Isang malaki at napakagandang resort ang pinuntahan naming lahat. Napag-alaman ko ring buong resort ang inarkila nina Tita Bernie at Tita Flor. Parang bakasyon grande ang kinahantungan ng paglalayas kunwari namin mula sa mga Ramirez na mga asawa ng mga Tita ko at ama ng mga pinsan ko. Mukha ngang tuwang-tuwa pa sila sa ginawa nilang paninikis sa Three Kings dahil pagdating na pagdating namin sa resort ay nakahanda na agad ang mahabang mesa sa dalampasigan kung saan nakahain ang sea foods at may lechon pa, pambihira! Matapos bigyan ng kanya-kanyang assigned rooms ang mga pinsan ko ay parang mga batang nag-unahan ang mga ito sa dagat. Si Micah naman ay kasama si Kuya Behn na karga-karga si baby Benoc at sumabay sa mga Tita ko papunta sa mga pagkaing nakahain. Katirikan ng araw pero par

