♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Ninety Six ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. Pagkapasok namin sa puting mansyon ay agad kong ginala ang aking mata dito sa loob. Sobrang lawak dito at ang taas ng kisame. Nakita ko ang malaki at kulay itim na chandelier sa itaas. Itim ang kulay nito pero kumikinang ito. Bumungad din sa amin ang isang fountain dito sa gitna at napakunot ang noo ko nang makitang itim ang kulay ng tubig na lumalabas dito. Sa likod naman nito ay mayroong magkatapat na dalawang malawak na hagdan. Walang katao-tao rito sa loob at sobrang tahimik dito. Tanging ang pag-agos lang ng tubig sa fountain ang naririnig ko at mga huni ng ibon. Napalunok din ako nang maramdamang mas lumalakas ang itim na enerhiya. "Stay here, Fuji," utos ni Yuwi at nilingon si Fuji na nakatayo sa a

