko sila. "Okay lang, hindi ninyo na kailangan gawin 'yan, mukha namang hindi niya ako aanuhin dahil kay Trisha," sabi ko saka binalingan si Trisha. "Salamat ha, pero bakit mo ginawa 'yon?" Kambal sila at mukha namang close sila base sa pagtawag niya rito kanina, at nang tantanan ako ni Trevor dahil sa kaniya, dahil doon ay alam kong may respeto sa kaniya ang kapatid niya. Ngumiti siya. "Para patunayan na hindi ako kagaya ng kapatid ko," sabi niya at sumulyap kay Kyline, kaya napatingin din ako sa kaniya. Mukha namang naintindihan ni Kyline na para sa kaniya iyon, dahil natatakot siya sa kaniya at hindi komportable kanina. Napangiti lang si Kyline pero hindi nagsalita. "Aww! First day pa lang ng school may friendship nang nabubuo, this is a good sign right?" excited na sinabi ni Claudia. Nagpilit lang ako ng ngiti at pasimpleng huminga ng malalim. Sana nga. *** Lunch time na, at lahat ay excited na kumain nang kasabay ang mga kaibigan nila, at mga karelasyon. Yes, sa loob ng tatlong oras ko sa room ay napansin ko na kung sino ang magkakarelasyon, which is normal na sa henerasyon ngayon. Wala na sa motto ng mga kabataan ngayon ang 'masyado pang bata' para sa isang relasyon. Ngayon ay kahit sino ay nai-in love na, o handang pumasok sa relasyon. Unfortunately, hindi ako isa sa kanila. Minsan na akong nang-entertain ng manlilgaw ko, pero hindi ko pa talaga makita ang sarili ko na may karelasyon, kaya naman pinutol ko kaagad iyon at hindi na siya pinaasa pa. "Uy, tara lunch tayo together. Trisha, Ky?" aya sa kanila ni Claudia na para bang automatic nang kasama niya ako kaya sila na lang ang kailangan niyang tanungin at ayain. "Sige! Akala ko mag-isa lang ulit akong magla-lunch ngayon, last year kasi halos every day akong mag-isa," simangot na sabi ni Kyline, pero mukhang masaya sa thought na hindi na siya mag-isa ngayon. So, she's not an introvert, she doesn't want to be alone. She's just loner, maybe because of her appearance? Madalas kasing ma-bully ang mga may style ng kagaya niya. Tumayo na si Trisha habang inaayos pa ang gamit niyang nilabas niya kanina na mukha namang hindi niya nagamit dahil halos wala naman pang lesson kanina, puro orientation lang. "Susunod na lang ako, pero 'wag ninyo na akong hintayin ah. Hahanapin ko muna 'yong kapatid ko, baka nagtatampo iyon dahil baka iniisip na hindi ko siya kinampihan." Wala na kaming nagawa kundi ang hayaan siyang umalis at sabihing hihintayin namin siya sa cafeteria. Although ayokong lumabas sa room, tinatamad ako at wala sa mood. Hindi ako nagugutom. Pero bago ko pa iyon sabihin ay hinila na ako patayo ni Claudia. "Ikaw, hindi ka pwedeng hindi sumama, dahil marami tayong kailangan pag-usapan." Wala na akong nagawa dahil hinila na nila ako ni Kyline. Nag-alala pa ako dahil tumama ang sugat ko, pero good thing ay hindi naman iyon dumugo. Nakarating kami sa cafeteria at magkakasama na rin kaming bumili ng pagkain. Pumili kami ng bakanteng table, at ipinagpapasalamat kong nasa may pinakadulo kami kung saan wala masyadong tao. Pagkaupong-pagkaupo namin ay inintriga kaagad ako ni Claudia, at mukha naman doon lang iyon naisipian din ni Kyline tanungin. "So, sino 'yong Dylan? May boyfriend ka pala?" Nangingiwing napailing ako. Alam kong nakuha nila ang idea sa bati sa akin kanina ni Trevor. Sira ulo talaga 'yang magkakabarkadang bullies na iyan, nag-assume kaagad. "Please don't tell me na si Dylan Bryant. Bakit kilala ni Trevor? Ang alam ko lang na connected sa kaniyang Dylan ay si Dylan Bryant." Nakahawak si Claudia sa may dibdib niya na para bang nasasaktan na siya kahit hindi pa ako nakakasagot. Pinagtawanan naman siya ni Kyline. "Bakit 'wag si Dylan?" curious kong tanong. "Ultimate crush ko iyon, e! Siya ang dahilan kung bakit ako pumasok sa cheering squad, kasi siya ang nag-a-arrange ng mga music na gagamitin, DJ din siya dito sa school, part-time job niya." Tumango-tango ako. At least alam ko may nagbago rin pala kay Dylan. Noong bata kami ay hindi ko siya nakitaan ng potensyal sa musics, sa sayaw puwede pa. Mahilig kami noon sumayaw sa ilalim ng mangga na tanim ni Lolo niya noong buhay pa siya. Iilan lang ang malaking puno sa Maynila, at isa roon ang puno na iyon kaya paborito namin. Hindi ko alam na ngayon ay hilig niya na rin ang music. "Bakit mo siya naging crush?" Now I want to know what kind of good qualities he have now. "Ang ganda kasi ng boses niya, naririnig ko pa lang siya sa speaker ng school ay crush ko na siya, hanggang sa nakita ko siya nang personal." She pressed her palms to her cheeks, nasa taas ang tingin niya na para bang naroon ang scenario na sinasabi niya. "Kaya nang nalaman kong siya rin ang nag-a-arrange ng music ng mga cheering squad, tutal marunong naman akong sumayaw ay sumali na ako. Malay mo mapansin niya na ako." "Pero teka," putol ni Kyline sa pagpapantasya ni Claudia. "Bakit parang kilala mo nga si Dylan Bryant? Don't tell me siya nga?" Parang biglang nawala ang kinang sa mga mata ni Claudia, nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot ko. Pinagsalinan ko sila ng tingin. "Oo, si Dylan Bryant nga ang tinutukoy ni Trevor, pero hindi ko siya boyfriend." Para naman nakahinga ng maluwag si Claudia sa sinabi ko. Nagpatuloy ako. "Childhood friend ko siya, at close siya a sa pinsan ko kaya ibinilin ako ni Ate Sam sa kaniya para hindi ako maligaw, at hayun nga kanina sa parking lot ay binully nila Trevor si Dylan." I left out the details of why Ate Sam is too worried for me. "So, hindi kayo at hindi ka rin niya nililigawan?" Claudia hopefully asked. Umiling ako. "Last week lang ulit kami nagkita after a long time. Magmula nang lumipat siya rito sa Bulacan ay hindi na kami nagkita o nagkausap, wala na kaming komunikasyon." Impit na tumili siya. "Yes! Ilakad mo ako sa kaniya, please! Kahit ipakilala mo lang ako tapos ako nang bahala." I scrunched my nose. "Ang akala ko ba magkasama na kayo sa cheering squad team?" Kumamot siya sa may kilay niya. "E, hindi naman kami nagkakasama. Usually, ibibigay niya lang 'yong CD ng remix niya tapos bahala na ang choreographer namin, hindi na ulit siya magpapakita." Kinalabit ako sa balikat ni Kyline. "Pero ikaw ba hindi mo siya crush? Baka crush mo rin siya, ha." Mabilis akong umiling, kahit na ang totoo ay minsan sa buhay kong naging crush siya. Pero dati lang naman iyon, nang mga bata pa kami. Hindi na mahalaga iyon ngayon. Isa pa, wala sa isip ko ang pagkakaroon ng love life rito. Kapag college na ako ay gusto kong maging independent. Mag-aaral ako sa Baguio, o hindi kaya ay babalik ako sa Maynila. Siguro naman kahit nasa Maynila na ako ay hindi ko na pa rin kakailanganin pang harapin ang mga dati kong kaibigan dahil college na kami niyon, iba't ibang school na for sure. Gusto kong bumalik sa firm na itinayo ni Papa kasama ang kaibigan niya. Iyon ang dahilan kaya ako kumuha ng ABM para sa senior high, dahil gusto kong mag-manage ng negosyo. "'Wag kang mag-alala, ipapakila kita sa kaniya mamaya." Tumili siya sa tuwa, pero kaagad niyang pinigilan ang sarili niya nang pagtinginan kami ng ilan sa mga nasa cafeteria. Ngingiti-ngiti siyang parang kinikilig na sinapo ang bibig niya. "Thank you, Candice! Sabi ko na nga ba, kaya maganda ang pakiramdam ko sa 'yo unang kita ko pa lang sa iyo kanina, kahit para kang baliw na kausap ang sarili mo." Napangiti lang ako at sinimulan na nga niyang ikuwento kay Kyline ang tungkol sa first meet up namin habang kumakain kami. Habang nagtatawanan sila ay iginala ko ang mga mata ko, sinusubukang hanapin si Dylsn. So, wala talaga siyang planong magpakita sa akin sa school? Mula kaninang recess at hanggang ngayong lunch ay hindi niya manlang ako hinanap. Ibinaba ko na lang ang paningin ko sa pagkain ko. Bakit ko ba siya hinahanap? Malamang hindi siya magpapakita sa akin, e, pinangalandakan ko kaninang umaga na ayoko siyang kasama, 'di ba? Natapos kaming kumain at hindi talaga kami naabutan ni Trisha. Siguro nahanap niya ang kapatid niya at sila ang sabay kumain. Sabi ni Claudia ganoon daw talaga ang dalawa, nagkakatampuhan kapag somehow ay hindi sila magkakampi, like hindi puwedeng kaibiganin ng isa ang kaaway ng isa. Kaya raw siguro nagalit si Trevor na para bang nasa side ko si Trisha. Kaya rin daw laging napagkakamalan si Trisha na bully rin dahil lagi niyang kinakampihan ang kapatid niya. Hindi ko masabing immatured sila dahil wala naman akong kapatid o kakambal, siguro normal lang iyon sa magkapatid? Palabas na kami ng cafeteria nang biglang may magsalita sa speaker. "Good afternoon, D.H High students! Nakakain na ba ang lahat?" Nagulat ako nang biglang kumapit sa akin si Claudia at inalog ang braso ko. Si Kyline ay napapailing lang na para bang inaasahan niya na ang ganitong reaksyon ni Claudia. "Ayan na si Dylan Bryant!" Tumango lang ako na para bang dahil sa kaniya kaya ko nakilala ang boses, pero ang totoo ay nabosesan ko na talaga siya. Ganito pala ang boses niya sa microphone, ngayon ko lang na-realised na maganda nga. Para siyang 'yong mga boses na bagay sa audiobook, masarap pakinggan. Audiobook talaga ang definition ko dahil mahilig akong makinig ng audiobook, at gustong-gusto ko ang mga boses ng nagna-narrate. Nakaka-relax, at hindi nakakaantok kung nakaka-hook ang storya ng book na pinapakinggan mo. "Fifteen minutes before bell, I'll play two songs that I chose from the songs that requested to me, pero bago ang lahat ay ako muna." Tumawa siya at sinabayan iyon ni Claudia, tila musika rin sa kaniya ang tawa ni Dylan. "Usually, sa akin nag-re-request ang mga H.D High students, pero ngayon ako naman ang mag-re-request. Para kasing lumaki bigla ang school para sa akin, hindi ko mahanap ang kaibigan ko. Wala naman akong sasabihin sa kaniya, I just want to make sure that she's okay." "Hala, ikaw yata 'yon Sez!" tapik ni Kyline sa balikat ko. "Ay, sana all!" kunwaring naiinggit na sabi ni Claudia. Hindi ako nag-react at nakinig lang sa speaker. "Kaya sana kung makita ninyo siya, transferee siya at may highlight na bleach ang buhok niya, which is bawal," he said laughing. "Please pakialam kung okay lang siya at i-text ako sa number na ginagamit ninyo para sa request song ninyo at sabihin sa akin kung kumusta na siya. Candice, kung nakikinig ka, dedicated na rin sa 'yo ang dalawang requested song na ito. Thank you, everyone! Happy first lunch together for this year!" "Omg! This is it! Ite-text ko siya na kasama kita-" "Claudia, please. 'Wag na." Natigilan siya. Sumikip ang dibdib ko nang ramdam na ramdam kong halos lahat ng mata ngayon sa cafeteria ay nasa akin. s**t! Ayoko nito, para akong hindi makahinga. "Girl, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nila ni Kyline. Hindi ako nakasagot. "Hi, Candice!" Ang daming boses ang tumatawag at naghe-hello sa akin. Tinatanong kung okay lang ba ako dahil ite-text daw nila kay DJ Dylan. Biglang sumikip ang cafeteria para sa akin. I'm suffocating. I'm having a panic attack. Hindi ko magawang harapin ang mga nagtatanong sa akin, basta na lang akong tumakbo palabas ng cafeteria, habol ang hininga ko. Pero hanggang sa labas ng cafeteria ay may mga pumapansin sa akin at nagtatanong kung kumusta na raw ako. They recognized me because of my bleach highlights. Naghanap ako ng parte ng school na walang tao. At hindi ko napansin na sa rooftop ako dinala ng mga paa ko. Hinihingal at hirap pa rin sa paghinga na sumandal ako sa may pinto at dumausdos paupo sa sahig. Nakayuko ako habang nakahawak sa dibdib ko. Hindi talaga ako makahinga. "Candice?" Napatingala ako nang may boses na tumawag sa akin. And to my surprise, I saw Trevor looking down at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD