♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Ninety Five ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Oliver's P.O.V. "What's our plan?" tanong ni Bernice sa akin. Nalaman kong nakalaban n'ya pala si Hina mag-isa kagabi. Malala din ang natamo n'ya dahil iniwan ko s'ya mag-isa. Mabuti na lang at dumating si Yuu. Tinulungan s'ya nito. Nandito kaming R8 ngayon sa bahay. Umuwi na rin ako agad dahil magaling naman na ako at hindi malala ang natamo kong sugat kay Fuji. Mas bumilis at lumakas din ang self healing ko ngayon. "Are you going to accept Yura's offer?" tanong pa ni Ethan sa akin na nakaupo sa sulok habang pinupunasan ang itim n'yang salamin. "It's not just my decision, guys," sabi ko sa kanila at tumayo tapos ay tinignan sila ng seryoso. "Yes, I'm your leader but it doesn't mean na ako lang mag-isa ang magde-dei

