Nang mapagod na si Michelle kakalaro sa playground, inaya na niya kaming umuwi dahil gusto na daw niyang matawagan ang Mommy at Daddy niya bago matulog. Ngayon nga sana kami tatawag kaso hindi kaya sa data ko kaya sa bahay nalang. Wala din namang problema kay Tita at Tito kapag tumawag kami any time, hindi naman daw sila sobrang busy doon. Kahit pa nga daw hating gabi, sasagutin parin nila ang tawag.
Sa likod ng sasakyan na ako umupo noong pauwi na kami. Ayaw nga ni Avi na sa likod ako uupo pero dahil gusto ni Michelle na makatabi ako, hindi na siya umangal pa dahil alam niya kung pano magalit si Michelle. Kung ano ang gusto niya, iyon ang masusunod.
"Tata Erica, Kuya told me last night that you have a new baby." Malungkot na sabi ni Michelle.
Kumunot ang noo ko at tinginan si Avi sa salamin. Bakit niya naman sinabi ang tungkol kay Kendra?
Binalingan ko ulit si Michelle at hinaplos ang buhok nito. "Mmm... I have a new baby. But why are you sad?"
"You might not like me anymore because there's a new baby." Nakayuko na sabi nito.
"Who told you that?"
"Kuya..."
Nakita kong parang nagulat si Avi sa sinabi ni Michelle. Mukhang wala naman kasing sinabi si Avi na ganyan kay Michelle.
"What the fu----" I gave him a death glare through the mirror so he didn't continue what he was going to say but I can still hear his soft curses. He looked at me through the mirror and shook his head saying "I didn't say that to her. She's lying." Inirapan ko nalang ito at narinig ko pag-buntong hininga niya.
Kung ano-ano pinagsasabi sa bata, eh.
I turned to Michelle and giggled a bit.
"Chellie, Kendra is my niece. She's my sister's baby. And you know, she's really my baby too because I'm her tita but you're also my baby, okay? Both of you are." Pinindot ko ang tungki ng ilong nito at kumunot ang noo nito kaya parang nairita siya dahil doon. Hindi niya nalang ako pinansin at pumikit na.
Tumawa ako ng mahina bago sumandal sa upuan at pinikit na din ang mga mata ko.
Whoo, nakakapagod ang araw na 'to. Pero at least we had fun, that's what matters.
Nakatulog ako sa byahe dahil narin sa pagod at nagising nalang ng may naramdaman akong yumugyog sa mga balikat ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko agad si Avi na nakatitig sakin.
"We're home..." Napapaos na sabi nito.
I stretched my arms muna before turning to Michelle that is still sleeping. Kukunin ko na sana ang natutulog na bata pero naunahan ako ni Avi kaya siya nalang ang pinakarga ko. Besides, inaantok pa ako at mukhang wala din akong lakas para kargahin si Michelle kaya hinayaan ko nalang siya.
Nang tuluyan ng nakarga ni Avi si Michelle ay lumabas narin ako at kinuha ang backpack ni Michelle. Nasa gilid lang ako ni Avi, nag-aassist kung sakalaing may pintuan na kailangan 'kong buksan.
"Nga pala. Tulog na si Michelle. Tatawag parin ba tayo kay Tito't Tita?" Tanong ko ng maihiga niya si Michelle sa kama nito.
Umiling ito. "I'll just text them that Michelle slept. We'll just call them tomorrow morning." He put a blanket on Michelle and turned to me after. "Let's go?"
Tumango nalang ako at nauna ng lumabas. Ihahatid niya nalang daw kasi ako dahil gabi na at delikado para sakin na lumabas ng bahay ngayon, lalo na't naka shorts lang ako.
Nauna na akong dumating sa sasakyan habang nakasunod naman sakin si Avi. Pumasok na ako agad dahil hindi niya naman sinara kanina kaya nakabukas lang. He went inside right after too.
"I'll just pick you up at 6 tomorrow? So you won't have to walk."
Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa offer nito. Umiling nalang ako. "'Wag na po. Makaka-abala lang ako. Tsaka, mag-aaksaya kalang po ng gas, eh pwede naman pong maglakad naalng ako. Para makapag-exercise nadin ako."
Umiling din siya na ikinagulat ko. First time ko 'tong makita na nagpumilit siya. "I insist. It's my treat for taking care of Michelle."
Nahihiyang tumango naalng ako. "S-sige po. Kung 'yan ang gusto mo."
Pinaandar na niya ang sasakyan at agad na kaming tumungo papunta sa amin. Halos limang minuto lang ang byahe namin dahil malapit nga lang.
Hindi na muna ako bumaba ng huminto na kami sa harap ng bahay namin. Tinanggal ko ang seatbelt ko at kinuha ang mga gamit ko bago binuksan ang pintuan.
