Habang kumakain kami ay nag-s-sketch ako para kay Avi. Request niya kasi na i-sketch ko din siya. Hindi ko na siya tinanong kung anong pose gusto niya dahil ang ganda niya na kasi tingnan habang kumakain kaya 'yun nalang ang i-s-sketch ko.
Natapos ko na ang simpleng sketch ko pero ko na muna ito pinakita kay Avi. Nakakahiya, 'no. Wala pang kulay. Hiniram ko nalang kay Michelle ang notebook niya para makulayan ko pagdating sa bahay mamaya.
"Are you done eating?" Tanong ni Avi sakin. Tumango ako. Naubos ko kasi 'yung pagkain ko habang nag-s-sketch. Motivation ko para magpatuloy mag-sketch ang pagkain.
Tumango sakin si Avi at kinarga na si Michelle. "Let's go now. We don't want to waste our time. We still need to go to the salon because Michelle wants to get her hair done." Avi chuckled when he said that.
Ang taray naman ng batang 'to? Salon talaga? Ako nga tamang ligo lang, 'yung bata sa salon talaga? Head and shoulders nga lang gamit ko, eh! Baka itong batang 'to sosyalin din 'yung shampoo?
Tinawanan ako ni Avi ng makita ang reaksyon ko. "She's always like this when we go to the mall. Always not forget to go to the salon. You know what will happen if we'll forget about it." He had a scared expression on his face when he said the last sentence which made me laugh. Totoo nga naman. Nakakatakot magalit 'tong si Michelle. Baka kahit bata pa, baliktarin nalang nito ang mundo bigla-bigla.
Pumunta nga kami sa salon matapos namin kumain. Mukhang kilala na nga si Michelle at Avi dito sa salon, eh. Ginawang VIP, may special treatment pa. Kung isa lang talaga ako sa mga customers nila ngayon, magtatampo talaga ako. Joke lang. Wala din naman akong pambayad para makapag-salon.
"Sir, the usual lang po ba?" Tanong ng malandi sakanya. Oo, malandi. Akala niya ata hindi ko napapansin na parang ang pabebe masyado sa voice niya tapos 'yung binuksan niya pa 'yung isang buttones niya. May bata pa sa harapan niya, naglalandi siya? Hindi ba 'to nag-aral? Bad influence siya masyado sa bata, eh! Nakakainis na!
Dahil doon, nakabusangot ako the whole hour. Parang napansin ata ni Avi ang bad mood ko kaya tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ko and I felt bad about it. Pinangunahan ako ng inis ko to the point na hindi ko na napansin na nakakaapekto na pala ang foul mood ko!.
"Uh, tanong ko lang po sir."
Nakita kong parang nagulat si Avi sa biglang pagsalita ko kaya ngumiti ako dito.
"W- what do you want to ask?" He asked.
"Pwede na pala magpa-salon si Michelle? 2 years old palang po kasi siya kaya nagtataka ako." Sabi ko. Nakakapagtaka kasi dahil ang bata-bata pa ni Michelle tas magpapa-salon siya.
"We don't do heavy treatments for her. No chemicals involved either. I mean, they would put shampoo on her and shampoos have chemicals but they use the kid's shampoo for her. We just want Michelle to feel like she is really having her hair treated." He said chuckling a bit.
Napatango-tango ako dahil naliwanagan na ang bobo kong utak---Joke lang. Matalino po ako, hindi lang halata.
Umabot ng halos isa't kalahating oras ang treatment kuno ni Michelle. Medyo nagulat nga ako kasi shinashampoohan at minamassage lang naman ang ulo niya pero biglang ginabot ng isa't kalahating oras.
Pumunta kami sa 4th floor pagkatapos sa salon para makapaglaro kami ng arcade games. We spent an hour and a half playing until we decided to go down.
Pagkatapos namin sa arcades ay pumunta kami sa Dairy Queen. Muntik na mawala sa mind namin ang Dairy Queen kaya buti nalang at naalala ko.
"Tata Erica, what is your favorite ice cream po?"
"My favorite ice cream flavor?" She nodded. "Hmm. I have three favorites. Double dutch, cookies and cream, and rocky road. How about you, Chellie?"
"Cookies and cream overload!" She screamed playfully and giggled. Ang kulit ng batang 'to pero sobrang cute.
Avi chuckled beside me. "She only eats cookies and cream. She doesn't want to try other ice cream flavors because she might not like cookies and cream anymore. She doesn't want to take the risk of losing her beloved cookies and cream." He chuckled because of what he said.
I chuckled a bit too. "'Yung kapatid ko noong maliit palang, hindi talaga kumakain ng sweets. Hindi nga umiinom ng milk, eh. Ang ginagawa ni Mommy para mapainom siya ng milk ay ginagawa niyang sabaw ang milk sa rice ni Leeno. Pero mabuti nalang at kumakain na si Leeno ng sweets ngayon. Though hindi niya favorite."
True enough, ignorant si Leeno sa mga sweets. But it was good for us na hindi siya kumakain ng sweets para healthy lang siya. Though a part of me wants him to eat treats we love. We want him to enjoy his childhood and a part of that is eating sweets. Like, when we'd grow up medyo mawawala na ang hilig natin sa sweets.
Dumating na kami sa Dairy Queen kaya umorder na kami agad. It's almost 5:30 pm right now so after we take our orders for our ice cream, we're gonna head straight to the rooftop to see the sunset. I love sunsets and I heard Michelle loves them too.
"Ano po ang gusto niyong flavor, sir?" Tanong ng cashier.
"We'd like 3 oreo blizzards, please. I want the other one to be the smallest size and the other two would be both large sizes." Sagot ni Avi.
Tumango-tango ang cashier at sumulyap sakin. "Ang ganda ng wife mo, sir. Ganda rin ng anak niyo." She chuckled after she said that which made me and Avi shocked.
Ano daw? Wife? Anak?
Anong kalokohan 'to?
Mukha ba 'kong nanay?
Hindi nalang namin sinagot ang cashier dahil sobrang na-awkwardan na kami kaya umalis na agad kami ng matanggap ang order namin.
Dumating na kami sa rooftop at agad kaming tumungo sa playground doon. Gusto kasing maglaro ni Michelle kaya doon na kami umupo. Maganda din kasi 'yung floor ng playground kasi para siyang gym mat. Pwede mong upuan at super comfy siya, kailangan mo din hubarin ang shoes mo para hindi madumi ang floor.
"Sorry about earlier. I was shocked so I didn't correct her. I hope that didn't make you feel uncomfortable..."
Napakurap-kurap ako ng magsalita siya bago tumawa. "It's okay. Na-misunderstood lang naman niya, eh. At tsaka, mukha din tayong mag-asawa. Matching outfits tayo, pati narin si Michelle. Mapapagkamalan talaga tayong pamilya sa lagay na 'yan, no."
He laughed with me too.
Nakita na namin ang sunset kaya naisipan kong kumuha kami ng litrato.
"Michelle! Let's take a photo! Look at the sunset, oh..." I said and pointed the sky to her. It was a mixture of orange and pink.
Nanlaki ang mata niya at agad pumunta sa kung nasaan naka set-up ang camera namin. Sobrang excited na si Michelle dahil don. Nasabi din kasi sakin ni Avi na mahilig si Michelle sa pictures kaya ganito siya ka excited.
Iba't ibang pose ang ginawa namin. Sa isang picture ay nakaakbay sakin si Avi habang si Michelle naman ay nasa paanan namin. Sa isang picture naman ay kinarga namin si Michelle at sabay sabay na hinalikan ang magkabilang pisngi nito. May isa pa kaming pose na ginawa na nakatalikod kami sa camera at nakatingin kami sa sunset.
Para kaming isang pamilya.
Kinuha ni Michelle ang cellphone sa kamay ko para tingnan ang pictures at ganon nalang ang ngiti niya ng makitang perfect lahat.
"Michelle, do you want to print the pictures so we can hang them in your room?" Salita ni Avi. Agad nanlaki ang chinitang mga mata ni Michelle at ngumiti ng sobrang laki.
"Can I, kuya?" Nang makitang tumango si Avi ay tumalon-talon siya sa saya kaya napatawa kami dahil doon.
Naglaro na ulit si Michelle sa playground kaya umupo na ulit kami ni Avi. Tiningnan ko ulit ang phone ko bago lumingon kay AVi.
"Pwede ko ba 'tong i-post sa i********:?" Hingi ko ng permission. He nodded with that. "Tag ko na po kayo, Kuya Avi. Ano po ba i********: nyo?"
He looked at me and scratched the back of his head before chuckling. "I... don't have an IG account."
Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Impossible kasi, eh. Wala siyang IG account?
"But I can make one right now so you can tag me, wait." He took out his phone and downloaded IG so he can log in.
Tinulungan ko siya sa pag-log in niya hanggang sa makagawa na siya ng account.
His username was @fifthsalvatoreV. Right after he created his account, I search him on i********: and followed him. He followed me back right after so I immediately created my post.
I'm going to post one photo. 'Yung picture na nakatalikod kami sa camera at nakatingin kami sa sky habnag karga karga namin si Michelle sa gitna naming dalawa. I captioned it, "Safe with the skies." I mentioned Avi and also added the location where our photo was taken before finally uploading it.
Kapag nag-p-post ako sa i********: or f*******: ng myday or post mismo, tinitingnan ko talaga 'yan kada minuto para makita ko kung ilan naba ang nakakita or nag react. Minsan lang kasi ako nag-p-post, kapag lang may magandang picture ako.
Laking gulat ko ng makita na halos 50 likes na agad ang post ko tapos ang daming nag-co-comment sa doon.
@angelicughh: OMG HE HAS AN i********: ACCOUNT?
@miraculousbutterfly: SIS SINCE WHEN DID HE HAVE AN i********: ACCOUNT? OMYGOSH!
@jacobyourguy: Grabe, bilib na bilib talaga ako sa charms mo, Zani, eh. Isipin mo 'yun, ilang taon ko ng pinilit yang si Avi na gumawa ng i********: account tapos ikaw pala ang susundin niya? Ang unfair niya lang, ha. Para namang hindi kami magkasabay na lumaki. Pakisabi F.O. na kami. t___t
@beancabibingka: @aliyanah I think you're gonna need to stop crushing him, sis. Look oh
Nakita ko pang may comment din si Tita Mathilda sa post ko kaya binasa ko po ito.
@mathildasalvatore: Omg, mga anak! Nice shot! Please send these to me, Zani dear. And thank you dahil may IG na ang anak ko! Hahaha.
I liked her comment and replied to it.
@zanicastillo: @mathildasalvatore ok po, Tita! Will send them later kapag nakauwi na kami. Safe travels! xD
At marami pang ibang nag-comment na hindi ko nalang binasa!
Ganito ba kabaliw ang mga babae sa school at labas sa school kay Avi? Duda na ako dito, eh!
Pusta ko, ako 'yung talk of the school kapag magsisimula na ulit ang class.