♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Ninety Four ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. Napakunot ang noo ko nang makitang nasa tapat kami ngayon ng isang itim na gate papasok sa isang town. Napatingala ako at binasa ang nakasulat sa taas. 'Welcome to Land of Arkdaness' Napakurap pa ako nang biglang mag ibang pwesto ang mga letters sa Arkdaness. 'Welcome to Land of Darkness' Agad akong napatingin kay Yuwi na nakatingala din. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na s'ya ang leader ng mga Kiruwa Clan. SInubukan kong alisin ang tali sa dalawang kamay ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ito napuputol. Mas lalong humihigpit lang ito kada subok kong kumawala. Napangiwi ako nang maramdamang nagdudugo na ang wrist ko dahil sa sobrang higpit na ni