Lumingon muna ako kay Avi bago tuluyang lumabas at ngumiti ng matamis.
"Salamat sa paghatid. Kita nalang tayo bukas." I said and waved my hands before I completely went out. Hindi ko na muna sinara ang pintuan dahil baka may sasabihin pa siya at tama nga ako.
"You should pack at least 2 pairs of your outfit tomorrow. Mom said we can have the whole week all for ourselves and we can go wherever we want. I decided, maybe we should go to the beach tomorrow? You know, so we can unwind." He said and chuckled a bit.
I nodded and smiled. "Okay. What time tayo aalis at saan naman na beach tayo pupunta?"
"We have a private beach an hour away from here. We can go there anytime."
Tumango ulit ako at kumawya na. "Sige, pasok na ako para makapag-impake na ako. Ingat ka sa byahe mo pauwi!" Kumaway din siya sakin pabalik bago ko sinara ang pintuan at tuluyan ng pumasok sa gate namin.
Hindi muna ako pumsaok sa loob ng bahay mismo at hintid ko muna ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Avi. Kumaway ulit ako bago pumaosk na sa loob ng bahay.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyang bruha ka?"
Halos matapilok na ako ng biglang magsalita si Mommy.
"Ano bayan, My! Nakakagulat ka naman po!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.
Kumunot ang noo niya. "So pinaparating mo na pangit ako at dapat katakutan dahil mukhang bruha ako?"
"Ikaw lang po nagsabi niyan, My. Pasok na po ako." Sabi ko at nilampasan na si Mom.
Sinundan ako ni Mom, halata sa mukha niya na nanghihingi siya ng chika.
"So, ano? 'San ka galing at bihis na bihis ka at mukhang... pagod?" May mapaglaro na ngiti sa mapupulang mga labi ni Mommy at alam ko na agad kung anong kahalayan nanaman ang iniisip nito.
Inirapan ko nalang ito at nagpatuloy sa paglakad. Sunod ng sunod naman siya sakin.
"Sa mall lang naman po. 'Di mo afford 'don, 'no?" Sabi ko at ngumisi. Nakita 'ko siyang nakahawak na sa dibdib niya, parang na-offend dahil sa sinabi ko.
"Sa ngayon, hindi pa! Tingnan lang natin. Baka bukas may-aamin sakin na anak talaga ako ng bilyonaryo at may-ari ako ng isang mall. Malay mo, pagbabawalan kitang pumasok sa mall ko, kung ganoon?" Ngumisi din ito pabalik sakin kaya inirapan ko ito.
"'Ge. Mangarap kang mag-isa, My. Goodnight na. Pupunta pa akong beach bukas. Lalong di mo afford 'yun." Sabi ko at humalakhak na parang bruha. Nakita 'kong parang nanlaki ang mga mata ni mama kaya nagmamadali na akong tumakbo pataas sa kwarto dahil hindi nanaman ako tatantanan 'non!
Narinig ko pa ang mga yabag ni Mommy papunta dito sa taas kaya nagmadali na akong pumasok sa kwarto dahil talagang hindi ako papatulugin 'nun. Baka ng magpumilit pa siyang sumama bukas, eh!
I mean, ok lang naman if ever nga na gusto niya sumama pero nakakahiya naman sakanila Avi! Soon nalang, kapag na-receive ko na ang first sweldo ko i-t-treat ko sila mag-beach at makikipag-hati ako kay Ate Alaia sa gastusin. Lugi din ako kapag ako lang babayad, 'no.
Nilapag ko na ang mga gamit ko sa kama ko at aga na pumasok sa banyo para makapag-half bath na ako. Kailangan ko ding gawin ang skin care routine ko, 'no. Kahit naman mahirap kami, alagang alaga ko naman itong skin ko. Maxipeel 'yung ginagamit ko na soap sa face ko. Hindi ko na afford 'yung iba, eh. 'Yung sa lotion ko naman, hanggang Nivea lang ako.
Naghalf-bath na ako at agad ginawa ang gabi-gabing ritwal ko----joke. I meant my nighttime skin care routine.
Pagkatapos kong mag skin care routine, hinanda ko na agad ang mga damit na dadalhin ko bukas. Dahil nga mag-b-beach kami, ang mga outfits na pinili ko ay 'yung babagay sa beach. Isang bohemian white dress at isang high-waisted na short at floral na sleeveless. Para sa panligo ko, one-piece na black lang ang susuotin ko dahil ayokong nag-b-bikini.
Pagkatapos kong maimpake lahat ay humiga na ako sa kama ko.
Hindi ko din pala nabanggit, nakapag-bihis na ako. Isang oversized na tshirt at pajama.
Sige, goodnight na. Maaga pa ako bukas. *yawn*