bc

The Blackbelter Queen and the Dragon Prince

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

She is Samantha Sevilla - simula bata pa lang tumatak na sa isip niya na walang ibang makakatulong sa sarili niya kundi siya lang. Nagsanay siya ng martial arts para maproteksyonan ang sarili, Iyon ang pangako niya sa sarili niya.

Pero dumating sa buhay niya si Clint Villanueva - first boyfriend and first heartache niya na basta na lang siya iniwan na walang dahilan. Lumipad siya ng Amerika na dala ang sakit sa dibdib na iyon.

At sa pagbabalik niya galing ng Amerika, may naghihintay na offer sa kanya si Clint - ang ex niya. Gusto siya nitong kunin as personal bodyguard nito dahil sa death threats na natatanggap nito.

Tatanggapin niya kaya ang alok ng lalaki sa kanya?

Gayong ito ang dahilan kung kaya't naging Man hater siya?

chap-preview
Free preview
The Blackbelter Queen and the Dragon Prince
The blackbelter Queen and the Dragon Prince. Chapter 1. "Blog!" May kung anong nahulog sa katabing kwarto kung saan natutulog ng gabing iyon si Sam. Pagkarinig niyon ay agad siyang napabalikwas ng bangon at napaisip, paanong may mahuhulog na kung anong gamit mula sa kabilang kwarto kung wala namang gumagamit doon. Mas lalo namang hindi pusa iyon dahil wala namang pusang maaaring pumasok sa tinitirhan niyang unit. Mula sa pag iisip ng malalim ay napasinghap pa siya lalo nang makita niyang may pilit pumipihit sa seradura ng kanyang pintuan, kinakabahan man'y tumayo na si Sam at pumwesto sa likod ng pintuan. Kung sino man ang tao sa labas nun ay makakatikim talaga sa kanya ng uppercut na sabay-sabay. Alam niyang hindi siya pababayaan ng Diyos kung sino mang masamang tao ang nasa labas, makikipagpatayan muna siya sa kanyang kalaban bago pa siya nito matuluyan, sapat naman na siguro ang mga alam niyang technic at mga galaw sa mga araw-araw na natututunan sa martial arts. Nang makita niyang unti-unti nang nabuksan ng estranghero ang pintuan ng kanyang kwarto agad niya iyong sinabayan ng isang mabilis at mala Jet lee na sipa sa sikmura ang tao sa labas ng kanyang pintuan. Pinagsusuntok pa niya ito ng malalakas at pinagsisipa kahit na hindi niya makita ang kalaban dahil nga nakapatay naman ang ilaw sa hallway ng kanyang tirahan. Napatigil lamang siya sa pagsipa sa estranghero sa kanyang harapan ng marinig niya itong nakikiusap na tumigil na. Para siyang asong ulol ng mapagsino kung sino ang kanyang ginawang punching bago matapos i-on ang ilaw. "What the hell are you doing, Sam? You're killing your own cousin!" sapo ang panga na pasuray-suray na naupo sa sala ang lalake. Si Dux iyon, ang kanyang sariling pinsan! "Look who's talking Dux! You frightened me too!" halos pasigaw sa nerbiyos din niyang sabi sa kanyang pinsan na noo'y nakikita niyang namimilog pa rin ang mata ng lalake sa pagtitiis sa sakit na gawa niya kanina. "Alright! I'm sorry, kasalanan ko kung bakit nangyari sa akin ito. But hell, Sam! Papatayin mo ang sarili mong pinsan in the middle of the night!" galit pa rin nitong sabi kay Sam. "Exactly Dux! Middle of the night na oh, tapos biglang may pumasok sa bahay ko. So don't blame me kung bakit nagawa ko 'yan sa'yo," halos pasigaw din ni Sam sa pinsan. Sa pag aalala sa kalagayan ng pinsan ay ginamot niya din ang sugat na tinamo nito. Kalmado na sila pareho nang malagyan na ng first aid ang mga sugat nito. "So what brought you here? Just take note! Gabing-gabi na." ani Sam sa pinsan. "Makikitulog lang naman sana ako pansamantala dito kahit ilang gabi lang, kakauwi ko kasi galing sa office at tinamad na akong mag drive pauwi ng Greenhills so I decided to sleep here sana, and out of curiosity naisip kita so I just want you to check on your room kaso that's what happen now." Mahabang paliwanag nito. "Its your fault, you didn't bother to text or to call me kasi," nakaingos na sabi ni Sam. "Yeah! I know that, kasalanan ko. But this wounds I gathered from you," sabi nito na nakanguso sa isang brasong nasugatan, "kasalanan mo 'to, and please pay for this." dugtong niyang sinabi nitong nakaharap sa kusina, naunawaan na ni Sam kung anong ibig sabihin ng pinsan niya. Malamang pagkain ang kapalit ng ginawa niya sa kanyang pinsan kaya naman tumayo na siya at nagsimula ng initin ang natira niyang pagkain kanina. . "Napag isipan mo na ba ang offer sa'yo ng kaibigan ko?" mula sa pagbabasa ng martial art book ay napadako ng tingin si Sam sa kanyang pinsan na noo'y kasalukuyan ng kumakain. "Hell Dux! Don't ask a stupid question on me like that. Will you!" pabulyaw na sabi ni Sam sa pinsan. "Hey! Im just asking you. Well! I guess. I know exactly your answer," ngising-ngisi si Dux sa pinsan. "Hell you! Don't ever try to say things that I don't want to hear!" galit na sabi nito sa pinsan. "Hey! Im not doing something on you to get mad at me like that," habang nakatawa sa pinsan na noo'y nagagalit na. "Naisip ko kasi, dapat tanggapin mo ang offer na inaalok sa'yo ni Callix in the first place trabaho ang offer niya sa'yo. Walang masama doon unless you're not over yet to him," pang aasar pa nito sa pinsan, alam niyang ibabato sa kanya ni Sam ang hawak na libro kaya umilag na siya. "Oh yeah! Buti na lang nakailag ako do'n." nakangising wika nito habang nilalagay sa lababo ang pinggang pinagkainan, umiinom na siya'y nakita pa rin niyang sambakol ang mukha ng pinsan. "If I were you sweetie. I'll say yes for an answer, hindi para saktan ang sarili ko kapag araw-araw kong makakasama sa anumang lakad ang isang 'Callix Santilan' kung hindi upang ipakita sa kanya na I'm over him now. Na wala na siyang puwang sa aking puso, na kung ano man kami noon. Noon na lamang iyon, at ang paglapit kong muli sa kanya ay trabaho lamang. He needs a bodyguard? So why not." Nakangiti na ito sa pinsan. “Personal Bodyguard lang naman pala eh, so bakit ko tatanggihan db? Anyway desisyon ko 'yon pinsan, pag-isipan mo ang sinabi ko.” huling sabi nito sabay tapik sa balikat bago tumalikod sa kanya at pumasok na sa inookupang kwarto nang kanyang unit. Napabuntong hininga na lamang si Sam ng makitang nakapasok na sa kanyang kwarto ang kanyang pinsan matagal siyang nag-isip bago tuluyan nang pumasok sa kanyang kwarto. Callix Santilan is one of the bachelor in town, sa edad na trenta ay malayo na ang narating nito sa buhay. Maraming kompanyang pag-aari at kahit na anong bansa ay sikat ang kanyang pangalan sa dami ng hinahawakang business. Si Callix ay isang businessman na kilala sa buong mundo kaya naman hindi mo alam kung sino ang kalaban nito sa dami ng kalaban sa negosyo, at iyon ang tinutukoy ng kanyang pinsan na si Dux na offer kanina. One day, she just received a letter from Mr Santilan, a personal letter begging her to be his personal bodyguard. Okay naman sana eh, okay naman sana sa kanya. Sino ang tatanggi sa isang Callix Santilan? Sa edad na bente otso'y mayaman na'y gwapo pa at kilala sa buong mundo sa taglay na kasikatan sa negosyo. Pero kasi tumatanggi ang puso niya, hindi pa rin niya kayang makita si Nathan Santilan after five years no'ng huli silang magkita. Hindi pa handa ang puso niyang magpatawad. After all, nasasaktan pa rin siya kapag napapanuod niya ito sa tv at nakakabasa siya ng balitang pa iba-iba ito ng girlfriend at dinedate. Nasasaktan pa rin siya kasi naaalala pa rin niya kung paano siya umiyak mula sa pagkabigo sa Mr Santilan na iyon. Yes, Callix Santilan was her ex. Was kasi matapos ang tatlong taon relasyon nila, nagawa lang siyang lokohin nito sa isang iglap. Sinaktan at iniwan ng walang matinong dahilan, tapos ngayon bigla makakatanggap siya ng sulat mula dito na kelangan niya ng personal na bodyguard dahil may natatanggap siyang death threat sa hindi kilalang tao? Ano nababaliw na ba ang Mr Santilan na 'yan na matapos ang lahat-lahat ng ginawa niya'y parang walang nangyaring hindi maganda sa knila? May pasulat-sulat pa siyang nalalaman? Maktol ng isip ni Sam kasabay ng pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Nasasaktan pa rin siya kahit limang taon na ang nakakaraan, ngunit kasabay ng pag agos ng kanyang luha'y isang desisyon ang kanyang nabuo, kasabay ng pagpahid ng luha sa kanyang mga mata'y isang desisyon ang kanyang sisimulan. Mula sa paglalangoy sa swimming pool ay umahon na si Callix nang makita na papalapit si Nanay Celia niya ang matagal nang naninilbihan na katulong sakanila. "May bisita ka hijo, pinsan daw ni Dux gusto ka lang daw niya makausap sa mga bagay-bagay,papupuntahin ko na ba siya dito sa pool area?" Si Nanay Celia iyon, awtimatikong napatango na lang si Callix sa katulong nila tsaka tumalikod ang matanda matapos siyang magpasalamat dito. Alam niyang si Sam ang tinutukoy ng Nanay Celia na kasi kanina pa siya nakatanggap ng tawag mula kay Dux na papunta sila sa bahay niya. Napadako ang mga mata niya sa paparating na babae at hindi niya naiwasang mapanganga nang makita si Sam na papalapit sa kinaroroonan niya, She look so beautiful! Hindi siya makapaniwalang ito na si Sam limang taon na ang nakakaraan nang huli niyang makita. Unlike the old Sam na kilala niya before na palaging naka jeans at pormal tshirt lang ang Sam na papalapit sakanya ngayon ay Goddess na para sakanya. Why not? Sam is wearing a floral dress with three inches high heels and a rayban on her eyes. Yung parang may naglalakad na ramp model patungo sakanya. "Hi, glad to see you" mula sa pagkakatitig kay Sam ay kaagad na bumalik sa tamang pag iisip si Callix at ngumiti ng matamis sa kaharap. "Hi Sam, well good to see you" inilahad nito ang palad para makipag kamay sana sa bagong dating pero mukhang walang balak abutin ng bisita kaya ibinaba na lang niya ito. "I guess Dux told you already why im here." paninimula ng bisita na pormal kung makatitig at parang hindi man lang nahihiyang kausapin siya kahit na naka trunks lang siya. "Uhm, okay lang ba na dito na kita kausapin about the things-- "I guess ako dapat ang nagtatanong sayo niyan" nakangiting pamumutol ni Callix sa iba pang sasabihin sana ni Sam. "Is it okay to you that were doing our conversation here at the pool area? Why not let's go inside and have a tea" nakangiting sabi nito sa dalaga. "Okay lang naman sakin kung dito na tayo mag usap, mabilis lang naman to aalis din naman ako kaagad." pormal na sabi ng babae na parang ayaw siyang makaharap ng matagal. "Ah, okay then". parang napapahiyang sabi ni Callix na sa puso niya may konting kirot, para siyang batang napahiya mula sa ibang tao. "So, how are you Sam?" tanong na lamang niya dito. "I'm fine Mr. Santilan, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa. Pumapayag na ako na maging personal bodyguard mo in just one condition" anito na parang bored na. "Sige, sabihin mo kung ano at gagawin ko basta kaya ko" nakangiting sabi. "Isa lang ang kondisyon ko, at alam ko naman kaya mong ibigay yon sa akin, manghihingi lang po sana ako ng permiso na sana may day off ako. You know parang katulong, gusto ko kahit sana Saturday at Sunday para sa pamilya ko din at sa sarili ko, Monday to friday naman akong nakabuntot sayo kung gugustuhin mo" walang pakundangang sabi nito sabay ngiti ng malapad sa kanya. Napalunok si Callix sa naiisip at sa kagandahan ng kaharap kaya napatango na lamang siya sa gusto ng dalaga. "So i guess, settle na ang lahat nabasa ko na din yung Do's and Don'ts na pinadala mo kasama ng letter mo noon, kaya salamat sa pagpapaunlak sa kondisyon ko." ngumiti "Aalis na po ako Sir,and thank you again for that thing, have a nice day". Tsaka marahang pumihit patalikod. Saka lang napagtanto ni Callix na ang bilis ng pangyayari, hinabol niya ang papalayong babae. "Samantha". Napapikit si Sam pagkarinig sa pangalan niya, ang sarap pa rin pakinggan ng pangalan niya kapag si Callix ang bumabanggit non. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya kapag kaharap niya ang taong ito, dahan-dahan siyang pumihit paharap kay Callix na noon'y muntik na siyang mapasubsob sa malapad nitong dibdib. Nakakainis talaga! Di man lang niya namalayang ang lapit lang pala ng lalake saknya. "A..ano yun Sir?" kandautal na sabi niya, yung suot niyang shades ang halos magpatigagal saknya sa katinuan. Mantakin mong inalis iyon ni Callix mula sa pagkakasuot sa kanyang mga mata! "Ang ganda mo" rinig niyang sabi ni Callix pero ni hindi niya inalintana ang sinabi nito dahil sa lakas ng kaba ng dibdib niya! God Callix lips is just a quick kiss to blew! Isang dangkal na lang maghahalikan na sila! "I mean Sam, maganda ka na noon pa, but you're much prettier today" sabi pa nito. Kay sarap pakinggan! Ang sarap pakinggan na maganda pa pala siya sa paningin ng lalakeng ni minsan'y hindi nawala sa puso't isipan niya! Pero bago pa siya makapagsalita, may sumigaw na sa kanila. "Hey you b***h! f**k you, im gonna wring your neck!" at bago pa makagalaw si Sam nasabunutan na siya ng babaeng mula sa malayo kanina'y awtomatikong nasa harapan na niya. "What are you doing here? "salubong ang kilay na tanong ni Callix sa babaeng bagong dating matapos hatakin sa braso dahil sa pagbulyaw kay Sam. And speaking of Samantha Sevilla hindi na niya ito nakita pa. "Kaya ba hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko dahil may babae ka na agad?" bulyaw ng babae. "What?" iritang sagot nito sa babae na salubong na ang kilay. "You're not my girlfriend Jes! You know what's going on us, it's just a one night stand lust! Galit na galit na sabi nito. "f**k you asshole! f**k you!" mangiyak-ngiyak na sumbat ni Jessica kay Callix matapos sampalin ang lalaki. "Kilala mo ako Jessica hindi ako yung tipong pipirmi lang sa isang babae" diretsahang sagot nito sa babae. Namimilog ang matang luhaan si Jessica sa narinig at isa pang sampal ang ipinadako nito sa pisngi ng kaharap. "f**k you! Akin ka lang Callix! Akin ka lang" anito na yayakapin sana ang lalaki pero mabilis na lumayo ang kaharap. "Please get out of my sight Jes habang may respeto pa ako sayo" anito sa kaharap. Nakita niyang nanlilisik ang matang humarap sa kanya ang babae. "What is mine is mine put it in your mind Callix, I don't need an extra baggage to share what's mine" anito sa lalaki na nagpunas ng luha bago lumakad paalis. Galit na napapamura si Callix pagkatapos mapag isa sa pool area, dalawang babae na naman ang nasaktan niya in just an hour! And speaking of Sam kailangan niya itong makausap dahil sa ginawa ni Jessica. "I hate you! I hate you!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Sam habang nakasubsob sa unan niya, bakit ba apektado pa rin siya kapag may babaeng umaaligid kay Callix samantalang kay tagal na nang maghiwalay sila nito. "Hindi ka pa rin nagbabago! Sinasaktan mo pa rin ako! Nasasaktan pa rin ako" ang lakas na sabi nito sa teddy bear na regalo sa kanya ng lalaki noong first year anniversary nila. "Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo sa pagpapaiyak mo sa akin ng ganito!" Sumbat pa rin nito sa teddy bear na yakap-yakap nito. Parang napaka unfair sa kanya ng mundo, sabay na nawala sa kanya ang Mommy at Daddy niya nung first year high school pa lamang siya. At mula nuon ay parang wala na ding silbi ang buhay niya. Until she met Callix Santilan, transferree sa school na. Basketball player na kinahumalingan niya since then. Nainlove siya dito hindi dahil sa guwapo ito kundi dahil siya lamang ang tanging naging sandalan niya simula nung mag isa na siya sa mundo. Naging sila ni Callix fourth year high school na sila, sila pa ang tinanghal na couple of the night nung prom night nila. Sabay silang bumuo ng pangarap na tatanda silang dalawa. Magkakaanak ng marami para masaya ang pamilya nila. Untill she saw Callix with someone on his bed nung sinorpresa niya ito sa condo niya. Ang akala niyang masosorpresa niyang mahal niya ay may ibang kasiping ito sa kama and vice versa siya ang nasorpresa. Handa pa naman niyang patawarin si Callix sana noon kung hindi lang siya sinampal ng katotohanang matagal na pala siyang niloloko nito. Lahat pala ng kabaitan nito sa kanya noon dala lang ng pagka bored nito sa university kaya napalapit ito sa kanya. Yung tatlong taong pinagsamahan nila basta na lang tinapon ng ganon na lang ng taong pinakamamahal niya, that was the time when she decided to flew in Canada at doon na siya nagpatuloy sa pag-aaral. Nag aral ng martial arts para maprotektahan man lang sana ang puso niya sa pagkakabigo niya sa pag ibig, magtatapang tapangan sa lahat ng bagay at hindi papaapi,pero heto siya ngayon muli. Naghihinagpis dahil sa isang lalaki. Lalaking dahilan ng luha niya noon at sa ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
539.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
589.0K
bc

NINONG

read
393.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook