Kabanata 10

1565 Words
Nagising ako sa paulit-ulit na katok ni Mommy sa pintuan ko kaya agad-agad na akong bumangon para pagbuksan ito dahil naiirita na ako. Tiningnan ko muna kung anong oras na at ganun nalang ang gulat ko ng makitang 6 am na! Binuksan ko na agad ang pintuan at nakita ko si Mommy doon na nakapa-maywang na sa akin.  "Nasa baba ang amo mo! Jusko kang bata ka, oo. May usapan pala kayong alas sais ka niya susunduin dito! Maligo ka na nga lang doon at baka naiinip na itong amo mo dito." Sabi ni Mommy bago siya bumaba para ma-entertain si Avi. "s**t naman. Bakit hindi tumunog 'yung alarm clock ko?! Punyetang 'yan." Napasabunot pa ako sa sarili ko dahil sa frustration.  Agad-agad na akong kumuha ng damit na susuotin ngayon bago pumasok sa banyo at bilis-bilisang naligo. Dahil beach nga, napili 'kong suotin ang high-waisted short at floral sleeveless.  Halos limang minuto lang ang itinagal ko sa banyo at bilis-bilisan na akong nagbihis. Gaya ng sabi ko kanina, 'yung high-waisted short at sleeveless ang suot ko ngayon. Nasa ilalim nito ay ang one-piece na panligo ko. Sinuot ko nalang ngayon para hindi na hassle mamaya kapag sa beach na ako mismo magbibihis.  Tiningnan ko ang kung anong oras na at nakita ko na 6:08 palang kaya kinuha ko na ang bag na hinanda ko kagabi bago lumabas. Baka naiinip na kakaantay si Avi sa baba! Naku. Bilis-bilisang paglakad ang ginawa ko para agad na kaming makaalis ni Avi. Baka din kasi magising na si Michelle.  Nadatnan ko pagkababa ko sila Avi at Leeno na naglalaro ng ML. Si Mommy naman, nasa kusina. Naghahanda siguro ng almusal para sakanila. Nang makita ako ni Avi, tumayo ito agad at in-off ang cellphone na nagpakunot ng noo ko. "Ba't mo in-off? Diba nababawasan credit scores niyo kapag mag-afk kayo sa laro or mag leave?" Natutunan ko ito dahil kay Leeno. Ayaw na ayaw niyang iwan ang laro dahil sayang daw 'yung credit score niya. Mababawasan din daw ang rank niya, ayaw daw naman niya bumalik sa pagka legend dahil ang hirap daw mag rank-up pa mythic.  He just shrugged his shoulders and chuckled a bit. "I don't really care. I only play when I'm bored or when someone wants me to play with me, and Leeno asked me to play with him so... I did." He looked at Leeno and said his sorry's and he said that we need to go.  Tiningnan niya ulit ako at nginitian. "Let's go?" Tumango nalang ako at hindi na nagsalita dahil naisip ko na baka gising na si baby Michelle pagkadating namin doon!  Nauna na akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate para mabuksan na niya ang sasakyan. Sinarado ko muna ang gate at tumingin ulit sa nakabukas parin na pintuan sa bahay namin. "Alis na kami, My!" Sabi ko. Nakit kong lumingon si Mommy sa gawi ko at tumango. "Mag-ingat rin kayo, anak!"  Kumaway na ako bago pumasok agad sa sasakyan ni Avi. Isang duffel bag lang ang dala ko kaya hindi ko na ito nilagay sa likod ng sasakyan dahil ang hassle na kung ganoon nga ang gagawin ko.  Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa bahay. Halos takbuhin ko na ang kwarto ni Michelle para lang maabutan niya ako doon pagkagising niya. Pumasok na ako sa kwarto ni Michelle at ganun nalang ang ginhawa ko ng makitang tulog pa ito. Walang kwenta lang din naman pala ang pagtakbo ko kanina dahil tulog pa naman ang bata. Umupo nalang ako sa rocking chair sa kwarto at nag-cellphone nalang. Naisipan kong tingnan ang i********: ko kaya 'yun ang ginawa ko. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makitang sabog na sabog yung notification ko! Gagi, 'yung mga normal posts ko nga aabot lang ng at least 30 likes, itong post ko kahapon sabog na sabog, eh! Umabot ng halos 500 likes na! Grabe, ganito pala kasikat si Avi? Tsk, ang daming magagandang babae ang umaasa sakanya dito palang sa comsec ng post ko. Napansin ko din na ang daming nag-f-follow sakin! Noong hindi ko pa pinost itong picture namin, 190 lang 'yung followers ko pero ngayon, 399 na and it's still coming! Grabe, bakit ngayon lang naisipan ng mga tao na ifollow ako? Ilang taon na itong account ko, ngayon lang nila finollow, Hmp.  I decided to just make my account private dahil medyo nakakainis na ang pag-notif ng likes and comments sa post ko. Ng matapos 'kong ma private, napansin 'kong marami na agad ang nag-follow request. Heh. Bahala kayo diyan. Ni-stalk ko ang account ni Avi matapos 'kong ma private and account ko at ganon nalang ang gulat ko ng makitang 458 followers na siya agad! Hindi pa nga nag-isang araw simula ng magawa niya ang IG na 'to, 458 na agad?! Paano naman ako?! Nasaan ang hustisya?! Wala pa siyang post niyan, ha! Mga gwapo lang ba ang karapat-dapat ifollow sa IG? Naiiyak ako, eh! Dahil sa inis ko, in-off ko nalang 'yung cellphone ko. Ang petty lang ng reason sa pagka-inis ko peor 'di ko mapigilan eh! Oo, na! About lang 'to sa followers pero ba't ba? E, naiinis ako eh!  Umupo nalang ako ng tahimik at hinihintay nalang na magising si Michelle kaysa sa kung ano-ano pa 'yung gagawin ko.  Halos limang minuto ang inantay ko ng magising na si Michelle. Napangiti ako at tumayo na para daluhan siya. "Good morning, Chellie." I said and caressed her hair slowly. Humikab siya at ngumiti sakin at tumayo na para magpakarga. Kinarga ko ito at agad niya naman akong hinagkan bilang bati niya din sa akin for good morning. "You smell so good, tata." Sabi nito ng yinakap niya ako. Tinawanan ko nalang ito umupo nalang sa rocking chair doon para makipag-chikahan saglit kay Michelle. Matapos namin mag-chikahan, niligo ko na siya para makapag-breakfast siya at para din makaalis na kami papunta sa private beach nila Kapag nililigo ko si Michelle, ang daming kailangan gamitin na kung ano-ano para sa pagligo niya. Hindi ko siya ma-explain pero kapag nililigo mo si Michelle, aabot ng at least 20 minutes dahil kailangan niya pang magbabad sa tubig dahil nga gusto niya parang spa nga. Tapos sa tubig, dapat lalagyan mo ng petals. Ligo ng prinsesa ata ito, eh. Nahiya akong head and shoulders at safeguard lang gamit. Baka nga ang tubig na gamit nito ay mineral water eh. Omg, dili nalang ako mag-talk.  Matapos kong paliguan si Michelle, binihisan ko na ito. Siya ang pumili ng susuotin niya at pinili niyang suotin ang isang crop top at palda na hanggang paa ang taas. 'Yung underwear na panligo niya din, same design and color sa crop top at palda niya. Kapag mamaya sa dagat, huhubarin niya nalang ang palda niya at naka two-piece crop top na siya. Kulay green ito na bulaklakin ang design.  Pinasuot ko na kay Michelle ang damit niya at agad namangha. Mas lalong gumanda si Michelle dahil sa suot niya! Omg, kailangan 'kong picturan si Michelle!  "Michelle, smile!"  Tumingin sa camera si michelle at nag-pose. Natawa ako ng bahagya dahil doon.  Sinend ko ang picture kay Tita Mathi sa i********: niya. Ni-seen niya agad ang picture at tumawag din agad ng makita iyon.  "Zani dear, hi!" Maligayang sabi ni Tita Mathi habang nakaupo sa isang sun lounger. She looks like she's on the beach na.  "Is that mommy?" Agad na tanong ni Michelle at lumapit sa screen. Ngumiti ito at kumaway sa cellphone ko. "Mommy!"  "Hi, my baby! Can I see your dress, anak?" Nakangiting tanong ni Tita Mathi. Kinuha ko ang cellphone ko at binaliktad ang camera para ipakita si Michelle. Nag-twirl pa si Michelle na parang prinsesa at dahil doon, napatawa si Tita Mathi.  "You look so pretty, hija. Are you and ate Zani having matching outfits again?"  "Medyo lang, Tita." Sabi ko at pinakita ang suot ko.  Tumango-tango si Tita. "Kahit ano namang suotin niyong dalawa, both of you will still look gorgeous." She chuckled after she said that.  Tumawa ako dahil doon. "Maganda talaga tayo, Tita. Wala ng duda." Tumawa ako ng malakas dahil doon at napatawa naman din si Tita Mathi.  Nagchika-chika kaming tatlo ng biglang pumasok si Avi sa kwarto ni Michelle. "Breakfast is ready." He said bago lumapit sa amin. Napansin niya na may kausap kami sa phone kaya tinuro niya ito. "Is that mom?" Tumango ako at pinakita ang phone sakanya.  Ngumiti ng malaki si Tita Mathi at kumaway sa camera. "Hi, son! How are you?"  Binigay ko na kay Avi ang phone para makapag-usap na sila. Habang nag-uusap sila, inayos ko ang mga dadalhing gamit ni Michelle mamaya. At least 5 minutes lang ang itinagal ko sa paghanda ng gamit ni Michelle kaya na-end nadin ang call matapos ko mag arrange. "Ano ang ibinilin ni Tita, Avi?" I asked. "She just said some reminders about Michelle's sunscreen and all that." He chuckled. "Let's get down so we can eat our breakfast."  Ngayon ko lang din napansin ang outfit niya. White beach polo at floral trousers. Floral, as in, same sa amin.  Ang hot niya talaga, naiiyak ako. Ang simple lang ng suot niya, pero ang gwapo na niya. Hindi o aakalaing 19 years old palang siya dahil sobrang mature na ng features niya. Hay, gusto kong maging boyfriend itong si Avi pero ayoko ngang masaktan. Friends lang kami dapat. Friends. Friends lang.    xc
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD