chapter 22

2581 Words

MARAH'S POV: PAGKAPASOK na pagkapasok ko sa pinagdalhan sa'kin ni Igop na entertainment room na kinaroroonan ng halos lahat ng pinsan ko kasama si Micah ay ang mga nag-alala at mapag-unawang mga mata ng mga ito ang una kong nakasalubong. Wala ang inaasahan kong panghuhusga mula sa kanila dahil sa kinasangkutan kong relasyon. Isang mahigpit na yakap mula kay Micah ang natanggap ko bago pa naging group hug ang nangyari. Nabawasan ang dinadala kong bigat at sakit sa loob ko. May pamilya pala akong pwede kong kapitan. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto kong maiyak sa suportang pinapakita nila. Mukhang mas open minded pa sila kaysa mga matatandang Ramirez na matigas ang desisyong ilayo ako sa dalawang Carson na pareho kong minahal. "Well, who can blame you? They are a pair of hot specimens!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD